Chapter 5: I'll Protect You (SAMPLE CHAPTER)

14.3K 391 51
                                    

Chapter 5: I'll Protect You

NANGGAGALAITI pa rin si Eden hanggang sa makalabas na siya ng park. Umupo siya sa bench. Masarap mag-emo roon dahil wala nang taong napapadpad sa bahaging iyon ng malaking park. Nasa likuran kasi.
Naiinis talaga siya kay Riggy! Nakita niya kung paano nitong nakontrol sa pamamagitan ng pagtitig nito sa mata iyong lalaki na nagtitinda kanina. Nakita niya na napapasunod nito ang kahit sino rito na walang kamalay-malay sa ginagawa nito ang mga tao.
At bilang tao ay naiinis siya na pinaglalaruan ang mga kapwa niya taga-earth Alam niya na marahil, iba ang kaugalian na nakalakihan ni Riggy dahil taga-ibang planeta nga ang ito pero naiinis pa rin siya sa kaisipan na hindi nito iniisip ang nararamdaman ng iba.
Pero ang hindi niya maintindihan sa sarili ay kung bakit kahit alam niya na isang alien ang lalaki at may mga kapangyarihan itong taglay katulad ng pagkontrol sa ibang tao, mabilis na pagkilos at marahil mas marami pang ibang kakayahan ay hindi niya magawang ganap na matakot dito. Noong una lang siyang natakot pero nawala rin agad iyon nang makita niya na napakawalang hiya nito. Para bang isa lang itong ordinaryong tao na makapal ang mukha at malaking kulangot sa ilong niya. Napagtatarayan pa nga niya ito na hindi naman niya nagagawa sa kahit na sino kahit na kailan. Kahit pa sa sariling pamilya niya. Pakiramdam niya, kapag ito ang kasama niya ay nagiging totoo siya sa sarili niya.
Umiling siya. Kung mayroon man siyang isang taong hindi dapat pagkatiwalaan ay ang lalaki na iyon na!
Tumayo na siya sa pagkakaupo sa bench nang magulantang siya nang biglang may sumulpot na isang nakakatakot na halimaw sa harapan niya! Parang nanggaling ito sa ilalim ng lupa pero malambot at parang jelletin ang buong katawan nito!
"AAAAHHHHHHHHH!!!!" pagtili niya na agad nang tumalikod para tumakbo pero napuluputan na ng galamay nito ang paa at mga kamay niya.
"EEEEKKKKK!!!!" Nandidiri na napatili na naman siya lalo na nang dilaan ang mukha niya ng naglalaway na bibig ng halimaw. Doon lang niya tuluyang napagmasdan ang nakakadiring anyo nito. Para itong uod na malaking-malaki pero bilugan ang katawan nito imbes na pahaba. Ang katawan nito ay kasing lambot ng sa isang jellatin at kulay berde ang balat nito. Walang ilong ang halimaw kaya marahil hindi nito ramdam kung gaanong kabaho ang nakakarimarim na hininga nito! Ang mga mata ng halimaw ay para lang isang itim na usok. At bukod doon ay nanlalagkit ang mga galamay nito na nakapulupot sa katawan niya!
"EEEEEKKKKKKK!!!! TULLLLOOOOOONGGGGG!!!" Halos maiyak na siya at maubusan ng boses sa sobrang lakas ng tili niya. Diring-diri siya rito!
"Ibiiiigggggaaayyy mo... saaaa akinnnnn ang kwwwwwiiiiinnnnttttaaaasss..."
Iyon ang naging ungol ng halimaw. Parang galing sa ilalim ng lupa ang tinig nito at hindi na masyadong maintindihan ang sinasabi nito pero iyon lang ang bahagya niyang naintindihan.
Sigaw siya nang sigaw pero kakatawang parang kahit ano'ng pagsigaw niya ay wala ring nakakarinig sa kanya. Para bang wala man lang nakakapansin na may halimaw doon. Inilingon niya ang mga mata sa paligid pero wala siyang makita kahit na isa man lang na tao.
Nakaramdam siya ng takot. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya natakot ng ganito para sa sarili niyang buhay.
"Ibbbiiiiiggggaaayyy mo sa akkkkkiiinnnn annnggg kwwwiiiinnttaaasss!!! Prinsessssaaaa Aaaggggnnnniiiiieeeezzzzzzkkkkhhhhhaaaaa...."
"K-kwintas? H-hindi ko alam ang sinasabi mo! At hindi Prinsesa Agniezkha ang pangalan ko!" Kahit nahihirapang magsalita dahil ang galamay nito ay nasa leeg niya ay pinilit pa rin niya.
"Sinnnuuuuunnnnggggaaaallllliiiinnnnggg! Ikaaaww sssiiiii Pppriiiinnnssseessaaa Aaagggnnniiieeezzkkhhhaa!!!"

= II=
KASALUKUYAN namang nasa sea side si Riggy at nakatingin lang sa anod ng dagat habang inis na inis pa rin dahil ang panget na mukha ng babaeng ulikba ang tumatakbo sa isipan niya.
           Tumayo siya at kumuha ng bato at inihagis sa dagat.
          Bakit ba niya inaabala ang isip para sa isang hamak na tao lamang? Idagdag pa na panget ito, pandak, at ubod ng yabang! Ito lamang ang nilalang na sumagot-sagot sa kanya ng ganoon, ang nagbawal sa kanya na gamitin ang kapangyarihan niya at nagsabi na mas gugustuhin pa nitong mamatay kaysa ang makasama siya! Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi kumulo ang dugo. Siya? Si Riggy The Great, ginano'n lang ng isang babaeng ulikba? Hindi niya matatanggap iyon!
Ggaaahhh!! Mababaliw na yata ako sa kakaisip sa babaeng iyon! Bakit ko ba siya iniisip? Pagkatapos kong maisipan na bigyan siya ng ipit sa buhok kanina ay ganito ang gagawin niya? Ang kapal ng mukha! Kailangan ko siyang tanggalin sa isip ko!
Iyon lang ang sinisigaw ng isip niya. Hindi siya normal na pala-isip. Kalmado siyang alien pero ngayon lang yata nagulo ng ganito ang sistema niya. Naglalaro sa balintanaw ng isip niya ang nakasimangot na mukha ng panget na babaeng iyon.
Nanghihinang napabalik na lang siya ng upo sa batuhan. Sino ba ang niloloko niya? Ang sarili niya? Alam niya na kahit pilitin niya ang sarili ay hindi na niya makakalimutan ulit ang panget na babaeng iyon.
            Ito lang ang kauna-unahang ordinaryong nilalang na hindi tinablan ng kapangyarihan niya. Ito lang din ang kauna-unahang tao na nawala pa ang takot sa kanya matapos niyang ipakita rito kung ano ang mga kaya niyang gawin. At ito pa lang din ang taong nakapagpagulo sa isipan niya ng ganoon...
           Pero bakit?
            Anong mayroon sa panget na babaeng iyon at hindi niya maalis ito sa isipan niya?
            Natigil ang pag-iisip niya nang biglang tumunog at umilaw ang kulay pulang bato na nasa loob ng baril niya.
           Tumunog at nagliliwanag ang baril. Ang ibig sabihin lang niyon ay nasa panganib ang prinsesa! Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumunog ang baril niyang iyon kaya iniisip niya noon na baka patay na ang prinsesa. Pero mukhang hindi dahil ngayon ay nagbibigay iyon ng signal sa Cerebrus niya.
Ang ibig sabihin ba niyon ay nasa malapit lang ang prinsesa ng Planet Marvelous? Narito ito sa Planet Earth?!
Nagulat pa siya nang mapansin na parang nag-freeze ang mga tao sa paligid niya. Isa lang ang ibig sabihin niyon. Mayroon ngang kampon ng dilim na nasa planet earth ang may kakayahan na kontrolin ang oras!
            Agad na siyang humayo at hinanap ang kinaroroonan ng halimaw. Kung naroon sa earth ang prinsesa na matagal na nilang hinahanap ay may posibilidad na nasa panganib ang buhay nito!
____
= III =
"IIIIBBBIIIIGGGGAAAYYYY mo sa akkkkkiiinnnn annnggg kwwwiiiinnttaaasss!!!" Nag-umpisa nang maubusan ng pasensya ang halimaw. Lalo pang humigpit ang pagkakagapos ng galamay nito sa kanya nang wala siyang maisagot sa mga tanong nito sa kanya. Hindi na siya makahinga at mas lalong hindi na siya makasigaw!
Ito na nga yata ang katapusan niya...
Hindi na niya muling makakasama pa ang Ate Sisa at Mama Nita niya. Malabo nang maayos pang muli ang pamilya nila dahil wala na siya. At ang Papa Hajime niya? Hindi na niya masasabi rito ang lahat ng nangyari sa pamilya nila. Hindi na niya masasabi rito na nag-hiwa-hiwalay na sila ng landas. At ang crush niyang si Reo ay hindi niya na makikita pang muli... Ang mga kaibigan niyang sina Charmz, Larah at Tricia.
At si Riggy na saglit man niyang nakasama ay nagkaroon na rin ng maliit na bahagi sa puso niya... Concern siya rito kahit na masama ang ugali nito. Alam niyang sa kabila ng mga ginagawa nito ay mayroon pa ring kabutihang natitira sa puso nito. Dahil hindi naman siya nito pinatay kahit pinagtarayan pa niya ito.
Ito na nga yata ang katapusan niya... Nakakalungkot lang isipin na mamamatay siya na walang taong makakaalam o iiyak man lang sa pagkamatay niya. Maglalaho na lang siya sa mundong ito na parang isang bula... Ni hindi man lang siya nakaramdam ng pagmamahal mula sa iba.
Biglang lumitaw sa balintanaw niya ang nakasimangot na si Riggy. Sa galit nito sa kanya ay imposible na lumitaw itong bigla para iligtas siya. Ano ba namang halaga niya rito?
Napaigtad siya nang mawasak na ng halimaw ang damit na tumatakip sa dibdib niya at ganap na nga nitong nakita ang kwintas na nakatago roon. Palapit na ang mga galamay nito sa dibdib niya. Sa pagtingin niya roon ay batid na niya na sa oras na dumapo ang galamay nito sa dibdib niya ay tatagos na rin iyon sa katawan niya papunta sa puso at iyon na ang magiging katapusan niya.
Punatulis ng halimaw ang galamay nito at akmang tutusukin na ang dibdib niya nang ipikit na niya ang mga mata habang hinihintay na lang ang kanyang kamatayan!
Pero ilang segundo na ang lumipas at wala pa rin siyang galamay na nararamdaman sa kanyang dibdib. At pagdilat ng mga mata niya ay isang lalaking pinakahuli niyang inaasahan ang nakita ng mga mata niya!
Si Riggy!
Nakita niya na pinigil na ng kamay nito ang galamay ng halimaw! Hanggang sa bigla nang bumigat ang talukap ng mga mata niya at tuluyang nang nanlabo ang mga iyon.
Napansin niya na kinuha ni Riggy ang baril na nasa bewang nito at pinaputukan nito ang halimaw dahilan para lumuwag ang pagkakagapos sa kanya ng halimaw.
Doon na siya tuluyang nawalan ng malay at unti-unting bumagsak mula sa ere...
----
= IV =
MABUTI na lamang at naagapan ni Riggy ang pagbagsak ng babaeng panget sa lupa dahil kung hindi ay mababagok ang ulo nito. Nasalo niya ito bago ito tuluyang bumagsak sa lupa!
Kung ganoon ay siya pala si Prinsesa Agniezhka. Sino'ng mag-aakala na ang panget na katulad niya ang nag-iisang prinsesa na kailangan naming alagaan at protektahan?
Iyon ang tumatakbo sa isipan ni Riggy habang tinititigan si Eden na nasa kandungan niya. Saka niya napansin na wala nang suot na salamin si Eden.  Nalaglag ang salamin nito sa hindi kalayuan nang higitin ito ng galamay ng halimaw kanina.
Hindi niya alam pero sa pagkakatitig niya sa mukha nito ay bigla siyang napatulala. Hindi naman maganda ang babae. Napakapanget pa nga nito pero hindi niya maintindihan kung bakit naaaliw siyang titigan ito.
"Ibbaaaallliiikkk mooo sa akin ang Prinsessaaaaa!!!" Bigla siyang nabalik sa kasalukuyan nang maramdaman na nakabangon na muli ang halimaw mula sa pagkakangilo dahil sa pagbaril niya rito.
Muli itong sumugod gamit ang galamay nito pero agad siyang tumalon palayo habang buhat si Eden kaya naiwasan niya iyon. Habang tumatakbo siya na buhat si Eden ay iniiwasan niya ang bawat pag-atake na ginagawa ng galamay ng halimaw. Naroong nagpapaulan ito ng mga tipak ng malalaking bato mula sa kalsada gamit ang galamay nito.
Nang halos maabutan na siya nito ay mabilis niyang kinuha ang isang maliit na bato sa bulsa niya at inihagis iyon sa mata ng halimaw. Sumabog iyon kaya naman saglit itong nawalan ng konsentrasyon.
Ginamit niya ang pagkakataon na iyon para dalhin sa may kalayuang puno si Eden. Isinandal niya ang likuran ni Eden sa puno at nang masigurong safe ito roon ay saka niya pinuntahan ang halimaw.
"Kailangan mo munang dumaan sa ibabaw ng bangkay ko kung gusto mong makuha ang kwintas na suot ng prinsesa," ang sabi niya nang mapansin niya na bumabalik na ang paningin ng halimaw.
Hindi nga siya nagkamali na katulad niya, mabilis ding gumaling ang sugat ng halimaw na nasa harapan niya.
            Hindi na siya nagdalawang isip at inilabas niya ulit si Cerebrus. Isa iyong sandata at hindi pangkaraniwang baril dahil iyon ay naglalabas ng matinding enerhiya ng apoy na nanggagaling sa kanyang espiritwal na kakayahan.
Normal na pag-atake lamang ang ginawa niya sa halimaw kanina nang binaril niya ito dahil natatakot siya na baka maapektuhan din si Eden dahil maaaring sumabog ang  halimaw kapag tinapos niya ito agad. Pero sa tingin niya, kung lalagyan niya ng mas malakas na enerhiya ang Cerebrus, mapapatay niya ang halimaw na ito.
Sumugod ulit ang mga galamay ng halimaw at agad niyang naiwasan iyon. Saka siya parang isang kidlat na nawala sa paningin nito at sa isang iglap, nasa malapit na siya nito!
Ginamit niya ang pagkabigla ng halimaw para puntiryahin ng Cerebrus niya ang bibig nito. Pinaputok niya ang baril niya at isang malakas na bola ng apoy ang lumabas mula roon.
Kasabay ng pagputok ay ang paglabas ng isang mythical beast na si Cerebrus. Isang malakas na espiritwal ng kapangyarihan mula sa asong tatlo ang ulo ang sumalubong sa halimaw. Sinalo ng bibig nito ang kapangyarihang pinakawalan niya kaya naman lumobo pang lalo ang katawan nito.
"Maggggbbbbaaababbbayyyaadd kkkkaaaaa!!!"
Sa isang iglap ay sumabog ang katawan nito at isang malakas na hangin ang nagpatalsik sa kanya papunta sa malayo. Dala ng matinding impact na pinakawalan niya ay nagkalasog-lasog ang nakakadiring katawan ng halimaw sa buong kapaligiran. Natamaan pa siya ng nakakadiring berdeng dugo sa mukha niya. Malagkit iyon at may kabahuan.
Nang masiguro niya na wala na ang halimaw at tuluyan na itong naglaho ay saka niya nilapitan si Eden.
"Babaeng panget! Gising!" Pagyugyog niya sa balikat nito.
            Unti-unting nagmulat ang mata ng panget na babae saka para bang sinariwa nito sa isipan nito ang nangyari kanina. At nang para bang napagtanto na nito kung ano ang nangyari ay bigla na lamang itong yumakap sa kanya na ipinanlaki ng mga mata niya!
          "Akala ko mamamatay na ako kanina! Salamat, Riggy! Mabuti dumating ka!" Umiiyak na sabi nito.
Siya naman ay biglang natorete nang bigla na lamang naging abnormal ang pagtakbo ng puso niya. Biglang naging mabilis ang pagtibok niyon na para bang hindi na siya makahinga! Sa sobrang katarantahan ay itinulak niya ang babae.
            "Huwag ka ngang makayakap-yakap sa aking panget ka! Ang baho-bago mo pa naman!" Iritadong sigaw niya para lang mapagtakpan iyong kakaibang nararamdaman niya ngayon.
Pero sa halip na tarayan na naman siya nito ay ngumiti pa rin ang babae. Isang ngiti na puno ng pasasalamat. Isang napakatamis na ngiti na biglang nagpaningning dito sa paningin niya...
"Sorry, Riggy. Nabigla lang ako," matamis ang ngiti na sabi nito.
Nag-iwas na lang siya ng tingin para maitago ang pamumula ng mukha. Nag-iinit ang pisngi niya at nararamdaman niya iyon! Para siyang nababakla at dahil pa sa panget na ito!
Nanlalabo na ba ang mga mata niya? Dahil sa paningin niya ngayon ay parang napaka-cute ni Eden...
----
HINDI maintindihan ni Eden kung bakit parang namumula ang mukha ni Riggy.
"Riggy, bakit ka namumula? May ginawa ba akong nakakahiya? Nag-bold ba ako sa harapan mo kanina no'ng wala akong malay? Nakita mo ba ang panty ko nang hindi mo sinasadya dahil malakas ang hangin? Walang'ya ka, walanghiya ka!" saka niya oa na pinaghahampas ang dibdib ni Riggy. Pakiramdam niya ay may mali talaga sa ikinikilos nito.
"Hindi ka lang panget, ilusyunada ka pa! Sa tingin mo ba ay may epekto sa akin kung maghubad ka man sa harapan ko? Huwag ka ngang mangarap!" pang-aasar nito.
Nainis naman siya. "Oo na! Sige na, tanggap ko namang hindi ako mamalicious para pagnasaan mo pero hindi mo na kailangang ipamukha!" sagot niya.
Nagkibit-balikat na lang ang lalaki.
Siya naman ay naalalang bigla na may halimaw nga palang sumasakal sa kanya kanina."Teka, nasaan ang halimaw?" biglang nataranta na namang tanong niya.
            "Wala na. Pinatay ko na. Sa tingin ko ay galing din sa ibang planeta ang halimaw na iyon at pumunta siya rito para kunin iyang kwintas na suot-suot mo kaya mag-iingat ka," babala nito saka itinuro ang kwintas sa dibdib niya.
            Napahiya naman siya nang mapansin na halos nakabuyangyang na pala ang cleavage niya dahil sa pagkasira ng damit niya kanina. Nag-iwas din naman ng tingin ang lalaki.
            "Pero bakit? Ano bang meron ang kwintas na ito at gustong kunin ng alien na 'yun? At bakit tinawag niya akong Prinsesa Agniezkha? Napagkamalan niya yata ako," nagtatakang tanong niya.
            "Huwag mo akong tanungin dahil hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ngayon ay nasa panganib ang buhay mo," sabi nito na parang walang kapaki-pakialam.
            Napayuko naman siya.
            Mukhang kahit na napatay na nito ang alien na nagtatangkang kumuha ng kwintas sa kanya kanina ay hindi pa rin ligtas ang buhay niya. Dahil may posibilidad na may iba pang dumating para magtangkang kunin iyon at maaaring pumatay sa kanya.
            "Pero hindi mo kailangang mag-alala..." biglang sabi ni Riggy na namumula. "...Dahil poprotektahan kita, Eden." Saka ito tumalikod.
            Nanlaki ang mga mata niya.
            Po-protektahan daw siya nito at sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawag nito ang pangalan niya!
            Napangiti siya.
Mukhang hindi rin naman pala masamang patuluyin sa kanila kahit papaano si Riggy. Hindi man ito ang perfect prince na matagal na niyang inaasam ay handa naman itong protektahan siya sa oras na kailangan niya nito. At alam niya na kahit hindi ito magsalita— He still cares...

A House Full of Alien Hunks (Published Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon