Chapter 4

22 1 0
                                    

Chapter 4

Hindi na ako natulog at nag-ayos nalang dahil isang oras nalang din naman ay kailangan ko na pumunta ng airport. I wore a white chic crop top pairing up with a black high waist pants together with beige oxfords. I opened my window to take a look of the city lights pero gininaw lamang ako kaya sinara ko ulit to. My alarm rang so I intentionally left my phone, grabbed my things, wore my nude long drape cardigan and went out of the unit.

Pagkasakay na pagkasakay ko ng eroplano ay isang pamilyar na pakiramdam agad ang bumalot sa akin. I closed my eyes while the familiar pain lingered around my heart. Every memory I had with him backfired into my skin like a thin bullet rushing into thin air.

Dahil mahabang habang byahe pa naman ito at nagiintay pa kami sa ibang pasahero, I closed my eyes and remembered everything I was trying to forget.

"Sige na, Sierra! Samahan mo na ako mamaya. Gusto ko lang talaga suportahan yung boyfriend ko sa High Ground."

"Tam naman, e. Magc-cutting tayo? Paano pag mahuli tayo? Graduating na tayo! Pati underage pa tayo, bawal tayo doon."

"May laban kasi si Jiwon mamaya. Ayoko naman na hindi mapanood iyon. Isang taon na lang naman legal age na tayo. Edi ako nalang mag isa kung ayaw mo!"

Padabog niyang sabi sabay kuha ng bag niya sa tabi ng armchair ko at lumabas na ng classroom. Napangiwi naman ako dahil sa pagmamaktol niya sa'kin para lang kay Jiwon. Matagal na kaming magkaibigan ni Tamiko. Running for valedictorian siya at ako naman ay salutatorian pero simula nung nakilala niya si Jiwon ay parang bumaliktad na lahat sa mundo niya.

Hindi ko nga alam kung kailan naging sila at wala naman akong pakealam doon. Pumikit muna ako ng mariin bago kinuha ang bag ko at sinundan siya.

Mabuti nalang at wala masyadong tao sa classroom at hallway dahil halos lahat sila ay nasa quadrangle para i-celebrate ang foundation day namin. Dali dali akong tumakbo at sinundan si Tam. Mabuti nalang ay naabutan ko pa siya pababa ng hagdan habang nakaakbay sa kanya si Jiwon.

"Tam! Saglit lang!"

"Sabi na, e! Di mo din ako matitiis!"

Tawa naman niya habang nakasandal sa dibdib ni Jiwon. Umiling nalang ako sa reaksyon ng kaibigan ko. Ninakawan ng halik ni Tamiko si Jiwon ngunit nagulat naman ako nang biglang tinulak ni Jiwon palayo si Tam sa kanya, dahilan para mapaupo si Tam sa hagdan.

"Tam!"

Sigaw ko at lumapit agad sa kanya. Napatingin naman ako kay Jiwon habang magkasalubong ang kilay ko. Ramdam ko din na namumula ang mukha ko sa galit. Umirap ako sa kanya at tinulungan si Tam na tumayo ulit. Ano ba naman tong boyfriend ni Tamiko? Ninakawan lang siya ng halik kulang nalang ibaon sa lupa si Tam.

"Anong problema mo?!"

"T-There was an officer. I'm sorry."

Sagot niya habang nakatingin sa akin at sa labi ko dahilan para mailang ako. Kanina pa ako nakatingin sa may baba pero wala naman akong nakitang officer. Tumaas ang kilay ko sa kanya at umirap nalang ulit.

"Okay lang yun, Sierra. Naiintindihan ko naman yun. He did it for me."

"I-I'm sorry, babe."

Nakangiting sabi ni Tam sa akin at yumakap ng saglit muli kay Jiwon. Nakatalikod siya sa akin ngunit ramdam ko padin ang ngiti niya lalo na nang mag sorry si Jiwon sa kanya. Napataas naman ako ng kilay at humalukipkip nang makita na sa akin siya nakatingin habang binabanggit ang huling salita.

Hindi ko nalang pinansin iyon kahit tumaas ang balahibo ko kanina. It feels wrong and it's weird! He's Tam's boyfriend first and foremost. My god, Sierra! Baka naman ay ganoon lang talaga siya sa mga tao. Umiling ako dahil kung ano anong iniisip ko.

Threads of His SheetsWhere stories live. Discover now