Chapter zero. The past

33 0 0
                                    

Chapter zero. The past.

TREY'S POV

FIRST YEAR COLLEGE

"Nadine, anong pangarap mo?" Tanong ko sa babaeng gustong gusto ko.

"Gusto ko lang naman maging isang civil engineer. Tapos syempre magkaron ng sariling bahay at sasakyan. Mga ganon. Ikaw ba?"

"Ikaw."

"Ha?"

"I mean pareho tayo. Pero gusto kong magturo din eh."

"Edi mag-educ ka nalang!"

"Ayoko, gusto ko maging engineer." tapos tumingin ako sa orasan ko. "Tara na nadine, ihahatid na kita. Uwian na din naman."

Pagdating namin sa harap ng bahay nya,

"Pwede ba kitang ligawan?"

"Trey? May sakit ka ba?"

"Hindi, seryoso ako, nadine."

"Hmm, sige. Wala namang masama eh. Ligaw lang naman."

ngumiti sya tapos pumasok na ng bahay nya.

niligawan ko sya buong first year life ko hanggang 2nd year.

Tinuturuan ko sya lagi, kasi hndi sya ganon kasipag mag-aral. Opposite kami. Inaasar nga nila akong nerd eh. Hndi naman masyado. Haha.

Hanggang sa nag-third year kami:

hinanda ko yung quadrangle.

Tapos naghanda ako ng 'I love you Nadine' na nakalatag doon sa field.

Malalaking letters yun para paglabas nya ng room nila sa 4th floor, makikita nya tong mga letters na to.

Wala pa akong tulog. Kinakabahan ako ng sobra. May hawak akong coloring materials, compass at mais.

Biglang tumawag yung kaklase nya.

"Hello trey. Malapit na kaming matapos. Okay na yung flowers, nakay sir na. Ibibigay nya na kay nadine mamaya."

"Okay pre salamat."

yung flowers, 6 yun. For 6 sems of waiting for her yes.

May letter din na nakalagay dun, "May quiz bee ako mamaya sa field, gusto ko pag tapos mo ng klase, doon ka lang sumilip. Kinakabahan kasi ako pag nakita kita eh. Haha. -Trey"

10 minutes ang lumipas. Pasmang pasma na yung kamay ko. Biglang nagtext yung kaklase nya na tapos na yung klase nya.

Ready na ako para idial yung number nya the moment na dumungaw sya sa corridor.

In three

two

one

"Hello nadine?"

"ANO BANG KABALIWAN YAN, TREY?" naiiyak nyang sabi.

"Mahal na mahal kita, nadine. Bumaba ka ngayon dito sakin kung mahal mo din ako. Hihintayin kita."

nakikita ko na sya. Tumatakbo sya, pero para sa paningin ko, bumabagal yung pagtakbo nya.

Bumabagal ang lahat.

Wala akong ibang nakikita kundi ang babaeng mahal ko na papunta sa akin.

Ng bigla nya akong sinampal.

"ANO BANG KABALIWAN TO, MR ALVAREZ?"

"Ayaw mo ba?"

"oo! Ayaw ko! " umiiyak na sya. "Ayokong matapos tong araw na to." Napangiti ako sa sinabi nya kahit masakit pa yung sampal nya.

"Oh may tatlo akong bagay para sayo. " ngumiti ako sa kanya. "Una, etong coloring materials na ginamit ko sa statics subject ko."

"Bat naman? Anong gagawin ko dito?"

"Kasi unang una, binigyan mo ng kulay ang buhay ko."

"Ang corny, trey." pero natatawa na sya.

"Pangalawa, etong compass. Kasi binigyan mo ng direksyon yung buhay ko." inabot ko sa kanya. "Pangatlo, etong mais."

"Mais?"

"Kasi simula ng nakilala kita, natuto akong maging corny."

Nag-yieee yung mga tao sa paligid ko. Mga hindi ko kilala. Pero nakikigulo. Hahaha.

"Alam mo mister alvarez, diretsuhin mo na ako."

bigla akong lumuhod sa harap nya hawak yung kamay nya at sa kabilang kamay ko, yung singsing na ibibigay ko,

"Will you be my girlfriend?"

"Saglit ha, pag-iisipan ko muna." Tapos tumawa sya. "Of course, mr alvarez! Tumayo ka na dyan! I love you too!"

tapos nung tumayo ako, hinalikan nya ako sa labi ko. Eto yung first kiss ko. And hndi ako nagsisisi na binigay ko to sa kanya

FIFTH YEAR.

"Trey, dalawang linggo nalang, gagraduate ka na. Hindi mo ba ako hihintayin gumraduate?"

mauuna kasi ako, nagpabaya kasi sya simula nung 4th year kami. Nagkaron pa nga sya ng ibang kalandian eh. Pero pinatawad ko sya.

Ng apat na beses.

"Kung pwede lang, nads. Pero hndi ko hawak yung school eh." nandito kami sa bahay nya.

"Babyyyy. Turuan mo nalang pala ako nung sa staad. Hndi ko kasi magets eh." paglalambing nya sakin.

Kinuha nya yung laptop nya tapos binuksan yun.

Tinuruan ko na sya pero hndi nya talaga magets.

"Ayoko na! Ayoko naaaa!" sigaw nya.

"Ano ba kasi iniisip mo bakit hndi ka makapagfocus?"

"Naiinis ako.... Sayo." tapos tiningnan nya ako. "Kasi parang ayaw mo na sakin."

"Ha? Pano mo nasabi yun? Nadine. Ikaw lang naman yung mahal ko eh." tapos bigla nya akong niyakap.

"Ganto lang tayo."

niyakap ko nalang din sya pabalik.

Maya maya, bigla nya akong hinawakan sa leeg tapos hinalikan nya ako.

Tinulak ko sya. Hndi naman ganon kalakas.

"Nadine, hndi yan tama."

"Napaka-old style mo naman, trey!" pero lumapit padin sya sakin. "Sige ka, maghahanap ako ng iba."

wala akong nagawa. Gusto ko din naman to eh, malamang lalaki ako, pero baka kasi....

Hndi ako makapagpigil.

At hndi ko nga nagawang pigilan sarili ko. May nangyari samin...

*****

NOVEMBER 2017

Board exam results.

Nandito kami ni Nadine naghihintay ng results.

Naiiyak na sya. Kasi hndi daw nya nasagutan yung ibang problems.

Ayaw nya nga makita yung results eh. Kasi hndi daw sya pasado.

Tapos nabigla ako kasi,

"Good evening everyone, blablablabla" kung anu ano pinagsasabi nya, "AND THE NOVEMBER 2017'S BOARD TOPNOTCHER IS... ENGINEER TREY ALVAREZ!!!"

Nagfreeze yung paligid ko. Everything's worth it.

Nakita kong natutuwa si nadine para sakin. Pero nung natapos na yung pagfflash ng passers, at wala yung pangalan nya, bigla nalang syang tumakbo papalayo...

At hindi ko na sya muling nakita pa ulit...

------------

yan munaaaa! Halloooo ~ may rason yang mga andyan. Hahahaha. Mukhang makakabenteng chaps to bago matapos ha? XD nag eenjoy ang maganda nyong authooor ~

******

Engineering LoveWhere stories live. Discover now