Chapter 43. Plunged

1.2K 108 7
                                    

Nagririgodon ang dibdib ko habang pinipihit ang brick sa may pader. Tanda ko kung saan nakapuwesto ang secret brick. Mabilis ko iyong itinulak ang parihabang bato, gumalaw pakanan ang isang kwadradong bahagi ng pader na nagsilbing lagusan. Pumasok ako at isinara ang lihim na pintuan. Kaagad kong tinungo ang lagusan. Tinakbo ko ang silid na nasa dulo ng parihabang lagusan hanggang sa marating ko ang kuwartong napapalibutan ng mga antique books.  

"We can't let her find the final artifact! Hulihin niyo siya!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa labas ng building.  

Sinundan iyon ng malakas na pagtipak ng pader at bahagyang paglindol sa di kalayuan. 

"We can't get in!" sigaw ng isa. 

"Masyadong matibay ang sementong nakapalibot sa chamber!"

"It's protected by a powerful force!" 

Nagkakagulo na sa labas. Napalunok ako at lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Lihim akong napamura habang hindi mapakaling hinanap ang posibleng lagusan patungo sa final artifact. Nataranta ako habang paikot-ikot na kinakapa ang bawat sulok ng silid. 

Hinila ko pababa ang mga antigong libro. Sunod-sunod na nahulog ang mga iyon sa sahig. Kabado kong hinanap bawat sulok. Muli kong inalala ang eksena noong huli kaming dinala dito ni Roen. Mabilis na sumagi sa utak ko ang mga naganap dito noon: ang mga sinabi at ang bawat galaw niya. 

Hanggang sa tumigil ang alaala ko ang kapansin-pansin na kilos ng lalaki. Ang pagsandal nito sa isang bookshelf at pagtapik-tapik ng daliri nito sa isang libro. Hinanap ko ang kinaroroonan ng libro. Sa pagkakatanda ko'y nasa kaliwa ko ito. 

Mabilis na hinagilap ng aking mga mata ang librong may bilog na selyo sa bandang spine nito. Kaagad ko namang nahanap iyon. Inilang hakbang ko ang distansyang namamagitan saamin ng aklat na iyon.  

I rushed towards the book like my life depends on it. With a held breathing, I grabbed the upper edge of the book and pulled it downward. Metal clanged momentarily. Then more metals moved from behind the bookshelves until the wall of books split into half and moved sideways. 

The old tawny bricks sealed on the wall singly moved forward and backward creating clouds of dust as every surface crashed against each other. The cacophony of crushing stones went dead on its tracks. As the specks of dust slowly settled on the floor, a huge rectangular tunnel revealed itself. 

Muli akong napalunok bago ako humakbang papasok sa lagusang iyon. Nasinghap ko ang natitirang alikabok sa hangin. I cleared my nostrils and ran toward the gloomy tunnel that smelled moss and rotten eggs.

The sound of my boots tapped against the wet and muddy floor began. I heard the sound of the water droplets falling one after another through a cracked ceiling. The plinks jibed with my footsteps squishing against the wet tunnel. The wet sensation began crawling on my feet.

Habang pailalim ako ng pailalim sa tunnel ay mas lalong dumidilim ang paligid. Mas tumataas din lebel ng tubig. Komokonti na rin ang hangin sa loob habang patuloy akong lumulusong sa kawalan.

Sa unang pagkakataon mula sa kaninang pakikipaglaban, nakaramdam ako ng pagod. Nagsimulang manikip ang aking dibdib lalo na nang lagpas na sa aking balikat ang tubig.

Umaakyat na ang tubig.

Sa huling pagkakataon, inipon ko ang natitirang hangin sa aking dibdib saka lumusong sa malamig na tubig.

Lumangoy ako na halos wala nang makita. Inipon ko ang aking lakas patungo sa aking mga braso at binti habang halos kakapiranggot na lang ang natitirang hangin sa aking baga.

CrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon