Ako nga pala si Tanga (short story)

40.9K 395 58
                                    

Medyo based sa true story.. 

60% reality 30% fiction 10% kabaliwan ^__^

_____________________________________________________________________________

“Bestfriend!” Shit! Narinig ko nanaman ang sinumpang salita na iyan. Isang salita na habang buhay ko na atang dadalhin. Isang salita na sa bawat pagbigkas niya ay yumuyurak sa aking pagkatao. Isang salita na nagdidikta ng limitasyon ko. At isang isang salita na sampal sa akin dahil sinasabi nito na hanggang doon lang ako.

Ako ang dakilang bestfriend ni Jessie Guevarra. Ang pangalan ko ay Nico Delgado. Simple kaming magkaibigan na minsan nang nagkamabutihan, kaso nauwi sa pagiging matalik na magkaibigan.

Tinanggap ko naman na hanggang doon nalang, pero ang hirap.

Tinanggap ko rin na hindi ako magkakaroon ng matinong relasyon dahil sa salita na iya, (bestfriend.) Sinubukan kong pumasok sa mga relasyon sa ibang babae pero lagi lang silang nakikipaghiwalay sa akin.

Tumatak sa akin ang lahat ng sinabi nila bago sila makipag-break.

"Ako nga kasama mo, siya naman bukambibig mo!!!"- Alice

"Lagi na lang Jessie, Jessie! Mahilig sa spongebob si Jessie! Mahilig sa chocolate si Jessie! Ako ba Nico?! Alam mo ba ang hilig ko?!" -Joanna

"Sinasabi mong mahal mo ako, pero bakit parang feeling ko hindi ako ang mahal mo?" -Liz

"Yung babae ba na yun o ako???” (hindi ako nakasagot) “I thought so.." -Jenny

"Mali ka ata ng niligawan!! HINDI JESSIE ANG PANGALAN KO!" -Claire

"Isang tawag niya lang lalayasan mo na ako." -Pia

"MAGSAMA KAYO NG BESTFRIEND MO!!!!" -Quinn

Yung tatlo pang natitira ay sinampal nalang ako ng malakas sa harap ni Jessie.

Ang problema ko kasi ay pino-project ko sa iba ang pagmamahal ko na hindi ko maipakita sa kanya. Tapos pag namomroblema ang BESTFRIEND ko ay kayang kaya kong iwanan ang girlfriend ko para lang samahan siya. Ganoon ako katanga pagdating sa kanya. Hindi ko na kailangang sabihin dahil halata naman na, na mahal na mahal ko siya.

Alam niyo na ang sitwasyon ko.

Mahirap dahil hindi ko mailabas ang tunay kong nararamdaman.

Masaya dahil lagi ko siyang nakakasama.

At masakit dahil lagi lang akong pangalawa.

“Jessie bakit?” tanong ko sa kanya paglapit na paglapit niya sa akin. Nandito kami ngayon sa tapat ng library, isang Lunes ng hapon. Uwian na.

“Wala naman, kamusta ka?” tanong niya sa akin ng nakangiti.

“Eto pauwi na ako,” sabi ko sa kanya.

“Sabay na tayo!” sabi niya sa akin sabay yakap sa braso ko.

Isa lang ang dahilan kung bakit sumasabay sa akin papauwi si Jessie. It’s either absent ang boyfriend niya o may ginagawa pa iyon. May kaso rin na nagbreak na sila, kaso ang lalapit sa akin noon ay isang umiiyak na Jessie.

Sa totoo lang ayaw na ayaw kong nagkakasabay kami pauwi. Sa buong paglalakad kasi namin ay puro pangalan lang ng boyfriend niya ang naririnig ko. Kesyo sweet daw, malambing, gwapo, matalino at kung anu-ano pa.

Naglakad na kami papalabas ng school at papunta sa sakayan ng jeep nang nagsimula na siyang magkwento tungkol sa perpekto niyang pangatlong boyfriend.

“Alam mo ba si Ken, binili ako ng Hershey’s kanina dahil depressed ako sa kinalabasan ng exam namin sa Science.” Sabi niya habang nakangiti na parang nasa alapaap.

“Ganun?” halatanng wala akong ka-interes-interes pero hindi niya napapansin.

“Oo, tapos may nakalagay pa na note,” sabi niya habang humihigpit ang kapit niya sa braso ko dahil kinikilig siya.

“Sabi niya ‘Aral ka ng mabuti para sa future natin, better luck next time’ tapos may smiley face,” napatili pa siya sa sobrang kilig.

Sampal sa akin ang bawat kabaduyan na kwento niya. Tumawa na lang ako na pilit. Nagpatuloy siya sa pagkwento. Pero puro “blah blah blah” nalang ang pumapasok sa tenga ko. The same usual story of how the guy is better than me because he has the girl that I love, ayun ang lagi kong naririnig.

"Tapos... Si Ken super love niya ako.. Tapos ng talino ni Ken sa math.. Tapos ang galing niya kumanta.. Tapos... blah.. blah... blah... Ken... Blah.. blah... blah..." her stories were getting in my nerves. Naiinis na ako.

Hinatak ko ang braso ko papaalis mula sa pagkakapit niya at sinabi ko, “Naku bahala ka na siyan, ewan ko sa iyo.” Kalmado kong sinabi iyon at tumakbo ako papalayo para hindi niya ako maabutan. Sawang sawa na ako. Hindi ko na kaya!

Parang tinatapakan ang pagkalalaki ko sa bawat kwento na naririnig ko.

Hindi ko na siya kayang pakinggan pa! Ayaw ko na!

Nakauwi na ako sa bahay at nakita ko na mayroon akong forty eight messages na mula sa kanya.

"Uy bes, bakit ano ngyri syo?"

"Bes galit ka ba??"

"Bes reply ka naman oh.."

"Bes may nagawa ba akong mali?"

"Bes sorry na.."

"Bes please mag reply ka naman oh.. bes.."

"Bes naiiyak na ako dito.. bakit ba kasi?"

"Bes."

"ui.."

And the rest is puro pangalan ko nalang at crying face. Dinelete ko na alng mga text niya.

***

Kinabukasan pagkatapos ng klase ay nagpunta ako sa rooftop ng main building sa school namin. Umupo lang ako doon at tahimik na nagpahangin habang nakatitig sa kawalan. Tapos bigla nalang akong may narinig na nagsalita.

“Sabi ko na nga ba at narito ka eh,” hindi ko na kailanagang tumingin para malaman kung sino ang nagsalita. Boses niya palang ay alam ko na. Si Jessie.

Tumabi siya sa akin.

"Uy.. Nico.."

"Please.."

"Nico.."

"Please.."

Bawat salita niya ay nagbabago ng tono ang boses niya, papalapit na papalapit sa naiiyak na tono. Hindi ko siya pinapansin hanggang sa naluha nalang siya. Narinig ko siyang umiiyak. Hindi ko siya natiis kaya tumingin ako sa kanya. Kinuha ko ang panyo sa wallet ko para punasan ang luha niya.

Kahinaan ko talaga ang pag-iyak niya.

“Bakit ba kasi nagagalit ka sa akin?” humagulgol lang siya.

Wala pa rin akong imik tapos bigla ko nalang siyang hinalikan. Natigilan siya sa pag iyak. At mukhang gulat na gulat siya sa ginawa ko.

Tumayo ako at sinabi ko, “Sorry,” tapos nagmadali akong umalis.

______________________________________________________________________________

trip ko lang po itong gawin eheheheh

Ako nga pala si Tanga [Edited] [Completed]Where stories live. Discover now