#Dreamers (BACK TO SCHOOL)

2.6K 44 1
                                    

"Ayos ka na ba? Kaya mo na ba talagang pumasok?" Tanong nya habang nasa byahe kami papunta ng school.

"Oo naman...." Ngumiti ako saka tumingin sa labas ng bintana.

Physically ayos na ko.....Emotionally nalang ang pinoproblema ko.

Siguro kailangan ko munang umiwas para maging madali ang lahat samin, At siguro mas mabuti nang wala munang malaman si jerome tungkol sa nangyari.

"Ahmm sumali nga pala ako sa basketball team and luckily makakasama ako sa laban next 3 weeks" biglang sabi nito.

Gulat akong napatingin sakanya "Really?!....Wow!" bilib na bilib na sabi ko.

Magaling naman kasi syang magbasketball at mahal na mahal nya ang bola.

"Aha..kaya nga puro practice lang daw ang gagawin namin especially me this week" May lungkot sa boses na sabi nya.

Nagtataka ko syang tiningnan "oh Bat ka naman nakasimangot? Diba gusto mong makasali dun?"

"Oo gusto ko.....but it means di muna kita makakasama" nakasimangot na sabi nito.

Natawa ako "Ayos lang naman yun jerome! Ilang linggo lang naman eh" Umiiling iling na sabi ko.

"Baka kasi mamiss kita agad"

"Sira ka talaga! Dadalaw nalang ako dun pag may time" Sabi ko.

"Talaga?" tuwang tuwang sabi nito.

"Oo! Promise" pag aasure ko.

"Pero diba busy ka rin?" Oo nga pala....Haay! Marami na naman pala akong gagawin, Tatlong org. Kasi ang hinahawakan ko.

Im the vice president of the student council, President of theater and leader of cheerdance.

Hirap kaya nun (Lalo na at english ang paliwanag ko hahaxD sensya sa wrong grammar dreamers).

"Susubukan ko nalang...." Sabi ko bago bumaba ng kotse nya.

Balik eskwela na naman ako, Walang Austin, walang nicole, walang mr. Guevarra at walang stresssss.

"Hatid na kita sa office" Alok nito. Sa office na nga pala ako tuwing morning, Pinalitan na kasi ang sched. Naming mga SC officers, Pagkatapos na ng unang break ang unang klase namin, Nakatrip ata si madam nung palita nya yung sched. Namin.

"Di na! Alam ko namang late kana din sa practice mo" Nalate kasi sya dahil sakin, Hirap ko daw kasing gisingin "Ayos lang naman ako" Dagdag ko.

Tumango nalang sya at napilitang naglakad papunta sa gym, Andami ko nang utang sakanya.

---***---
"Good morning vice :) Long time no see?" Bati ni ador sakin. Ador dizon president of student council.

"Morning" Balik na bati ko.

Ang daming bumati sakin kanina papunta palang ako dito, Nakakapagod ngang paulit ulit mag good morning eh.....Pero kahit ganun nakakatuwa pa rin na di ako nakakalimutan ng mga tao dito.

"Musta na? Balita ko naaksidente ka daw?" Tanong nya.

Umupo muna ako sa upuan ko bago ko sya sinagot "Oo Ayos na ko, Nagalusan lang ng kunti...." Oo llian nagalusan kalang!! Kaya nga ang laki ng sugat mo sa ulo.

Nagtaas ito ng kilay "Nagalusan kalang pero nagabsent ka nang ilang araw" Tila naghihinalang sabi nito.

"Di ba pwedeng nagpahinga lang?" Pagtataray ko...Kulit kasi eh!! "Saka nandito ako para magtrabaho di para magpaliwanag sayo" Dagdag ko.

"Taray naman nito!" Sabi nya sabay lapag ng kung anung envelope sa table ko "Ireview mo daw yan sabi ng principal" Baling nya sa trabaho.

haay! buti nalang at tumigil na sya
"Anu ba 'tong mga 'to" Takang tanong ko habang binubuksan ang envelope.

"Para yan sa Intramurals" Sagot nya habang may binabasa namang folder.

"Wait! mga Parte ng school 'to ah" Anu 'to? Anung gagawin ko dito? "Alam ko na ang mga 'to diba?" Anung sense na kailangan ko pa itong ireview? Eh kahit nga nakapikit kaya ko 'tong Ireview.

Bumaling ulit sya ng tingin sakin "Sabi ni maam Icheck mo daw bawat facilities ng mga yan! Tapos yung pinakahuli yun ang Ireview mo" Paliwanag nya.

Tumango tango nalang ako....Inilipat ko naman sa huling pages Intramurals Activity Ito lang pala.

Easy lang pala ang mga gagawin ko, Ichecheck ko lang naman kung maayos ba ang lahat, Lalo na sa mga laban.

Sana walang mangugulo, Kasi kung nagkataon mabibingo ako nito kay madam principal.

"Nga pala ador, wala bang trabahong binigay sakin nung wala ako?" Tanong ko habang binabasa ang binigay nyang envelope.

"Hmm wala naman, why?"

Umiling iling ako "Wala naman....salamat"

Buti nalang, It means wala pala akong masyadong gagawin dito....Haay salamat :) di na pala ako mahihirapan sa mga sched. na ginawa ko.

"Haay! kapagod!"

"Thanks god! at makakaupo na rin ako!"

"Ang init!"

"Water nga"

"Kapagod!"

Napahinto ako sa ginagawa ko nang biglang pumasok ang ibang SC, San galing ang mga 'to? mukha silang haggard.

"San kayo galing? Mukhang pagod na pagod kayo ah" Takang sabi ko.

Napatingin naman sila sakin at gulat akong binate ng "goodmorning"

"Mukhang marami kayong ginawa ngayun?" Tanong ko ulit pagkatapos ng mahabang kamustahan.

"Madami kasing pinagawa samin sa labas! Nakakapagod!" Reklamo ni drake.

"Tsk!sabihin mo tamad ka lang!" React naman ni shai.

"Nagsisimula ka na naman ha?" Drake.

"Guys tama na pwede, Nakakasakit kayo ng ulo" reklamo ko.

Nag irapan muna sila bago umupo sa mga pwesto nila, Yan ang mga aso't pusa namin...Kahit anung mangyari di sila magkakasundo.

"Ador may tanong ko" Ako habang kunot noong nakatingin sa binabasa kong papers.

"Ano?" Sya.

"Bakit walang pageant dito? bakit puro laro lang? Di ba boring yun" Kasi kung puro laro lang, Baka di masiyahan ang mga students na walang sports na sinalihan.

"Hmm According to madam, Wala munang pageant ngayung taon Kasi Isang araw lang naman daw ang Ibibigay nya satin para sa intrams" Tumatango tangong paliwanag nya.

What the!!!One day lang?? Anung klaseng intrams yun?? Lalong hindi magsasaya ang mga students nito! "My ghad! Di pwedeng One day lang! maraming magrereklamong students nito!" Inis na sabi ko.

Napatingin naman ang ibang SC sakin "Easy lang llian :)) Masyado kang Hot!" Sabat ni charles.

"SHUT.UP!" Madiing sabi ko, Sasabat sabat pa! kung kelan mainit 'tong ulo ko.

Tumingin ulit ako kay ador at naghintay ng paliwanag nya "Yung Ibang araw kasi na dapat para sa intrams ay ginawang mga araw ng Field trip, Kaya for sure mas matutuwa pa ang mga students dun" Field trip? Diba parang mas mahirap pa kung magpaplano sila ng fieldtrip.

Napapailing nalang ako "Di nila alam ang kahalagahan ng Intramurals" Dismayang sabi ko.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora