Chapter 1: Fake Friends (SAMPLE CHAPTER)

28.5K 573 87
                                    

Chapter 1: Fake Friends
Written By: Cristina_deLeon

"CLASS, you have a new classmate. Gusto ko na maging mabait kayo sa kanya." Iyon ang naging bungad ni Ms. Julie sa buong klase.
Excited ang lahat. Nag-e-expect ang mga ito ng isang maganda, sopistikada at mayamang estudyante dahil personal na kakilala ni Ms. Julie ang bagong estudyante at maganda ang lahat ng mga sinabi nito tungkol sa bagong transfer student. Maging ang campus girl ng school na si Charmz ay excited na rin na magkaroon ng bagong myembro ang grupo nitong Spice Girls.
Pero halos nagkalaglagan ang panga ng mga estudyante nang makita kung ano ang hitsura ng bagong transfer student. Bumagsak ang mga pangarap nila. Dahil si Ms. Transfer Student ay malayong-malayo sa inaasahan nilang anyo nito. Ni hindi pa ito pumasa sa kalahati!
Kulang ang salitang nerd para idescribe ang babaeng nasa harapan nila. Dahil ang baduy, baduy, baduy nito!
May kaliitan ang babae. Kung unang tingin lang ay iisipin mo na grade school lang ito. Idagdag pa na mukha itong malnourished sa sobrang kapayatan at para itong ginutom ng sampung taon.
Makapal ang salamin nito kaya naman halos hindi na nila makita ang kabuuan ng mukha nito. Malaki rin para rito ang uniform na suot-suot nito at may dalang napakalaking bag na akala mo maghahiking sa dami ng laman. Hindi pa nakuntento ang babae at malalaki rin ang mga dala nitong libro.
Bukod do'n, sabog-sabog din ang mahabang buhok nito. Blonde pa naman ang buhok nitong iyon kaya nagmukha itong nagpableach at iniligo agad sa dagat kaya nangulubot lahat ng strands ng hair nito.
In short, mas mababa pa sa plain ang buong kaanyuan nito dahil mandidiri ang ninuman na tingnan ito!
"H-ha. H-hi. Ako po si Eden Escobar, kinagagalak ko kayong makilalang lahat." Yukong-yuko ang ulo na nagpakilala sa lahat ang babae.
Napailing ang lahat at hantarang ipinakita ng mga ito na nawalan sila ng gana. Walang ibang maganda sa bagong transfer student kundi ang pangalan lang nito. Bukod doon ay wala na. Ni self-confidence ay wala ito.
------
= II =
NAGING uncomfortable  si Eden nang makita ang reaksyon ng mga kaklase niya.
"Ms Eden, pwede ka nang maupo. Mag-uumpisa na akong magturo," mabait na sabi ni Ms. Julie.
Sumunod naman siya. Dahan-dahan siyang naglakad para maghanap ng upuan. Hanggang sa may makita siya sa bandang gitna. Pumunta siya roon pero hindi pa man siya tuluyang nakakarating doon ay bigla bigla na lang may pumatid sa kanya. Bumagsak siya at sapul pa talaga ang mukha niya sa sahig kaya naman tawa nang tawa ang buong klase.
Pahiyang-pahiya siya at para na siyang maiiyak sa sobrang kaba dahil nakatingin din ang lahat sa kanya nang mag-angat siya ng tingin.
"Class! Hindi magandang pag-uugali 'yang ginagawa ninyo, ha! Imbes na tulungan n'yo si Ms. Eden na tumayo, pinagtatawanan n'yo pa!" inis na sermon ni Ms. Julie sa buong klase.
Tumahimik naman ang lahat nang marinig ang pagsigaw ng magandang guro.
"Miss, ayos ka lang ba?" Hindi namalayan ni Eden na may lalaki na palang nakalapit mula sa likuran niya dahil nakatingin siya sa mga kaklase niyang tumatawa sa kanya.
Nang mag-angat siya ng ulo ay isang nakangiting lalaki ang nag-abot ng kamay sa kanya. Isang napakagwapong lalaki... Para itong anghel na bumaba mula sa langit. Napakaamo ng mukha nito at naririnig pa niya ang sariling pagtibok ng puso sa sobrang bilis ng pagtibok niyon. Pakiramdam niya ay ayaw na niyang matapos ang sandali na 'yun at habang buhay na lang silang magtitigan ng lalaki.
"Nag-ambisyon ang loka-loka!" Narinig niyang sabi ng isang babae.
"Akala niya siguro ay magkakagusto sa kanya ang prince natin!" sabi naman ng isang babae.
"Ha-ha-ha! Asa naman siya! Ang panget-panget niya kaya!"
"Ilusyunada!"

Iyon na ang sunod-sunod na narinig niya sa ginawang pagtulong sa kanyang tumayo ng isang hindi kilalang lalaki.
Pagtayo niya ay para siyang biglang natauhan. Bigla niyang nabawi ang kamay sa pagkakahawak ng lalaki saka hiyang-hiya na yumuko ulit. Pero ngiti lang ang isinukli nito.
"Ms. Julie, pasensya na po sa abala, ha? Aalis na ako bago pa ako makaistorbo sa pagtuturo ninyo. Charmz, maya na lang ulit. Bye!" Paalam ng lalaki sa teacher at sa magandang babae na tinawag nitong Charmz na siyang balak sana niyang tabihan. Doon na lumabas ang lalaki. Naki-seat-in lang pala ito saglit nang wala pang nagtuturo.
Kung ganoon ay may girlfriend na pala ang lalaki. Sayang naman...
Napailing siya. Ano ba itong naiisip niya?
na siyang pumunta sa upuan na balak sana niyang upuan.
"Pwede?" Alanganing tanong niya sa sosyalerang babae na Charmz ang pangalan.
"Sa tingin mo? Syempre, hindi! Lakas ng loob mong tumabi sa akin, ah! Kita mo 'yung mga upuan sa likod? Do'n ka nararapat!" mataray na sabi nito saka nito itinuro ang upuan sa likod na walang kahit isang nakaupo.
"Pero--" alanganing anas niya.
Tinaasan lang siya nito ng kilay saka siya wala nang nagawa na umupo sa pwesto na wala kang makakatabi maliban siguro sa mga multo.
"Ms. Eden? Bakit hindi ka tumabi kay Ms. Charmz?" takang tanong ni Ms. Julie. Sa halip na siya ay si Charmz na ang sumagot para sa kanya.
"Umm... Ma'am hindi raw kasi siya sanay na may katabi, eh. May phobia raw po siya. 'Yung agoraphobia po. Ayaw niya ng masikip at sa mga public places. Gusto niya na mag-isa lang siya at walang kasama. At ako naman ay may cacophobia kaya ayaw ko ng mga panget. In short, hindi kami bagay magtabi. Nakakatakot!" Dahil sa sinabing iyon ni Charmz ay nagtawanan na naman ang buong klase.
"Ms. Charmz! Hindi yata maganda na sinasabi mo ang mga bagay na 'yan! Rumespeto ka naman ng ibang tao!" Muli ay nahihirapan na si Ms. Julie na kontrolin ang mga estudyante nito.
Si Eden naman ay hindi na makatingin ng diretso sa lahat. Pakiramdam niya habang pinagtatanggol siya ni Ms. Julie ay mas lalo lang siyang nagiging kawawa at katawa-tawa.
"Eh, ma'am, ano hong magagawa ko e, sakit ko 'yun!" Nakakalokang nangatwiran pa si Charmz.
"Enough! Puro kayo kalokohan! Mag-uumpisa na tayo sa lesson natin ngayon kaya tumahimik na kayo," sabi ni Ms. Julie saka na ito nag-umpisang magturo.
----
= III =
HUMANGA si Ms. Julie nang mag-umpisa na ang pagtuturo niya. Kung mahiyain si Eden pagdating sa pakikipagsalamuha sa mga tao ay hindi kapag pag-aaral na ang pinag-uusapan. Halos mapanganga ang lahat dahil sa talino nito lalo na pagdating sa math. Ni Hindi na nga ito gumagamit ng calculator para mag-solve ng mga problems! Gano'n ito kabagsik! Ayaw man niyang aminin pero umpisa pa lang ng klase ay pakiramdam niya ay parang mas matalino pa ito kaysa sa kanya na teacher nito. Para bang hindi normal na tao lang ang katalinuhang taglay nito. Nakakatawa mang aminin pero parang alien ito dahil sa talinong taglay nito.
Nanghihinayang lang siya dahil mukhang tinatago lang nito ang talent nitong iyon. Maaari sana itong makilala sa buong mundo kung gugustuhin nito, but the way she see it, parang komportable na sa normal na buhay lang si Eden. Mukhang hindi rin ito sanay na makihubilo sa mga tao kaya ang popularity ay mukhang hindi nababagay dito.
------
= IV =
GAYA ng inaasahan ay mag-isa lang na kumain si Eden. Ni wala man lang nagtangka na makipagkaibigan sa kanya. Lalo lang nadagdagan ang inis ng mga kaklase niya dahil pagdating sa loob ng klase ay parang nagpapakitang gilas siya. Gusto lang naman niyang matuwa si Ms. Julie sa kanya pero mukhang masama ang naging dating ng lahat sa kanya. Iniisip siguro ng mga ito na ang yabang-yabang niya.
Pagdating naman ng PE ay kinakabahan siya sa isang sulok dahil kung mayroon man siyang isang weakness ay iyon na siguro ang iba't-ibang uri ng sports. Simula pa no'ng bata pa siya ay mahina na talaga ang katawan niya. Kapag tumatakbo siya ay palagi siyang nahuhuli sa mga kaklase niya. Kapag volleyball at basketball ay nagiging net ng bola ang mukha niya. Pareho ring baluktot ang mga paa niya pagdating sa sayawan at nalulunod lang siya kapag lumalangoy. Ni hindi niya mapalutang ang sarili. Sa madaling sabi ay napakaweak niya pagdating sa kahit na anong gawaing pampisikal.
Nilibot niya ang paningin sa mga kaklase niya. Cool na cool ang mga ito habang kanya-kanyang tsikahan ang ginagawa at parang excited pa dahil ang sabi ng isang PE teacher ay tuturuan daw sila nito ng mga dance steps. Sayaw ang gagawin nila sa buong sem na iyon.
Hanggang sa mapako ang paningin niya sa kabilang bahagi ng gym. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita kung sino ang nag-ba-basketball doon. Walang iba kundi ang lalaking tumulong sa kanya.
"Rio-sama! Rio-sama! Go! Go! Go! Rio-Sama! We love you!" pagchi-cheer ng mga fan girls nito rito. Parang sariling fansclub yata iyon ng lalaki dahil may banner pa kahit nag-pa-practice lang naman ito.
Hindi niya maiwasang hindi sundan ang swabeng paggalaw ng lalaki. Napaka-charming nito habang nagba-basketball. Pakiramdam niya ay bumabagal ang paggalaw nito at nagniningning ito. Ito lang ang nakikita niya sa mga sandaling iyon. Muli ay naroon na naman ang malakas na kabog ng dibdib niya.
Lingid sa kanya ay may nakatingin pala sa kanya sa pagtanghod niya kay Rio. At iyon ay walang iba kundi si Charmz! Lumapit ang babae sa kanya.
"Ahm, Eden. Pasensya ka na sa ginawa ko kanina, ha. Ngayon lang ako tinamaan ng kunsensya, e. Mabibigyan mo ba ako ng chance para makabawi?" plastik na sabi ng babae.
"Ha? Ah, eh, oo naman."
"'Yun pala, e. Umm.. Gusto mo bang mapasali sa grupo namin?" Nagulat siya sa biglang pagyaya ni Charmz. Totoo ba ang narinig niya?
"Hindi naman, Charmz. Gusto ko lang na maging kaibigan kayo. Ayoko kasing may kagalit dito," sagot niya na nakayuko at nahihiya. Kapag tinabi siya sa mga ito ay siguradong magmumukha lang siyang katulong.
Muntik namang matumba sa pagkapahiya si Charmz nang marinig nito ang salitang hindi sa bibig ni Eden.
"Pero, dear. Hindi sapat na maging friends ka lang namin. Alam mo ba na ang grupo namin ang pinakasikat sa school na 'to?" sabi naman ng isa pang babae na kasama ni Charmz.
"Tama siya, Eden. Kung mapapasama ka sa grupo namin mag-aalangan ang mga estudyante rito na apihin ka. Alam mo bang medyo bully sila sa mga katulad mo?" Plastik na ngiti ni Charmz saka nito tiningnan mula ulo hanggang paa ang walang kamalay-malay na si Eden.
"Pero hindi naman yata ako bagay sumali sa inyo, e." Nanliliit na naman si Eden lalo na sa tingin ni Charmz.
"Ayos lang 'yun, matalino ka naman, e! Basta kailangan ko lang ng tulong mo. Okey lang ba?" Parang maamong tupa na sabi ni Charmz.
"Oo naman, ayos lang. Kung magiging magkaibigan tayo, gusto ko namang makatulong sa inyo," sincere na sabi ni Eden.
"Alam mo kasi, ako ang leader ng cheering squad. Kaya alam mo na, medyo busy. Okey lang ba kung ikaw na lang ang palaging gagawa ng mga assignments ko? Kasi wala ka namang ibang inaatupag kundi ang pag-aaral lang 'di ba?"
Biglang nag-alangan si Eden nang marinig ang sinabi ni Charmz. "Pero kasi Charmz, ano, e. Assignments 'yun. Dapat ikaw ang gumagawa," sabi niya.
"Bakit, ayaw mo ba ha, Eden? Akala ko ba ay mong maging magkaibigan tayo? Simpleng tulong lang, hindi mo pa maibibigay? Dah! Mukhang nagkamali ako sa paglapit ko sa 'yo!" maarteng sabi ni Charmz saka akmang aalis na sana nang hawakan niya ito.
"Sorry, Charmz. Sige, payag na ako. Huwag ka nang magalit." Wala nang nagawa na pumayag na siya sa gusto nito kahit pilit lang.
Lumaki naman ang pagkakangiti ni Charmz.
"Gosh! Sabi ko na nga ba, e! Hindi mo rin ako matitis! Mabait ka nga talaga! Welcome to the group, Eden!" tuwang-tuwa na sabi ni Charmz.
Ngiti na lang ang itinugon niya roon kahit ang totoo ay parang nag-aalangan siya. Desperada na siyang magkaroon ng kaibigan.
"Siya nga pala, dahil kilala mo na ako ay hindi na ako magpapakilala sa 'yo. Ito sina Lara at Tricia. Simula ngayon magiging magkakaibigan na tayong lima, okey ba iyon?" nakangiting pakilala ni Charmz sa dalawa saka nakipagkamay ang mga ito sa kanya.
"Yes. We'll be friends..." sagot niya na hindi alam kung tama ba ang naging desisyon niya o hinarap na rin niya ang bingit ng kamatayan sa pagtanggap niya ng mga kamay na iyon...

- TO BE CONTINUED...

You may follow me at my social media accounts below:

http://www.wattpad.com/user/Cristina_deLeon
https://www.facebook.com/cristinadeleonwppage/
https://twitter.com/lady_phoenix16
IG - lady_phoenix16
ASK.FM - http://ask.fm/LadyphoenixWattpad

A House Full of Alien Hunks (Published Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon