Chapter 52. Immolation

1.1K 116 3
                                    

Fumes from the diamond gun flew like shredded white clothing. Achernar was half-smirking after she fired the gun one more time. The deadly bullet sprang from the hot muzzle of the final artifact then struck its way towards my direction.  

But before the deadly piece could be struck to my skull, a familiar shadow and scent blocked my vision.  

"Friedan..." usal ko habang pilit na nilalabanan ang nakakapanghinang tunog na umaalingawngaw sa aking tainga papasok sa buo kong sistema. Dinampot ko ang mamasa-masang luwad gamit ang aking mga kamay at pinilit na ibaon ang mga iyon sa magkabila kong tainga hanggang sa wala na akong marinig.

Nang tuluyang mawala ang nakakapanghinang tunog sa aking sistema'y hinila ko ng pilit ang buong lakas ni Galatea at hinayaan kong muling magsanib ang aming kapangyarihan. Mabilis na na nabawi ng katawan ko ang kumawalang lakas nito kaya minadali kong hinugot ang punyal na nakatarak sa nanghihinang si Ara.

Tinamaan sa dibdib si Friedan. Bumagsak ito sa kaniyang tuhod kaya muli kong natanaw ang nakatayong si Achernar.

Muling nagpakawala ng apat bala ang babaeng pillar.  Nanatiling nakaluhod sa harapan ko si Astrid. 

Sinikap kong kumalas mula sa pagkakalugmok sa lupa at mabilis kong tinungo ang mga balang bumulusok patungo kay Friedan. 

"Kiera!" dinig kong tawag saakin ni Phelan habang mabilis kong hinarang ang mga bala. 

Dahil niyakap na ng sistema ko ang buong lakas at kakayahan ni Galatea, kaagad kong natanaw ang mga paparating na bala. Isa-isa kong hinampas gamit ang punyal pabalik kay Achernar. Kaagad namang bumulusok ang mga bala patungo sa ulo at dibdib ng babae. Nanlaki ang mga mata nito bago bumulwak ang dugo sa kaniyang bibig saka diretsong bumagsak sa lupa. 

Pagbagsak nito's sinalo ko ang final artifact paikot na tinakbo ang halimaw na si Ara. Mabilis nitong nabawi ang lakas. 

"You're the curse that I have been trying to kill!" she growled as she covered herself with metallic pigment. Her size-doubled, her spikes and deadly tendrils enhanced.

Tumakbo ito patungo saakin habang nakadipa ang handa nang pumatay nitong mga karit.

Sa hindi inaasahang pangyayari, namasdan kong tumalon patungo sa likuran nito si Phelan at buong tapang siyang hinawakan sa magkabilang paa ni Friedan. Nahila ni Ara ang dalawa habang pasugod ito saakin.

"Kiera, pull the trigger!" halos magkasabay na sambit ng dalawa. 

Lumundag ako kasabay ng pagbato ko ng punyal sa gawi nito. "Friedan, Phelan, bitaw!" I cleared my head. Ara won't be able to read my thoughts and read with the blank slate.

Alertong kumawala ang dalawa. 

Nabasa niya ang kilos ko kaya naiwasan niya ang punyal at sumadsad ang patalim sa lupa. Dahil inasahan ko na ang gagawin nitong pag-ilag at alam kong sa kaliwang bahagi ito tutungo dahil lef-handed siya, minabuti kong sundan ang punyal ng magkakasunod na bala sa gawing kaliwa nito. 

Hindi niya inasahan ang gagawin ko. Tanging ang paparating na dagger lamang ang napaghandaan at nabasa nito kaya nang umilag ito pakaliwa's saktong sinalubong siya ng tatlong magkakasunod na bala. 

Tumama ang tatlong bala sa dibdib nito. 

Napasigaw ang babae kasabay ng pagbagsak niya sa lupa. Hindi nito maigalaw ang mga binti. Unti-unti, nanuot ang tila lason na dulot ng bala mula sa final artifact. 

Bumalik ang dating anyo ng babae. Muling sumilay ang mukha ng masayahing babaeng itinuring kong kaibigan. "Keira... Kiera, please kill me. I can't bear the pain!" Sinundan ng pagmamakaawa nito ng isa pang malakas na sigaw na dala marahil ng kirot na kumakalat sa buo niyang sistema. Her eyes became watery.

"You can't die just yet. You'll die slowly until your presence will vanish. Your name will be forgotten. You will be forgotten," saad ko. 

Tumawa ng nakakabaliw ang nanghihinang babae. "The curse I created will remain on Astrid's body."

Nagitla ako. Napatingin ako kay Astrid na pilit nilalabanan ang kirot sa kanyang katawan. Laglag ang panga nito nang marinig ang sinabi ni Ara.

"He is not a hybrid. Achernar made sure that all the urions in him will be voided once the bullet struck him." Umiling-iling ito saka muling tumawa. "Your parents are pretty genius, Kiera. They created a weapon that would consume a demon from a hybrid, humanize an urions, and an outcross. The reason..." she grunted in pain. "The reason your parents invented the artifact is to make us all humans. Give... give you a normal life."

"You manipulated my parents to come up with the final artifact. You wanted the final artifact so that you can consume the hybrids, Ara. That's the truth," angil ko.

"She threatened your parents to kill you if they don't finish the invention, Kiera." Mula sa aking likuran ay naramdaman ko ang presensya ng isang hybrid. Si Dyanna, ang hybrid na tumulong saamin ni Roen noon para makatakas mula sa mga kalabang urions.

Nasa likuran nito si Kelvin at ang iba pang hybrids na buhat-buhat ang nanghihinang si Roen.

"The day your parents decided to destroy the artifact inside the diamond cave, Ara and the rest of the bad pillars decided to eliminate them. Sinubukan nilang kunin ang diamond gun pero huli na nang matagumpay na isara ng mga magulang mo ang vault at lagyan ito ng special key na tanging ikaw lang ang nakakaalam." Pagpapatuloy ni Dyanna.

"Oh, Dyanna... it's been decades since we almost killed each other," muling sambit ni Ara.

"Nagtago kami dahil sa banta niyang wawakasan niya ang buhay mo, Kiera. Minanipula niya si Dr. Roberts para makuha ka. The bad pillars killed your parents, even Dr. Roberts."

"Of course I did. So kill me now, Kierra Renne Russo Saldevar."

Naglangitngit ang aking bagang. Tuluyang dumaloy ang luha sa aking nga pisngi. Itinutok ko ang diamond gun kay Ara. I almost pulled the trigger but Dyanna stopped me.

"If you kill her, we won't be able to retrieve the Perseus demon, Kiera. Roen needs that demon back in order to survive. Let's have the reverse fire first and let her die slowly," sabat ng isang hybrid na nasa tabi ni Kelvin. 

Bumaling ako kay Dyanna. Nagpabalik-balik ang luhaan kong mga mata sa mga hybrids bago ko iniabot ang final artifact sa babaeng hybrid. "What about Friedan? Anong mangyayari sa kanya?"

Dyanna's gaze was apologetic. She tapped my back and said, "We can take the bullet out of his chest but the alloy has spread entirely and voided his urion blood. I'm sorry Kiera. Only hybrids can withstand the curse of the alloy."

Bumagsak ang tuhod ko. My gazed pinned on Friedan's eyes. He crawled towards me while his lips kept calling my name. Nonstop.

"I can't save you... I can't save you," paulit-ulit kong sambit.

"Shhh, you did not lose me. You still have me," mahinang sambit ni Astrid. Pinunasan nito ang luha sa aking pisngi. Nangilid ang likido sa kaniyang mga mata. Pinilit nitong ngumiti pero hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata.

"Paano ka?" tanong ko.

"I can live as an ordinary human, Kiera. What could kill me is losing you. Without you, I won't survive a single day." Kumawala ang hikbi sa bibig nito. He brushed his cold hand against my back. He kissed my temple and rested his chin on my head. Muli, niyakap ako nito ng mahigpit bago tuluyang nawalan ng malay.

###

CrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon