Last Chapter

27 0 0
                                    

Chapter 8:

Hermione's POV

"Hoy san ba tayo pupunta?" tanong ko kay Harry. Umuwi muna kami sa condo ni Trey. Nagbabakasakali.

"Sa Hogwarts." *Pak!* "Araaay! Bat ka ba nanghahampas!"

"Seryoso kasi ako, harry potah."

"Minumura mo bako?" Tanong nya. Inirapan ko nalang.

"Kung gano katalino si Trey, yun ang kinabaliktad mo. " tiningnan nya ako ng masama. "Just saying."

Naligo lang ako pati sya. Ginamit nya yung damit ng kapatid nya. Halos magkasing katawan lang sila, mas mataba lang si trey ng konti. Haha!

"Hermione. Ano apelido mo?" all of a sudden na tanong nya sakin.

"Lopez. Bakit?"

"Naaalala na kita." Ngumiti sya sakin ng makahulugan. "Di ko maimagine. Ew." tapos nandiri sya.

"Gago ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit? Banat ba yan?"

"Bobo mo talaga."

umiling ako at naglakad na palabas ng condo.

"Hoy saglet! Pano ba isara to?"

"Iipit mo ulo mo!!!" lumapit ako tapos ako na nagsara. "San ba susunod nating pupuntahan?"

"Sa bahay ni daddy."

"Magkahiwalay bahay ng nanay at tatay nyo?"

"Hindi. Magkasama nga eh. Kaya nga pupuntahan natin, diba? Ano ba namang tanong yan!" Nag-inarte na parang naiinis. Sinamaan ko nga ng tingin. "Naghiwalay kasi sila noon. Tapos pumupunta lang si kuya kay dad kapag gsto nya ng kausap na malaliman at pang lalaki."

"Bakit hndi ka nya kausapin?"

"Babae kasi ako." Inambaan ko na sasapakin ko na sya. "hoy wait joke lang. Hndi, 8 years naman kasi age gap namin ni kuya, anong alam ko kung magsasabi sya sakin, dba?"

"Sabagay."

Nagtaxi nalang kami papunta dun. Since malapit lang nman daw. Which is totoo nga. 10 minutes lang yung binyahe namin.

Nagdoorbell si Harry. Paglipas ng ilang segundo, may lalaking nasa 60+ na din yung nabukas ng pinto at halos kamukha nga din nina Trey.

"Hi dad." bati nya.

"Good morning po." sabi ko sa kanya.

"Bakit kayo nandito? At sino itong magandang dalaga na dala mo, harry? Siya ba ang nobya mo?"

"Hndi dad. Kay Kuya Trey yan." babatukan ko talaga to mamaya eh. Nakakadalawa na!

"Hello po. Ako po si Hermione." Tapos nagmano ako sa kanya.

"Oh tara pumasok muna kayo sa bahay ko."

***

"Ikaw ba yung Hermione?" Tanong nya sakin pagkalapag nya ng snacks namin.

"Opo, kilala nyo po ako?"

"Nakwento ka ni Trey sakin." Ngumiti sya. "Napakaganda mo naman para sa anak ko."

"Nako, hndi po kami. Wala pong kami."

"Sa ngayon sguro."

"Naparito ho ba si Trey?" Tanong ko.

"Oo, galing sya dito noong isang araw. Nagkwento lang sya sakin. Mga tatlong oras lang siya dito at umalis na." tapos humarap sya at seryoso ang mukha. "Bakit mo sinabihan ng ganon ang anak ko?" hala. Natakot ako! T.T

Engineering LoveWhere stories live. Discover now