Chapter 6

32 2 0
                                        

Hapon na nang makarating kami sa isang retreat house at tama nga dahil nasa gitna ito ng isang farm.

Mga 10 minutes pa ang byahe mula sa gate hanggang sa retreat house.Nang makumpleto ang pagdating ng lahat ng bus ay agad kaming pinapila base sa section namin. Kaya naman pansamantala akong nakahinga ng maluwag dahil di ako makukulit ni Dave.

Pagkatapos ng orientation ay inumpisahan na agad ang pagto-tour sa amin sa farm. Retreat house pala talaga ito pero hindi sakop yung farm sa mga pinapagamit sa mga nagre-retreat, pinaki-usapan lang pala ng management ng school na kung pwedeng gamitin din yung farm para sa mga activities namin.

Nang matapos ang pag-tour samin ay pa-gabi na rin. Hiwa-hiwalay ang tulugan ng mga babae at lalaki. Pati yung dining at kitchen area ay sa isang bahay dito sa farm.

Sinabi na rin samin ang room number namin, kaya naman nagpa-iwan na lang ako dito sa may glass house kung saan nakatanim yung mga bulaklak.

"BULAGA!"

Napatili ako nang dahil sa nang-gulat na yun at napaupo sa may lupa. Buti na lang di ako bumagsak sa mga nakatanim na bulaklak. Agad kong tinignan yung mukha ng walang hiyang gumulat sa akin.

"Ikaw na naman?! Di mo ba ko titigilan ah!!" Sigaw ko sa kanya. Tumawa lang sya nang tumawa at mukhang walang balak na tulungan akong tumayo.

Tumayo na lang ako mag-isa at agad na lumakad paalis sa glass house na yon. "Wait my love!" Pagtawag nya sa akin.

Lumingon ako sa kanya nang masama ang tingin, naiinis na talaga ako sa kanya " Ano bang problema mo ah? Tigilan mo nga ang pagpansin sakin" malakas na sigaw ko sa kanya.

Lalo akong nainis nang makita ko na pinipigil nya ang pagtawa nya. " Why my love? I just miss you!" Natatawang sabi nya .

Bwisit talaga to oh! Bakit ba trip na trip nya ako!? Wala akong mapapala sa kanya kaya nagmamadali akong umalis. Rinig ko pa ang natatawa pa ring tawag nya sakin pero di ko na yun pinansin.

Dun na nga lang ako sa room ko. Panigurado hindi nya ako masusundan dun kasi bawal ang mga lalaki sa house na tinutulugan ng mga girls. Tig-apat lang ang pwede kada-kwarto kaya medyo maluwag pa talaga yung room.

Nang makarating ako sa room namin ay binuksan ko na agad yung room kasi nakikita ko na sinusundan pa rin ako nung Dave na yun.

"Oh what a bad coincedence"
rinig kong sabi ng boses mula sa room.

Nakita ko na ang tatlo pa palang makakasama ko sa isang kwarto ay sila Jenna at dalawa nya pang kaibigan na sila Fritz at Paula.

Gosh, akala ko pa naman makakaligtas na ako sa kanila kasi hindi na naman nila ako kinausap o binully matapos nung pagka-usap nila sakin sa bus.

Yumuko na lang ako at dire-diretsong pumasok papunta sa tanging bed na bakante.

Sa tabi ng bed na yun ay yung mga maleta ko.

"Hi Krystal! Pwedeng humingi ng favor?" Narinig kong sabi ni Jenna mula sa likuran ko.

Agad naman akong humarap sa kanya na ngayon ay nakangiti sa akin. "Pwedeng pagtabihin mo yung mga bed namin? Gusto kasi namin matulog ng tabi tabi eh" pag-uutos nya sa kin.

Ano?! Ako? Bakit?

Napaharap naman ako kay Fritz nang magsalita sya " Napagod kasi kami sa byahe tsaka na bored kami kanina. Ikaw na mag-usog ng bed ah" malambing pang sabi nya.

"At tsaka paayos na rin ng mga damit namin sa cabinet. Thank you Krystal, ambait mo talaga. " sabi naman ni Paula.

Sabay sabay naman silang umupo sa sofa na kaharap ng mga bed at parang pagmamasdan nila akong sundin ang utos nila.

Only ExceptionWhere stories live. Discover now