#Dreamers (GOING HOME)

1.9K 28 1
                                    

Napangiti ako nang may makita akong dagat mula sa labas ng bintana ng kotse nya.

Nasa byahe na kami ngayun pauwi sa bahay...Di alam nila beb na umuwi nako kasama si Austin, tanging mga teacher lang ang nakakaalam.

Tnry ko silang itxt at tawagan pero out of coverage area ang mga phone nila, Siguro hinold yun ng mga teacher na kasama nila.

"Gusto mo bang maligo sa dagat?" Tanong nya habang nakafocus sa pagmamaneho.

Tumingin ako sakanya saka ngumiti "Ayoko...Di ako marunong lumangoy diba?"

Natawa sya "hanggang ngayun pa rin pala takot ka sa dagat, Ang laki laki mo na di ka pa rin marunong lumangoy" Natatawang sabi nya.

Ngumuso ako "Di po kasi ako swimmer katulad mo"

Inabot ng freehand nito ang isa kung kamay na malapit sakanya "Don't worry sisiguraduhin ko na di ka sa dagat malulunod kundi sa pagmamahal at mga halik ko" Nakangising sabi nya.

Humuhugot na naman sya...pero kinikilig ako "Ang cheesy mo" Namumulang sabi ko.

"Sayo lang" Sagot nito.

Umiwas nalang ako ng tingin, Baka mamaya di ako makapag pigil at mahalikan ko sya sa gitna ng pagmamaneho nya.

----***-----

Nagising ako na tahimik ang paligid, Nakatulog pala ako sa byahe.

Umupo ako ng maayos saka tumingin sa driver seat....Nasan sya? Kunot noo akong bumaling ng tingin sa labas ng bintana, Nasa harap ng 7 eleven nakapark ang kotse nya.

Inabot ko ang jacket nya sa likod, Medyo nilalamig kasi ako.

Bumaba ako ng kotse nya saka pumasok sa 7 eleven, Tumingin ako sa paligid para hanapin sya....pero Wala akong makitang tao dito bukod sa apat na studyanteng nakatingin sakin.

Napakunot ako nang noo nang lumapit sila sakin "Ate kilala nyo po ba si Steve franco?" Tanong nung isa na nagpabigla sakin.

"H-Ha?" Anung isasagot ko? Di naman pwedeng sabihin ko na boyfriend ko si Austin, Baka mamaya masira sya sa mga Umiidolo sakanya.

"Kasi po nasa inyo ang jacket nya" Sabi naman nung isa sabay turo sa jacket na suot ko.

Napatingin naman ako sa jacket, Dun sa baba may nakaukit na property of steve franco.....Di ko yun napansin kanina nung sinuot ko.

Napakamot ako ng ulo...Ang tanga ko talaga! "A-Ah baka...Ka-parehas lang ng j-jacket ni Au--Steve franco?" Nabubulol na sabi ko.

Nagkatinginan naman silang apat, Alright! Di sila naniniwala sakin "Hindi ate! Si steve franco lang kasi ang may ganyang jacket" Giit nila.

My ghad! Di ba pwedeng isipin nalang nila na baka may gumaya ng jacket ni Austin? Grabe! Ganito ba ang superstar sa sobrang dami ng fans ultimo jacket di nakaligtas sa paningin nila.

"A-Ahmm baka...." Diko na natuloy ang sasabihin ko nang mas lumapit pa sila sakin.

"Kilala mo ba sya ate? Nandito ba si steve franco? Idol na idol kasi namin yun" Tuwang tuwang sabi naman nung isa.

Napaurong ako....Ang creepy pala kapag dinudumog ka nang fans ng boyfriend mo "A-Ahmmm D-Di kasi a-ako--" Napahinto ako sa pagsasalita nang makita ko si Austin sa harap ng counter....Di nya pa kami napapansin dahil busy sya sa pagbabayad ng mga pinamili nya at sigurado ako na di nya rin ako makikita Mas matatangkad kasi sakin ang mga highschool student na 'to! Bat di kasi ako binayayaan ng tangkad eh.

"Sige na ate! Ipakilala mo naman kami sakanya" Pangungulit nila.

Urong at pag iwas lang ang tanging nagagawa ko, Naman! Anu kayang gagawin ko sa mga batang 'to! Mukhang pursigidong pursigido na kasi sila na makita at makilala si Austin.

"Ate sige na! Kahit isang picture at Autograph lang" Request na naman nung isa.

Napalunok ako....Sana pala di na ko lumabas ng kotse nya, Naipit tuloy ako sa sitwasyon na 'to.

"Ate sige n----Kyaaaaah" Nagulat ako nang bigla silang sumigaw.

"OMG! Ang pogi nya!"

"Kyaaaah nandito nga sya"

"Waaaah Papicture naman steve franco!"

Napaurong ulit ako, Kung kanina ang wild nila ngayun naman naging MAS wild sila.....Bigla kasing napunta sa harapan nila si Austin.

Nakita nya pala ako? Haay...Thanks ghad! "Hey....Don't scared her" Mahinahong pakiusap nya sa mga ito.

Nakacup at glasses sya pero nakilala pa rin sya, Tsk! Tindi pala ng karisma ng boyfriend ko.

"Kyaah papicture naman!"

"Saka Autograph!!"

Nginitian ko lang sya ng tumingin sya sa gawi ko, Ayos naman sakin 'tong nangyari Di naman ako nasaktan...Nabigla lang.

"Ok, Pero kasama dapat sya" Sabi nito sabay akbay sakin.

"Anu?" Nanlalaking matang sabi ko.

"Sige! Sge!"

"Maganda naman si Ate!"

"Picture na tayo dali"

Wow...Pumayag talaga sila? Akala ko lulusubin nila ako.

----***---

"Ang babait ng mga fans mo" Sabi ko habang ngumunguya ng biscuit na binili nya.

"Syempre...Gwapo kaya ng boyfriend mo" Nakangising sabi nya.

"At ang feeler!" Sagot ko na ikinatawa nya.

"Kung di lang ako nagmamaneho baka nahalikan na kita" Natatawang sabi nya.

Natawa din ako "Ewan ko sayo! Magmaneho ka na nga lang dyan" Nakakalig ka kasi....Kainis kung di kalang nagmamaneho baka hinalikan na kita.

"Llianizza?" Napatingin ulit ako sakanya ng tawagin nya ko.

Babanat na naman ba 'to? "Bakit?"

"Sana ikaw nalang ang umiwas kay nicole kapag nagkita kayo" Nicole?! Ang bwisit na babaeng yun!

Nag iwas ako nang tingin "Bakit? Nag aalala ka pa ba sakanya?" Iniisip nya pa ba ang babaeng yun? Sa sandaling panahon, Minahal nya kaya yun?

Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko "Hindi sakanya...Sayo" Nagtataka akong napatingin ulit sakanya...Sakin? Bakit nya ko aalalahanin? Kaya ko namang labanan ang plastic na babaeng yun "Wala akong tiwala sakanya! Kaya ka nyang saktan physically! So, please ikaw nalang ang umiwas sakanya" Seryosong sabi nito.

Napabuntong hininga ako...Natutuwa ako dahil ako ang  inaalala nya, pero baka di ko magawa ang gusto nya! My ghad! Napakatalim ng bibig ng babaeng yun, At di ko kayang di lumaban.

"Susubukan ko...." Susubukan kong di mag init ng ulo kapag nakita ko ni hibla ng buhok nya, Bwisit! Naiisip ko pa lang sya parang nakikita ko na rin ang nanay nya.

Ang nanay nyang Cheap, Gold digger at mang aagaw!! That good for nothing mistress....Pati yata impyerno ayaw sakanya.

"*Sigh* Ok...." Sabi nya "I love you?" Dagdag nya na nagpangiti at nagpabago ng mood ko.

"Mahal din kita Austin...." Seryosong sagot ko.

Di ko hahayaang maagaw ka ulit ng babaeng yun sakin, Mula umpisa naman akin kana kaya malinis ang konsensya ko na wala akong inaagaw sakanya.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu