Part 3.1 Superman in his white hard hat.

29 0 0
                                    

Part 3.1 Superman in his white hard hat.

Kinakabahan ako kay sir. Kay trey. Sana patawarin nya ako. T.T

pumasok ako ng faculty.

Umupo lang ako sa harap nya. Alam nyang nandun ako. Pero di nya ako pinapansin.

7:30 palang. Maaga kasi kami natapos sa exam.

9 pa labasan ni trey. Halaaaa. 1 and a half hour pa.

Tumayo si sir. May klase pa to eh, alam ko. Kaya ayun, nandito lang ako sa table nya.

Ang alam ng lahat, kapatid ako ni sir. Hahahaha. Mga imbang engineers. Bubu amp.

Kaya pwede kong pakialaman gamit nya. Pero in our case ngayon, hndi pwede. Kasi galit sya sakin. Dahil sa kasamaan ng ugali ko kanina.

"Miss lopez. Hindi ka pa ba uuwi? Nauna ng lumabas si sir trey." sabi nung prof sa tabi ng table nya. 9pm na pala. Nakatulog pala ako. Tamo. Hindi nya man lang ako ginising.

"Thank you po."

lumabas ako. Nakita ko sya sa may gate na. Tumakbo nalang ako.

Tangina ang hirap. Gsto ko na mamatay!

Pagkahabol ko sa kanya, "Sir." lakas loob kong sabi kahit hinihingal ako.

"Yes, miss lopez."

"Sir please. I'm sorry!"

dumiretso sya sa paglalakad. Tangina naiiyak nako. T.T

hanggang sa dumating na kami sa may kanto na malapit sa dorm ko.

*huk*

umiyak na talaga ako.

Umupo ako dun sa may sidewalk.

"Tangina ang hirap naman ng sitwasyon ko." tiningnan ko si sir, nakatingin sakin. "Sir naman, nandito na nga ako para malaman mo yung problema ko tapos ayaw mo akong pansinin ngayon!" nakatingin lang sya sakin. Walang reaksyon. Feeling ko walang awa sa mga mata nya. "Sir naman." humagulgol nako. Hirap na hirap nako.

Tumingin ako sa kabilang direksyon kasi tumutulo na yung luha ko. T.T

tapos may narinig akong nagsalita. Nagsalita? Sya?

"Hermione. Ang hirap mong iwasan, alam mo ba yun?" tumingin ako sa kanya kahit baka may mga uhog uhog nako sa mukha ko. Inabutan nya ako ng panyo. "Ang cute mo padin kahit umiiyak ka." Hindi nya pala inabot. Sya na nagpunas kasi umupo sya sa may harap ko. tapos tumawa sya.

"Tangina sir tinatawanan mo pako." tapos tumawa nalang kami pareho. Natatawa din ako, ang babaw na ng luha ko these days eh. Hahaha.

"so what's the problem?"

"penge pera, sir." Tapos tinawanan ko sya.

Dumukot sya sa bulsa nya tas inabutan ako ng limang piso. "Oh."

"Lah sir, muntanga." Tumawa kami pareho. "Akin na to ha." Kinuha ko na din. Inabot nya eh. Tangina mukha na ba akong pulubi. HAHAHAHA!

"Bakit nga, harry?"

"SIR? ANONG HARRY?"

"Potter."

"Lah. Kilitiin moko para tumawa ako dali." tapos lumapit nga sya sakin tas kikilitiin ako. "HOY PWERA HAWAK! HAHAHAHA!"

"Sabi mo kanina, tas ngayon. Hay nako mga babae nga talaga." umiling sya. "Ano nga problema? Last na tanong ko na to."

"Eh sir kasi... Wala pa pong pinapadala si mama. 2 months ng wala."

Engineering LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt