Chapter Fifty Four

Start from the beginning
                                    

Napatahimik ako nang may biglang tumakip sa mga mata ko. 

"Oy! Trystan ikaw yan noh?!"

Tinanggal niya naman ang pagkakatakip at nilingon ko siya.

Tama nga.

"Ew Mika, kakagaling lang nyan sa CR. Di pa naghugas yan!"
"Tae ka, Chris! Ba't mo sinabi?!" 
"EWWWWW!"
"Hahahaha biro lang!" 

Uy, they're getting along ha. Boys talaga.

Iinumin na sana ni Trystan yung iniinom kong fruit shake pero pinigilan ko siya.

"Ops! May training ka. Baka mapano ka."
"Awwww how sweet!" Sila Jessa na kakarating lang.
"Heh. Painom mo na sa kanya yan."
Sabi pa ni Chris.
"Hahaha! Okay po, Mommy." 
"Nyayy kelan pa kita naging anak?"
"Baby mo 'ko diba?"

"Makaalis na nga dito. Pangit ka-bonding ng dalawang' to."

Ininom niya yung gatorade na binili ko para sa kanya.

"Pawis na pawis ka pa, o."
"Hindi naman ako amoy pawis eh."
"Weeehh paamoy nga!"
"Hahahaha!" 

Nilapit ko ilong ko sa shirt niya at... Woah. Oo nga! Amoy baby!

ANG BANGO! Perfume ba 'tong pawis niya?

"Oo na."
"Nyeee nabanguhan sakin. Hahahaha!"

"Hindi kaya, amoy pawis nga eh."
"Nyeee sinungaling. Wait lang, ah."
Umorder muna sila ng meryenda tapos bumalik naman agad. 

"Uy, tol!" 

TAE KA, RUSSEL!

"Oy, pagkatapos nitong break pasok na kayo."  

"Nga eh. Pwedeng maki-share?" 
Oo kasama niya po si Melody. Nagtitinginan sina Jammie at parang inaasar pa ako.  

"Uy, Mel. Himala at di mo kasama si Tin?" Tanong ni Chris.
"Nauna na sila eh."
"Ahh, ganun ba."

"Awkward..."
Siniko naman ni Jessa si Jammy.

"Mukhang masarap 'yang kinakain mo, ah. Penge naman!"
Si Russel na naman 

"Di' to masarap, swear."
"Ops, share kami nito."
Buti nalang andyan ka, Trystan. Huhuhu!

"Biro lang eh. Hahahaha! Ge, order muna kami." 

Tumayo sila ni Melody at pumunta sa counter. 

"Trystan dito ka nga, lipat ka sa pwesto ko."
"Bakit?"
"Nagseselos. Pffft." 
"Tahimik ka nga, Chris."
"Sis, ang awkward nun. Super." -Chaldea. 
"Totally! Nakakaloka. Lipat kaya tayo sa ibang table?" Pumaypay si Jam.
"Keep it cool, okay?" Sabi ni Cha.

Kumain nalang ako. May konting usapan. Si Melody nga tahimik lang. Halos ang mga boys lang ang nag-uusap. Nang matapos kaming lahat ay inaya nila kaming manuod ng training. 

Goal keeper pala 'tong si Chris.

"Go Trystan!" Sigaw ko. Naglalaro na kasi sila at kalaban ang team ni Russel. 

"Ganda mo talaga, girl." -Jammie.

"Hahahaha! Luh, di kaya." 

Si Melody? Ayun nasa malayo. Sa side ng team nila Russel. Hala dun ka, sige. Hehehehe!

"Hoooooo!"
"Mika ,mukhang may ibang pinaglalaban yung dalawa, o."

Si Russel, pilit na inaagaw yung bola kay Trystan

"Ang ganda nung bola eh. Hahaha!" -Jessa
"Sana naging bola nalang ako." - Jam
"Kayo talaga, kung anu-anong iniisip." - Cha

"There's something naman talaga eh. Tingnan mo, parang galit na galit si Russel."

O tapos?

"Anong meron dyan? Natural, magkalaban sila, aagawin niya talaga yung bola."
"Hahahaha! Yung bola nga ba?" - Jessa
"Siya yung bola." -Cha

"Hindi, kayo. Mambobola kayo."
"Haba ng hair eh." - Jam

Inaasar talaga nila ako l.

"Tol!" 

Pinasa ni Trystan yung bola. 

"Ang init ng labanan eh! Training pa lang yan ha."
"Ang cute talaga nila Russel at Trystan kanina!"
"Sh*t, gusto kong mapa-picture!"
"Oo nga. Picture-an mo ko mamaya ha?" 
"Ako naman kay Chris."

Ang iingay ng mga bata dito sa tabi namin. Mga second year pa ata 'to sa hitsura. Ang aano na ha. Urgh! Try lang nilang magpa-picture kay Trystan. Hmph!

Ipapakain ko talaga sila sa Titans!

***

"Tara na." Hinila ko si Trystan papalayo sa mga babae kanina. 
"Wait lang, may meeting pa kami."
"Tss. Sige, maghihintay ako dito." 
"Okay. See ya."

"Ay sayang..." Nakatingin sakin yung mga babae kanina. 

I gave them a "what-the freak-are-you-looking-at?" stare at umiwas naman agad. Lumipat ng pwesto! Hahaha! Inaasar lang eh.

"Girl, mauuna na kami ha?"
"Okay, girls. Ingat kayo." 
"Kayo rin. Good luck! Hahaha!"  

Umalis na sila Jessa at ako nalang ang naiwan sa bench.

Nang makita ko si Russel ay nakita ko naman agad siyang napatingin sakin then gave me a smile. 

Konting-konti nalang talaga, Russ.

"Oh, tara na?" Bumalik na si Trystan at kakabihis lang ng shirt.
"Baka nagugutom ka ulit?"
"Medyo nga eh. Tara kain muna?"

"Sige, sa Jollibee nalang ulit. Mas malapit eh. Okay lang?"
"Sige." Hinawakan niya ang kamay ko. 

Hala, unang holding hands while walking!

"Pre, kitakits ulit." Napatingin si Russel sa kamay namin.
"Sige, tol. Ingat." 

Si Melody naman, nasa likod lang niya at parang buntot na sunod nang sunod.

O, ano?

"Jaa ne, Rizumu-chan." (Kitakits, Rizumu)

Nag-babye na rin ako sa kanya. 

"Papaano niya nalaman na Japanese ka?" Huminto siya at parang galit...?

"H-Ha? Alam ko kasi na Japanese siya eh. Nag-usap kami kanina nung magkasalubong kami..."
"Nakakainis, kayo lang nagkakaintindihan eh."

Sabi nya nang hinahanda nya ang motor niya. "Sige, tuturuan kita next time."

"O sige nga, ano sa Japanese ang 'I love you'?" 
"Aishiteru yo, pwede ring suki desu." 
"Aishiteru." 

Natawa ako at kinurot ang ilong niya

"Hahahaha! Yiiieee!

Si Chris at kinuha rin ang motor niya

"Una na kami, pre."
"Sige, pre. Bye, Mika. Hoy, ingatan mo yan ha."
"Naman! Ako pa. Hahaha! Sige, ingat."

Pinaandar niya na ang motor niya
"Okay na?"
"Yep."

Nakita ko yung mga babae kanina at napatingin sila samin nang dumaan yung motor sa gilid nila.

Naiisip ko parin si Russel. 

Yung plano ko... Basta, sana magawa ko agad. I want to get even!

Sana di lang ako maunahan ni Melody. 

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now