Chapter 6. Rumbled Path

8.1K 442 25
                                    

"Anak ng tinapa," malakas na hampas ni Phelan sa manibela ng kotse saka tila naasar na bumaba ng sasakyan para kausapin ang mga lalaking nakaharang sa daraanan namin.

Pakiramdam ko'y nabawasan ang pagkahilo ko dahil sa sitwasyon. I shook my head para lang magising. Alam kong hindi si Phelan ang pakay ng mga outcross kundi kami ni Ara lalong-lalo na ako. Tingin ko'y naramdaman nila ang presensya ko nang kaninang nagpigil akong magising ang dugo ng liwanag sa aking sistema. Pero ang ipinagtataka ko, hindi naman ako naging ganap na urion kaya papaano nila malalamang may isang uncrowned urion ang gumagala sa Diamond Hills? 

Kaiba sa mga crowned beings, ang mga uncrowned urions ang pangunahing target ng mga nagkalat na human outcross. Kamakailan lang naging talamak ang pag-hunt sa mga uncrowned dahil sa hindi pa nalalamang dahilan. Ang tanging alam ko lang, mas pinupuntirya nila ang mga kagaya naming uncrowned dahil sa tingin nila'y mas madali kaming dakpin. Ang unang dahilan, hindi pa kami ganoon kalakas kumpara sa mga crowned.

Kasalanan ko 'to!   

Nadamay ko na naman si Ara at pati ang inosenteng nilalang na si Phelan. Siguro nga hindi na inosente ang pag-iisip ng lalaki dahil nagawa na nitong nakawan ako ng halik, pero sa mundo ng liwanag at dilim ay wala siyang kamuwang-muwang.

He's at the base of the food chain, the weakest kind, kaya kailangan namin siyang protektahan dahil sa oras na may madamay na tao sa tagpong ito, tiyak na ipapatawag na naman kami ng LOU at baka bawiin ang naghihintay na korona misyon na dapat ay ipapatong na saakin dahil nakapasa na ako sa pagsusulit. Tiyak na sasabog na naman ang tainga ko sa mga sermon ni Friedan at hahaba na naman ang panahon mananatili ako sa poder niya.

Napakapit ako kay Ara at sinubukang yugyugin ang balikat nito. "Ara, s-shuntokin m-mo ako."

"What?" histerikal na reaksyon ng babae dahil sa suhestiyon ko. "You know I can't hurt my best friend. I can't do that!"

"H-huwag kang O.A, Ara Tala, suntukin mo ako para magising ako. Hindi nagigising ang urion sa katawan ko."

"Ba't ka ba kasi inantok ng ganyan sis? First time 'yan, ah. Baka bad breath naman yang si Phelan Vargas kaya nahilo ka ng ganyan!" muling usal nito.

Gusto ko sanang sabihin na mabango ang hininga ng lalaki at parang nakalagok ng isang boteng mouthwash pero wala nang oras pa. Baka usisain pa ako ng babae tungkol sa halik ni Phelan Vargas. "S-suntukin mo na ako sabi eh! 'Yong malakas!"

"Kiera, are you sure?" tanong nito saakin.

Bago pa ako makasagot ay dumapo na sa mukha ko ang kanang kamao ng babae. Malakas ito sumuntok kumpara sa ordinaryong tao. Marahil ay nagising na rin ang dugong urion nito. Naramdaman ko ang lakas ng kamao nito na tila nayanig at naalog ang buo kong katawan. Tumulo ang mainit na likido sa aking pisngi kasabay ng pagkalat ng kirot sa aking mukha.

Nagising ako pansamantala pero kaagad bumalik ang antok sa katawan ko. "I-isa pa, Ara!"

"What? You sure?" Tanong uli nito sabay sapak sa ibaba ng panga ko kahit hindi pa ako nakakasagot sa tanong niya. Halos basagin ng kamao nito ang mukha ko pero hindi parin ako nagising. Pinilit kong labanan ang antok pero sadyang makapangyarihan ang espirito ng antok sa katawan ko.

"Ohhh!" usal ko habang nilalabanan ang antok. Napansin kong tila umiinit na ang usapan ni Phelan at ng limang lalaki. "K-kutsilyo! Give me my damn dagger, Ara!"

"Antok ka pa, lalaban ka ng ganyan? Anong dagger? Wala kang dalang ganoon! Wait here. Ako na muna ang bahala, Kiera!" nasambit nito saka mabilis na inalis ang seatbelt.

Nauntog pa ako sa headboard ng sasakyan nang walang pasabi niya akong binitawan at mabilis na binuksan ang pintuan ng kotse. Habang sinusubukan kong makaupo ng diretso ay napansin ko ang pagpalag ni Phelan nang hawakan siya sa braso ng lalaking kalbo at may malaking katawan. Mabilis din itong nakailag nang tangkain siyang sipain ng parehong lalaking humawak sa kanya. Kaagad na nakalapit sa kanila si Ara na sa tingin ko'y nasa anyong urion na ang mga mata. Alam kong kulay asul na ang mga mata nito. Sa katauhang meron siya ngayon, alam kong hindi na siya ang matatakutin at kikay na Ara na tinatakasan si Phelan Vargas noong nagdaang araw.

CrownedWhere stories live. Discover now