HAPPY (?) VALENTINE'S DAY!

Mulai dari awal
                                    

"Hayup ka naman Glaiza e. Ang lakas ng loob mong magsabi ng ganyan kasi hindi mo ko naiintindihan...." Uminom ulit ng alak si Chyns at halatang lasing na talaga siya. "Wala kasing kayo ni Rhian, kaya di mo ko magets."

Napasandal si Glaiza sa inuupuan niya. "Tsk. Bakit samin nanamam napunta yung usapan?" Uminom siya ng kaunti sa alak na iniinom niya kanina.

"Ilang buwan na ba kayong ganyan ni Rhian? Taon na ba? Wala pa ring pagbabago? Nananatili kayo sa flat line, tsong. Bakit wala pa ring label? Bakit wala pa rin kayong commitment?" Medyo papungay pungay na yung mga mata ni Chyns habang iniintriga si Glaiza.

Napailing nanaman si Glaiza. "Masaya naman kami e. Masaya naman kami sa ganito."

"Hindi natin masabi, tsong. Nakikita ko sayo na nakukulangan ka. Ibig kong sabihin, gusto mo na ng commitment pero...ayaw ni Rhian, tama?"

Uminom si Glaiza ng alak tapos nagsalin ulit siya sa baso niya. "Chyns, wag nga kami yung pag-usapan natin. Nasa inyo ni Kean yung topic kaya mo nga ako pinapunta dito--"

"Bakit ayaw mo pang i-push yang sa inyo, Glaiza? Ituloy mo na. Tanungin mo ulit siya kung pwede na bang lagyan ng kayo yung kung anong meron sa inyong dalawa ngayon."

Napabuntong hininga si Glaiza dahil parang yung kanila ni Rhian ang gusto talagang intrigahin nito ni Chynna.

"Ayaw PA nga daw niya. May 'PA' so feeling ko, hindi pa siya ready..." Uminom nanaman si Glaiza tapos nagsasalin nanaman.

"Eh, kelan pa daw? Tsaka bakit ayaw pa niya? Tsk tsk. Baka naman may ibang gusto?"

Tiningnan ni Glaiza si Chyns. "Mahal ako ni Rhian, Chyns... Lagi niyang sinasabi sakin na mahal niya din ako. Tsaka nirerespeto ko naman kung anong desisyon niya. Maghihintay nalang muna ako."

"Baka sa paghihintay mo, maraming magbago..." Si Chyns naman yung sumandal sa inuupuan niya. "Hindi natin masabi, malay mo, habang naghihintay ka, biglang may dumating sa buhay ni Rhian tapos mas magustuhan niya tapos...boom. Wala kayong commitment, walang kayo, wala kang karapatan na pagbawalan siya o wala kang karapatan na pigilan siya......posible na maisantabi ka niya at magiging kamusta ka nun? Nganga, tsong."

Napa-look away si Glaiza tapos uminom ulit. "Mahal ako ni Rhian. Mahal ko si Rhian. Mahal namin ang isa't isa at yun ang pinanghahawakan ko ngayon. Nararamdaman ko naman na mahal niya ko e at hanggat nararamdaman ko yun, okay ako. Paninindigan ko yun. Masaya naman ako kahit ganito lang kami e. Makakapaghintay naman ako tsaka di ako nagmamadali... Hindi naman kasi importante na may kami man o wala. Ang importante, masaya kami at mahal namin ang isa't isa."

"Okay. Bahala ka na. Basta ako, sinasabi ko lang... Glaiza, nako. Mahirap yang sitwasyon mo. Mahirap yung wala kang mapanghawakang kayo kasi wala kang karapatan sa kahit na ano." Uminom si Chyns saglit. "Kami nga ni Kean ngayon, may kami pero nahihirapan na ko kasi kahit may karapatan ako sa kanya at may pinanghahawakan akong label sa pagitan naming dalawa, nakukulangan pa rin ako... Kasi kahit kami, parang di pa rin siya akin. Alam mo yun? Eh, ano pa yang sa inyo ni Rhian, diba? Mas kawawa ka kumpara sakin kasi...mahal mo pero walang kayo. Mahal mo pero di mo masabing sayo."

Dun natahimik si Glaiza.

"...mahal mo pero walang kayo. Mahal mo pero di mo masabing sayo."

Aray, Chyns. Masakit. Ang sakit mo magsalita. She thought.

"Halika na, Chyns. Hatid na kita sa kwarto mo. Pungay na pungay na yang mga mata mo. Lasing ka na rin. Halika na." Tumayo na si Glaiza at pinatayo na rin niya si Chynna para alalayan ito papunta sa kwarto.

"Glaiza, sinasabi ko sayo... Ako ang nahihirapan para sayo, tsong..."

"Oo na. Oo na. Wag mo ng ulit ulitin..." Napailing pa ulit si Glaiza bago pinapasok na si Chynna sa kwarto nito.

RASTRO FEELSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang