#Dreamers (HAPPY :))

1.6K 26 0
                                    

Days passed.....Ito kami ngayun, Magkasama at magkahawak kamay na pumapasok sa room.

Alam kong alam na nang lahat kung ano talaga ang namamagitan samin ni Austin at alam ko rin na may ibang galit sakin....Siguro iniisip nila na inaagaw ko si Austin kay nicole.

Speaking of nicole.....Napatingin ako sa pwesto nya, Nakaheadset sya pero masama ang tingin sakin....Gusto kong maguilty pero naisip ko, Ako naman talaga ang mahal ni Austin nung una palang kaya wala akong dapat ikaguilty dun.

"Beb dito!" Nabaling naman ang atensyon ko kay rose ann na nakangiti at kumakaway samin.

Napangiti ako....Namimiss ko na din ang dalawang 'to.

Hinila ko si Austin palapit sakanila "Musta field trip?" Bungad ko.

"Ayos lang" Sabi ni kyna saka ngumiti ng nakakaloko "Kayo ha? Di nyo man lang kami ininform na aalis na pala kayo ng magkasama" Sabi nya.

"Oo nga naman beb, Akala namin nagtanan na kayo"Ngingiting sabat ni rose ann.

Natawa ako "Di na kasi kami nagkaroon ng oras para magpaalam, Saka alam ko naman na marami kayong ginagawa" Paliwanag ko.

"Asus! Sabihin mo nagdate lang kayo nyang si Austin" Sagot ni Rose ann.

Napatingin ako kay Austin para humingi ng tulong magpaliwanag sa dalawa pero ang loko nagtago lang sa likod ko at inamoy amoy ang buhok ko.

"Di kami nagdate, Nagpahinga lang kami sa bahay at pumunta sa bar ni mike" Dagdag ko.

"What?" Nanlalaking matang sabi ni rose ann "Pumunta ka dun ng di ako kasama?!" Nakasimangot na sabi pa nito.

Napangisi ako "Nasa field trip ka diba?" Sabi ko "Saka sayang nga eh, Di mo nakita kung gaano kaganda ang bar nya" Pang aasar ko sakanya.

Napairap naman sya saka ako tinalikuran "I hate you na" Dissapointed na sabi nya.

Natawa lang ako "Love you too beb" Ngingiting sabi ko.

"Si anthony?" Napatingin ako kay kyna "Nandun ba sya?" Nakayukong tanong nya.

Napangiti ako...Alam kong nahihiya sya at di nya kayang ipagsigawan ang nararamdaman nya kay anthony di tulad ni Rose ann na halos malaman na nang mga tao ang pagkabaliw nya sa mike nya.

"Nandun din sya...." Sagot ko.

Kung pwede lang akong maging cupid at ipaglapit ang apat ay ginawa ko na, Kaya lang di ko talento yun baka magkagulo lang sila imbis na magkalapit lapit.

"Sayan noh, Wala kami dun" Nakasimangot na komento nya "Higit isang taon na rin mula nang huli ko syang makita...Mag gumwapo kaya sya ngayun tulad ng nakikita ko sa TV?" Nakangiting dagdag nya.

Ngumiti lang ako saka tumingin sa pinto nang may dalawang pamilyar na taong magkasunod na pumasok, Ngumiti sila nang tumingin sila sa gawi namin.

Alam kong gustong tumili nang mga kaklase namin sa kapogian nang dalawa, Di lang nila magawa dahil may mga teacher na nag uusap malapit sa room namin.

"Hi"

"Hey"

Kanya kanyang bati nila, Ngumiti lang ako saka tumingin kay Austin......Grabe! Di pa ba sya nagsasawa sa amoy ng buhok ko? Ako na e-stress sakanya.

"Bat ngayun lang kayo?" Tanong ko sa dalawa nang umupo sila sa harap namin.

"Practice" Sabay nilang sabi.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now