Nag-umpisa na ang lahat sa paghuhukay maliban kay Jenna. " Dito ka mag-dig girl! Hurry up!" Pag-uutos nya sa alalay nyang si Paula. Bat kaya nya hinahayaan na utusan sya nang Jenna na yan?
Nagpasya na lang ako na hayaan sya sa panga-alila nya sa 'friend' daw nya. Kaya ayoko sa mga kaibigan eh, ok na akong mag-isa kesa magkaroon ng isang pekeng kaibigan. Wala nang true friendship ngayon, tulad ng paniniwala nila sa love na yan.
Napako ang tingin ko sa tanging pekeng bulaklak na nakatanim sa isang paso. Bakit naman kaya sila magtatanim ng isang pekeng bulaklak dito sa glass garden.
"My Love!"
" Ay bulaklak!" Nahampas ko nang malakas tong papansin na lalaking gumulat sa akin. Tuwang tuwa naman sya at may pa hawak hawak pa ng tiyan nya habang tumatawa.
"Nakakainis ka talaga!" Iniwan ko na sya dun na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa at pumunta sa bulaklak na nakita ko.
Bahala syang magmukhang tanga dyan. Lakas mantrip! Bat kaya hindi na lang nya lapitan yung mga babae nya dito sa school, siguradong papansinin pa sya nun. Kasi sakin, wala syang mapapala.
Umupo ako sa harap ng fake flower na nakita ko. Kung hindi mo kasi titignan ng mabuti ay hindi mo mapapansin na peke sya. Hindi ko rin alam kung pano ko napansin yun.
"Huh? Peke to ah" nakaramdam na naman ako ng pag-akbay ng epal na lalaking si Dave.
" So, tapos ka na pala tumawa?" Naka-taas na kilay kong sabi sabay tanggal sa pagkaka-akbay nya sakin.
"Oo nga eto lang yung pekeng bulaklak dito, nakakapagtaka" sabi ni Dave nang umupo at matitigan ng maayos ang bulaklak sa paso
"Hukayin ko" agad kong sambit saka inayos ang gloves na suot ko at nag umpisang mag hukay.
Inumpisahan ko na yung paghukay at nagulat kami nang meron ngang isang card na nakadikit sa dulo ng root nito.
"Galing mo talaga my love!" Tuwang sabi ni Dave at akmang yayakapin ako. Napa-atras ako agad at pinakitaan sya ng kamao.
Natatawang napalayo sya at saka ko inabot sa kanya yung clue para masabi nya sa leader namin.
Malapit na kami sa huling challenge. Medyo malayo ang huling destination namin dahil ayon sa clue ay dun ito sa rice field.
Buti na lang talaga naka-plastic boots ako na binili sa akin ni tatay. Mababa lang naman yung boots kaya hindi masyadong mabigat.
"May isa pa akong joke sayo my love!" Pangungulit nya sa akin. Kanina pa sya paulit-ulit na nagjo-joke na lahat puro waley.
"Last na to pramis my love!" Patuloy na pangungulit nya sakin.
"O sige na para tumigil ka lang"
"Boy: Nay! Muntik na ako maging top one sa klase!
Nanay: Ba't mo naman nasabi?
Boy: Ini-announce kasi kanina yung top one sa klase. Ang tinuro ni Ma'am yung
katabi ko... Muntik na ako! Hahaha ganda diba?" Sobrang lakas pa ng tawa nya nang matapos nyang banggitin yung 'Joke' daw nya na yun. Hay naku! Nagmadali na akong maglakad at nilagpasan sya habang tawa pa rin sya ng tawa.
Nakakasira talaga ng mood yung mga joke nya eh.
Habang naglalakad ako ay kinabahan ako nang biglang sumulpot sa magkabilang-gilid ko sila Jenna.
"Enjoy the moment while it last" mahinang sabi ni Paula. Napayuko ako nang hawakan ako ni Jenna sa aking braso.
"Masyado ka atang nage-enjoy kasama si baby Dave ko ah. Konti na lang magagalit na ako sis. At sinasabi ko sayo hindi mo magugustuhan ang maaari kong gawin kapag galit ako" mahina ring sabi nya habang unti-unting bumabaon ang mahahaba nyang kuko sa braso ko.
Natapos ang game nang araw na yun na hindi ko na pinapansin si Dave. Kapag palapit sya ay agad na akong lumalayo, na naging pagkakataon naman nila Jenna na makalapit sa kanya.
Hindi kami nanalo sa challenge dahil sa tagal nila Jenna na maglakad. Mag-heels ba naman kasi sa farm dba?
Matapos ang lahat ng activities at makapag-hapunan, katulad ng nakaraang gabi ay nagpalipas muna ako ng oras sa glass garden.
Hihintayin ko na lang na makatulog sila Jenna bago ako pumasok sa room. Ayoko naman kasi na mapag-tripan na naman nya. Minsan kasi kahit feeling ko immune na ako o sanay na ako sa pambu-bully nila ay hindi ko pa rin maiwasan na malungkot at masaktan nang dahil sa pangyayari.
Palagi ko na lang iniisip na ano ba yung nagawa ko para tratuhin nila ako nang ganito.
Sana matapos na yung retreat namin na ito. Dito ko hinihiling na sana mabilis lang lumipas ang mga oras.
Kinabukasan ay maaga kaming ginising ng katiwala sa farm. Maaga daw magu- umpisa ang mga activities namin ngayong araw. Isa sa kabilin-bilinan nila ay ang pagsuot ng kumportableng damit.
Umagang umaga ay grabe ang pagkaka ngarag ng mga kasama ko sa kwarto. Kahit na sinabing magsuot ng kumportable ay ayun sila at suot ang mamahaling designer clothes. At busy sa paglalagay ng kolorete sa mukha.
Agad na akong tumayo at dala ang mga gamit kong pangligo. Isa lang ang CR dito sa kwarto at napakatagal pang maligo nung dalawa kong kasama. Kaya ngayon pa lang din ako makakaligo, mukhang di ako makakapag agahan, magdadala na lang siguro ako ng kahit isang snacks para may makain mamaya.
Napahinto ako sa paliligo nang biglang may kumatok sa pinto ng CR.
"Sis Krystal, the time for us to prepare and eat our breakfast is extended pala. The activities will start daw at 7 am. I advise you to make sabon all your body so you won't stink later sa activities, okay?" Rinig kong sabi ni Jenna mula sa pinto saka ang hagikhikan ng mga kasama nya pa sa labas.
"Hello?! Are you like bingi?" Malakas na pagtanong nito nang di ako makasagot agad.
"Ay.. uhmm okay sige. Thank you for informing me" sagot ko sa kanya.
"Whatever!" malakas nitong sabi saka muling tatawa tawa na lumabas sa room namin. Rinig ko pa ang lakas ng tawanan nila hanggang sa sumara ang pinto.
Di ko alam kung maniniwala ako dahil nagtatawanan sila nang sabihin nila iyon pero mukhang di naman nila gagawin sakin yung ganung panloloko. Madalas ay puro banta lang naman sila at pagu utos slash panga alipin.
Kaya napagpasyahan ko pang matapos ang lahat ng seremonyas ko sa cr bago ako makalabas. Medyo mahaba pa naman kasi ang oras bago ang umpisa ng activities.
Suot ang Louis Vuitton overalls at white t shirt also from the same brand ay nagsimula na ako mag ayos ng gamit. Una ay sinuot ko ang napiling shoes na LV Archlight sport shoes saka nagsuklay at kumuha ng isang ponytail. Inilagay ko lang ito sa wrist ko saka ako kumuha ng isang chocolate bar at lumabas na ng kwarto.
Sana naman ay mas maayos itong araw na ito para sa akin. Please Lord!!
YOU ARE READING
Only Exception
RomanceI don't believe in any kind of love.. A love for a friend? Love from a family? Love for your pets? and most especially a LOVE FROM A PERSON that is not even related to you.. but there is this one boy who keeps on sneaking inside my life and my he...
Chapter 7
Start from the beginning
