"Allen, honey?"

Hindi na ako nakasagot dahil nagulat ako nang may ibang biglang nagsalita.

Tumingin ako sa labas ng kwarto at pinanlakihan na lang ng mga mata nang makitang may ibang babae pala rito sa bahay namin!

Hindi ko alam kung sino siya o kung saan siya napulot ng asawa ko.

Lumapit siya sa 'min at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Ngumisi pa siya pagkatapos sabay naglipat ng tingin kay Allen. "Oh darling, you didn't tell me you hired a new maid."

My eyes widened! Tapos nagbaba ako ng tingin dito sa suot kong dilaw na bistida. Gano'n na ba ang itsura ko? Oo pansin kong nangayayat ako simula no'ng pinagbubuhatan na ako ng kamay ni Allen, pero hindi pa naman siguro ako mukhang katulong.

I then looked at my husband. But he just gave me a bored stare. "Don't mind her," he even said to the girl. "She's just my wife."

Mabilis akong napabagsak ng mga balikat. Umiwas na ako ng tingin kasi uminit kaagad ang sulok ng mga mata ko. Just his wife? Hindi ako makapaniwalang nasabi niya 'yon. Pakiramdam ko piniga ang puso ko!

"Honey, I'm leaving," dagdag pa nitong babae. "I'll just call you later. Bye!"

Pagkaalis nito, naglakas-loob ulit akong tingnan si Allen. "Y-you brought a girl here?"

Tinaboy niya lang naman ako at dumiretso nang pasok dito sa loob ng kwarto. "Oo, nagdala ako. May problema ba ro'n?"

"How could you do that? May asawa ka rito tapos nagdadala ka ng ibang babae sa bahay natin?"

Tiningnan niya ako nang masama, at doon pa lang alam kong na-trigger ko na naman siya.

Bigla niya ulit akong nilapitan at marahas akong hinigit sa braso! "Tangina ikaw pa 'tong may ganang magsabi sa 'kin ng ganyan ngayon, ah? Ang bilis mo naman yatang nakalimutan ang ginawa mo sa 'kin? Fine!"

Bigla niya akong tinulak! "Let's talk about flirting or even making out with someone else, Vanessa. Sige, palinisan tayo! Kung magsalita ka ngayon parang wala kang kasalanan, ah. Sino ba ang unang nagloko sa 'tin? Ako ba, ha? AKO BA?"

"H'wag kang magmalinis dahil hindi bagay sa'yo," dagdag niya pa. "Kung nakikipaglandian ako sa ibang babae, wala kang pakialam. Pasalamat ka pa nga at dito namin ginagawa, para alam mo! Hindi katulad mo, ang tibay ng sikmura mong itago sa 'kin ang kalandian mo. Hindi ba mas masakit 'yon?"

Pumikit ako nang madiin kasi tuluyan na akong napaiyak. "Ilang beses ko bang kailangang humingi ng tawad sa 'yo?"

"I don't care because I will never, ever forgive you!" Inis siyang lumayo mula sa akin at walang pasabing sinuntok ang pader!

Napatakip agad ako sa tainga ko sa sobrang takot. Galit na galit siya, baka bigla niya akong isunod!

"You have no idea how much you've hurt me, Vanessa! I tried my best to love you, to make things work for us. Ang hinihiling ko lang e hintayin mo ako hanggang sa matutuhan kitang mahalin. Pero anong ginawa mo? Ha? Nagloko ka kung kailan nahulog na ako sa'yo! You didn't know how painful it was when I saw you with that asshole. I wanted to kill you. The both of you!"

Napatakip ako sa mukha ko, patuloy pa rin sa pag-iyak. Though I still tried to calm myself down. "Please, just give me another chance Allen. I promise I—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi bigla na naman siyang lumapit sa 'kin at dinaklot ako sa magkabilang balikat.

"Give you another chance? Tangina hindi ka karapat-dapat bigyan ng isa pang pagkakataon. You're a disgusting woman! Ibabalik ko ang kanina mong tanong sa'yo. How could you do that? May asawa ka!

"Kung alam ko lang na lalandi ka at hindi ka magiging tapat sa 'kin, sana hindi na lang ako pumayag na magpakasal sa'yo. I should've dropped that fucking arranged marriage thing. Sana itinanan ko na lang talaga si Lauren at siya na lang ang pinakasalan ko, hindi ikaw! You're worthless, Vanessa. You heard me? Worthless!"

Pakiramdam ko tumigil sa pag-ikot ang mundo ko.

Wala na akong ibang marinig ngayon kung 'di ang tibok ng puso ko na parang lalabas na mula sa dibdib ko. Sa sobrang sakit ng mga sinabi niya, kulang na lang ay dukutin niya ang puso ko at durugin ito sa harapan ko.

Nagsisisi siyang pumayag siyang magpakasal sa 'kin? Ngayon ko lang 'yon narinig mula sa kanya. Lagi niya akong sinisigawan at pinagbubuhatan ng kamay, pero ito ang unang beses na sinangkot niya ang arranged marriage namin at ang ex niyang si Lauren.

Tiningnan ko siya. Sinubukan kong haplusin ang pisngi niya para sana pakalmahin siya kahit ang sama-sama na ng loob ko, pero tinaboy niya lang ang kamay ko. Mabilis ang bawat paghinga niya na para bang kaunti na lang ay sasabog na naman siya. Gano'n siya kagalit sa 'kin.

"Allen, I'm sorry." Diniinan ko ang salita ko para maramdaman niyang seryoso ako. "Please. Ano bang gusto mong gawin ko para lang patawarin mo na ako?"

Tinulak niya naman ako nang bahagya mula sa kanya at tinapunan ako ng isang matalim at nakakatakot na tingin. "Be my slave."

• • •

A Wife's CryWhere stories live. Discover now