Chapter 5: He cares.

Start from the beginning
                                    

 

“Nga lang, dahil binasted mo agad ako, hanap na lang ako ng iba pansamantala,” ngiting-ngiti pa rin pero siyang tumayo at inayos ang suot niya. Tapos tinalikuran niya ako at naglakad siya patungo sa kabilang table kung saan nakaupo yung babaeng kanina pa nagpapansin sa kanya. Oh shit! Well I was not prepared for this! And based on what I’m seeing right now, inaaya niya yung babaeng sumayaw. Oh please no… Sana sinakyan ko na lang kasi ulit yung biro-biro niya kanina. Eh di sana nasa tabi ko pa siya hanggang ngayon.

Mukhang di naman nagpakipot yung babae at inabot nito agad ang kamay ni Harold na nakalahad. And hell because it’s killing me! Tapos nagpapainggit pang nilingon ako ni Harold saka niya ako kinindatan bago niya inalalayan yung babae papuntang dance floor.

Shit shit shit lang talaga! Siyempre selos ako noh!!! Nakasunod ang mga mata ko sa kanila na parang gustung-gusto ko nang tumakbo palapit sa kanila at tanggalin ang kamay ni Harold dun sa likod ng putakteng babae kung sino man yun. Arggghhh!

 

“Louise…” di ko namalayang nasa tabi ko na pala si ate Kristelle.

 

“A-ate!” Kanina pa pala kasi ako nakatitig kila Harold na parang susugurin ko sila.

 

“Ayan kasi, di mo sinunggaban agad, napunta tuloy sa iba,” at mapang-asar pang sabi ni ate. Noon pa niya kasi ako inaasar kay Harold eh kahit paulit-ulit ko namang dine-deny.

 

“Ate!” nawindang tuloy ako.

 

“Alam ko kasi Louise, kung maghihintayan na lang kayo lagi---!”

 

“Blablablablabla! I don’t want to hear it ate!” putol ko sa sasabihin pa sana niya.

 

“Hmmppp. Yaan mo, ngayong di mo na siya katabi, may mga mag-aaya na sa’yong sumayaw. Kung makagwardiya naman kasi si Harold sa’yo kanina, parang kayo na talaga,” nakangiting pahabol pa ng pinsan ko bago siya tuluyang bumalik dun sa upuan nilang mag-asawa. Napapailing na lang akong naiwang mag-isa sa table namin. Balik na rin ulit sa may dance hall ang mga mata ko.

Kainis, enjoy na enjoy yung dalawa. At kung makapulupot naman yung mga kamay ng babae sa leeg ni Harold eh sagad na sagad. Sarap nilang tirisin! Grrrr!

 

“Excuse me miss…” natigil ang masamang titig ko when somebody approached me. And sweet! Siya yung kapatid daw ni kuya Lance na kasama dun sa groom's men kanina na suuuuppeeer POGI!!! “Hi!” and ooohhh my gosh! He’s smiling at me! Ang ganda ng medyo singkit niyang mga mata na parang nang-aakit. Oh crap, he could probably his suitable substitute in the mean time! Ahihi!

 

“Ha-hi!”at nag-i-stammer pa talaga ako. Star strucked? Naman kasi eh, poging-pogi talaga. Dagdag pa kasing he looks so dashing in his suit. Pamatay lang talaga!

 

“May I have this dance?” nakaplaster pa rin sa mga labi niya ang pamatay niyang ngiti.

The Basketball Jerk [Ongoing]Where stories live. Discover now