Chapter 3

23 1 0
                                    

Chapter 3

Pagkaalis niya ay lumabas agad ako ng closet ko na basang basa ng pawis. Umupo ako sa kama at sumandal sa headboard para maka recover sa nangyari. Ipipikit ko palang ang mata ko ay pumasok agad si Abena sa kwarto at ni-lock ang pinto.

"Girl, okay ka lang?"

Tanong niya sa'kin. Umiling naman ako habang pinupusod ang buhok ko at pinupunasan ang pawis ko. Nagpalit lang din ako saglit ng damit dahil hanggang ngayon ay pakiramdam ko hindi ko pa mahanap ang ulirat ko para makapagsalita at makapag isip ng maayos.

"Ano ba nangyari, Abena?"

"May nagdoorbell kasi kanina. So akala ko yung delivery guy na yun kasi nagpadeliver ako at nagugutom ako, but then yung Jiwon mo yung bumulaga sa mukha ko kaya mas na stressed ako."

"Bakit kaya niya ako hinahanap?"

"Ayan na naman, ha! Aasa na naman! Malay ko girl. Baka wala si Eren kaya ikaw hinahanap."

Inirapan ko nalang siya at tumawa naman siya sabay tayo nang may nag doorbell ulit. Sinara niya naman ang pinto ko at hindi na siya bumalik pa kaya mukhang dumating na yung inorder niya. I need to talk to someone right now. I sighed deeply at kinuha ko naman ang cellphone ko at tinawagan si Sebastian.

Serene's probably working right now at Japan since mga ganitong oras siya gumagawa ng designs. She's been a graphic designer for a big company in Japan for almost three years. She can even speak Japanese fluently now. Natawa ako nang bahagya ng maalala ko nung pagkadating na pagkadating niya doon ay umiyak agad siya sakin habang nag f-facetime kami.

Akala niya daw kasi ay pinagtataasan siya ng boses pero kalaunan ay nadiskobre naman niyang normal pala iyon doon. Serene's finding it hard to adapt kaya kinailangan niya pa na puntahan siya ni Sebastian doon para tulungan siya maka adjust for almost a month.

Sebastian's been overseas simula nung pagkagraduate niya. He stayed in Thailand for a year then moved to South Korea for half a year and now he's in Taiwan working as a journalist. Sebastian is smart and he loves challenging himself that's why learning new language and adapting to another culture seems to be a piece of cake for him.

"Ate!"

Nabalik ako sa sarili ko nang marinig ang sigaw ni Sebastian sa'kin. I smiled just by seeing my brother. Ang laki laki niya na. He's a man now. He's 23, a year older than Serene and four years younger than me. His double-eyelid eyes, pointed nose and a messy shaggy haircut just made him manlier and Korean-like.

"Mukha ka nang kpop idol."

"Talaga, Ate?"

"Oo. Hawig mo na yung idol mo. Yung Lee Joon ba iyon?"

At tumawa naman siya. Hay nako. Ang kapatid ko talaga, still kid at heart. Napangiti naman ako lalo nang makitang ganoon parin siya tumawa dahilan para mas lalo ko lang siyang mamiss.

"I miss you baby boy namin!"

"Ah, ganyan, ate ha? I miss you too, Madre."

"Gago!"

Sabi ko sa kanya at humagalpak na kami ng tawa pareho. Iyon kasi ang pang asar ko lagi sa kanya dahil naiilang daw siyang tawaging baby boy eh kayang kaya na naman daw niya gumawa ng baby. Madre inaasar niya sa akin dahil Sierra ang first name ko at hinahalintulad niya ito sa 'Sierra Madre'.

"Malungkot ka na naman no? Sabi ko naman kasi sa'yo eh, iwan mo nalang siya ulit."

"Sebastian...."

"Ano, ate? Diyan ka nalang? Ganyan ka nalang habang buhay? You're not getting any younger. 27 ka na! It's been five years simula noong iniwan mo--"

"I know... I just don't know what to do anymore. I suddenly felt tired, alam mo iyon? Nagkita kasi kami ni Eren kanina sa condo niya.."

At kinwento ko sa kanya ang buong nangyari. Inis na inis sa'kin si Sebastian dahil sa mga desisyon ko sa buhay pero wala naman daw siyang ibang magawa kundi tanggapin nalang dahil mahal niya ako at dahil ate niya ako.

Ang dami dami niyang binitawang sermon sa'kin habang kumakain siya ng spicy beef noodle. Nainggit tuloy ako. Parang ang sarap kasi noong kinakain niya.

"Ate, it's not your fault if he keeps record of your wrong doings. It's time to set yourself free. Hindi ka required na habang buhay maging parausan niya para lang matanggal yung guilt sa katawan mo--"

Naputol naman siya sa sasabihin niya dahil biglang nilapitan siya ng office mate niya, hudyat na kailangan niya na bumalik sa trabaho.

"Kailangan na naming mag publish ng articles. Ibaba ko na to ha! Ingat ka sa byahe mo bukas! I hate your decisions but I love you, Ate!"

"I love you too! Ingat ka din diyan, ha? Wag papabayaan ang sarili!"

At binaba niya na ang tawag. Natawa ako ng bahagya dahil ganoon parin siya. Ayaw niya nang siya ang binababaan ng telepono kaya lagi siyang mas nauunang magbaba. Hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya si Mama naman ang tinawagan ko.

Nakailang miss call na ako ngunit hindi parin niya sinasagot. Natutulog pa siguro ito ngayon. Nabigla naman ako ng bigla siyang tumawag sa akin. Inayos ko ang higa ko at sinagot ang tawag niya.

"Sierra? Bat ka napatawag, anak?"

I smiled just by hearing the voice of my mother. Pakiramdam ko ay lahat ng mga problema at hinaing ko ay mawawala kapag sinabi ko sa kanya. Mas lalo akong napangiti ng makita ang kamay ni Papa na nakayakap sa kanya.

"I love you, Ma. Matutulog na po kasi ako, gusto ko lang kayong makausap."

"Asus ang panganay ko, naglalambing. Kamusta ka na diyan, anak? Ayos ka lang ba?"

Pigil na pigil ang mga luha ko sa tanong ni Mama. I'm not okay, Ma. But I will be, someday.

"O-Opo, Ma. Inaantok na ako, Ma. Tawagan ko nalang kayo bukas ulit ha? I love you!"

"I love you too, Anak. Sige, magpahinga ka ng maayos at mukha kang pagod."

"Pagod na pagod na nga, Ma."

I smiled and ended the call.

Threads of His SheetsWhere stories live. Discover now