#Dreamers (ANGRY)

Începe de la început
                                    

Paglabas ni Austin saka naman sya nagsalita "Akala ko ba aalagaan mo sya? Pero bakit mo sya iniwan mag isa?!" Sumbat nito kay mama na akala mo sya ang pinakamalinis na tao sa mundo.

"Nagbakasyon lang naman ako Nestor" Sagot naman ni mama.

"Nagbakasyon O nakipag date ka lang?!" Sabi nito.

"Hindi ako katulad mo" Di makapaniwalang sabi ni mama " wag mo kong sumbatan!" Dagdag pa nya.

"Talaga lang ha?! Ganyan ka na ba ngayu----" Di ko na sya pinatapos, Sumusobra na sya.

"Will you stop it!" Singhal ko sakanya "Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan ang mama ko! Dahil sainyong dalawa....She's better than you!" Dagdag ko.

Natahimik sya pati si mama sa sinabi ko....Seryoso ako dun at wala akong balak bawiin pa yun! He ruin my life! Eve my heart! "Walang kinalaman ang mama ko dito! At kung talagang gusto mong malaman kung anong nangyari sakin....Puntahan mo ang kerida mo at ang anak nya saka mo sila tanungin sa tunay na nangyari sakin" Kung magsinungaling sila...I dont care!  Bahala na sila sa buhay nila....Magsama sama sila.

"Anung ibig mong sabihin?" Takang sabi nito.

Napatingin naman sakin si mama "Sinaktan ka ba nila?! Sila ba ang may gawa nito sayo?!" Galit na tanong nya.

Di ko sinagot si mama sa halip ay bumaling ako sa ama ko "Alam ko naman di ka maniniwala, Sino lang ba ako diba? Alam ko naman na mas importante sila sayo kesa sakin" Pero masakit pa rin yun, Yung dika paniniwalaan ng ama mo.

"Mga hayop sila" Bulong ni mama na narinig rin naman namin saka nya tiningnan ng matalim si pa-mr. guevarra "Ibang usapan na ang anak ko!" Seryosong sabi nito.

"D-Di ko alam..." sabi nito saka ulit tumingin sakin "Im sorry..." Sabi nya pa sabay labas ng kwarto ko dito sa ospital.

Napakunot ako nang noo, Anung nangyari sakanya? "Napakasama talaga ng mag inang yun! Pati ikaw dinamay nila" Sabi ni mama saka ulit umupo sa tabi ko "Kamusta na ang nararamdaman ng baby ko?" Nag aalalang tanong nya.

Ngumiti ako "Im feeling better than the other day" Sagot ko.

Ngumiti na rin ito saka hinaplos ang buhok ko "Paglabas na paglabas mo dito, Babyahe tayo papuntang hacienda" Sabi nito.

Kumunot ang noo ko "Pero may klase pa ko ma" Sabi ko.

"I know..." Mahinahong sabi nito "Ipagpapaalam nalang kita sa school nyo, Di ko na hahayaang saktan ka pa nila" Dagdag nya.

Ngumiti nalang ako....Parang pagtakas ba tong ginagawa namin?.

Haaaay....Mukhang mapapaaga ang pagbabakasyon ko nito sa hacienda nila jerome at Austin.

----****----
"Di ka ba talaga pwedeng sumama" Nakasimangot na tanong ko.

"Gustohin ko man pero di talaga pwede, May mga trabaho pa kong dapat tapusin dito....At pag natapos ko yun, Pangako susunod agad ako sayo" Sabi nya.

Mamimiss ko sya, Bat kasi sunod sunod ang trabahong dumating sakanya! Di ko tuloy sya makakasama "Sunod ka ha?"Parang batang sabi ko.

Natawa sya saka ako hinalikan sa noo, Ilong, at labi "Oo pangako..." Napangiti ako...Panatag ako na sa lahat ng pangako ang kanya lang ang hindi napapako.

"I love you..." Bulong ko.

"I love you too...." Matamis na sagot nya saka ulit ako hinalikan sa labi.

"AHEM!" Napatingin kami kay mama at napatawa...Tsk! Panira talaga 'tong mama ko hahajoke "Franco! Baka nakakalimutan mo nasa ospital pa yang anak ko, Saka nyo na gawin yan" May pagbibirong sabi pa nito.

Natawa nalang kami at nagkatinginan, Ang gwapo talaga ng superstar na 'to! Parang sinalo nya na lahat mg kagwapuhan sa mundo haha.

"Diba aalis ka?" Natatawa pa ring tanong ko.

Ngumisi sya saka pinagdikit ang mga noo namin "Panu ako makakaalis kung na sayo ang puso ko...Baka mamamatay ako sa daan kapag napalayo ako sayo" Punch line nito.

Bahagya ko syang tinulak saka pinalo sa tiyan, Napa-aww naman sya sa ginawa ko "Ang cheesy mo!" Natatawang sabi ko "Umalis ka na nga! Mamaya magalit pa manager mo" Dagdag ko.

Natawa sya lalo saka ngumuso "Goodbye kiss ko muna"Sabi nya na nagpahalakhak sakin.

Kung ganito ba naman kasweet ang boyfriend mo, Aba! Iiwan mo pa ba 'to....Nakakainlove lalo kainis!

"Franco!" Sita ni mama sakanya.

Agad namang lumayo si Austin sakin habang natatawa "Baka makalusot lang po tita" Natatawang sabi nito kay mama.

Napailing naman si mama "Puntahan mo na muna ang manager mo, Ako na bahala kay llianizza dito" Sabi ni mama.

"Opo" Sagot nya.

Lumapit ulit sya sakin saka ako mabilis na hinalikan sa pisngi "Bye!" Sabi nya pa.

Ngumiti ako "Bye" Nag flying kiss sya kaya natawa na naman ako "Take care" Pahabol ko bago sya lumabas ng pinto.

Napailing nalang ako pagkaalis nya, Mamimiss ko talaga yang kakulitan nya....Pang ilang araw ko na ba ito dito sa ospital, Sa pagkakatanda ko kasi panglima na.

Natatawa nga ako kela beb, ador at jerome dahil ayaw pa nilang pumasok....Ginawa nga talaga nilang dahilan itong pagkakaospital ko para di sila makapasok.

Mga tamad na studyante nga naman.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum