The Unexpected Stripper

Start from the beginning
                                    

"Yes mother." Sabi nina Roxy at Candy saka ako pinahiram ng damit na susuotin ko.

Hay. Isipin ko na lang ang pera na kikitain namin sa rocket na 'to.

Naku po sana lang walang malas na happening!

Huhuhu!!!

************

ANTHONY'S POV

Kakarating lang ko lang dito sa Shangri-la hotel kung saan gaganapin ang stag party na sinet-up ni Kenneth. Nagtataka nga ako sa kanya kung bakit dito pa sa hotel. Pwede naman sa club na lang, may modus siguro ito. Knowing him, malamang meron itong binabalak sa stripper.

Pagkabigay ng room number ay deretso na 'kong sumakay sa elevator. Pagdating sa 6th floor ay agad na pumasok ako don sa room 608.

"PARE!!" Bungad nilang lahat sakin pagpasok ko. "Kamusta?!"

"Ang tagal mong nawala." Sabi naman ni Edward.

"Kumusta naman ang inasikaso mong branch sa Cebu?" Tanong naman ni Kenneth. "Nahuli ba kung sino ang nagdidispalko ng pera niyo?"

"Ayos lang naman." Tipid kong sagot. Tama sila, almost two months akong wala dahil nga nagka-problema sa branch ng company sa Cebu. May nangyaring nakawan and I have to fly there to check it out myself. Through out myself investigation malaman ko na lang na ang accountant namin ang may sala. He was a long time employee at six months ago pa pala may nangyayaring anumalya don. Kinailangan kong mag-stay don para maibangon ulit ang brance don sa Cebu. Kahapon lang ako nakabalik dito sa Manila. "Yong Accountant ang nagnanakaw ng pera."

"Ganon ba." Sabi naman ni Matthew. "Mabuti at nahuli ang taong yan."

"Yeah." Sabi ko na lang. I really don't wanna talk about it. Nakaka-stress lang.

Napatingin ako sa paligid. May beer at pagkain sa mesa. Meron pa palang wine bar. Ngayon ko lang napuna na malaki at exclusive suite pala itonng kwarto na 'to.

"Ayos ang room na'to ah." Sabay ngisi ko kay Kenneth.

"Aba siyepre!" Puno pa ng confidence ang mokong. "Magaling yata ako mag-set up ng stag party."

"Ulol!" Sabi sa kanya ni Daniel. "Gusto mo lang maka-score stripper!"

"Kaya nga!" Pag-sangayon ni Ed.

"Speaking of score." Sabi ni Kenneth sabay baling ng tingin sakin. "Naka-score ka ba habang nasa Cebu ka?"

"Sira ulo!" Sabi ko. "Ikaw talaga puro ka chicks!"

"Naman pare!" Iiling iling niyang sabi. "Dalawang buwan kang wala hindi ka man lang nabinyagan ulit?"

Tinawanan ko na lang siya.

"Tigilan mo na itong si Anthony." Sabi ni Daniel. "Alam naman natin sa si Ms. Masungit ang prospect nito."

"Hindi mo na makikita yon." Sabi naman ni Matthew. Halakhakan silang lahat saka ko binagyan ng beer

Napapailing na lang ako sa mga 'to.

I wonder how is she? Kahit hindi pa kami gaanong magkakilala na-miss ko siya. Two months ba naman akong nawala at biglaan pa pagpunta ko non sa Cebu. Puntahan ko kaya bukas ng gabi don sa club? Kung alam niya lang na habang nasa Cebu ako at inaayos ang problema don, inookupa niya ang isip ko. Lagi ko iniisip kung ano ginagaw niya, kung kumain na ba siya o ano. Sana sana nakuha ko number niya para na-text o tawag ko siya. Na-miss ko rin ang pagsusungit niya, ewan ko ba kung bakit. Basta yon ang nararamdaman ko.

In Love With A StripperWhere stories live. Discover now