Chapter 2

32 2 0
                                        

Matapos ang klase namin ay agad din naman akong nakauwi sa bahay namin.

Kelangan ko talaga ng tulong ni mommy or daddy kasi malakas sila sa principal. Baka sakaling payagan ako na hindi sumama sa retreat na yun.

"Good afternoon po, young lady" bati sa akin ng maid at kinuha nya ang bag ko.

"Andito ba si mom or dad?" tanong ko rito habang lumilinga linga, naghahanap ng anino ni mommy or daddy.

"Wala po young lady" agad namang sagot sa akin ng maid habang nakayuko. Hindi ko na rin naman sya tinanong pa at umakyat na ako sa kwarto ko.

Dito kasi sa bahay na ito, kahit na marami kaming kasambahay, ay sobrang tahimik. Batas kasi ni mommy na bawal makipag-kwentuhan ang mga maid sa amin, lalong-lalo na ang kumausap nang hindi nakayuko. Bawal sila makipag eye to eye contact sa amin ganun.

Kung itatanong nyo kung pano kapag wala sila mom and dad dito ay ganun pa rin sila makipag-usap. Katulad kanina, nakayuko lang sya habang kinakausap ko sya.

Ganun kalungkot ang bahay na to. Wala lagi sila mommy tapos wala pa akong maka-kwentuhan dito o mapaglabasan ng sama ng loob. I just chose to obey mom's laws dahil pag nalaman nya na may lumabag dito, kahit na ako ang pumilit sa maid, ay tinatanggal nya pa rin ito.

Hihintayin ko na lang na umuwi kahit sino sa parents ko para kumbinsihin silang kausapin ang principal.

Pero umabot na ng 12 midnight ay wala pa ring umuuwi maski isa sa kanila. Hindi na ako makapag-intay kaya kinuha ko agad ang phone ko at una kong dinial ang number ni dad.

After four tries ay finally sumagot na rin sya.

"Hello! Who's this?" Pagsagot ni daddy sa kabilang linya.

"Dad, I'ts me. Di mo pa rin pala sine-save yung number ko. Buti pa investors mo naka-speed dial sa phone mo" malungkot kong sabi. Palagi na lang ganito pag tumatawag or nagte-text ako sa kanya. Palagi nyang tinatanong kung sino ako.

"I don't have time for dramas. You want money? I'll send you a new credit card later ok? Don't disturb me, Im a busy man ok" tuloy tuloy na sabi ni dad, di man lang ako makasingit.

"No dad, I have other--"

"Please go ask your mom about that ok? I'm busy and don't wait for me Im not going home tonight bye" paalam nya at agad nyang binaba ang tawag.

Tsk, bat ko pa kasi sya tinawagan eh palagi naman sya busy. Siguro bukas ko na lang iintayin si mom para mapilit ko sya na pumunta sa school. Kelangan ko nang matulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas. Itutulog ko na lang to.



Bago ang nakakatakot na farm life for a week ay katakot-takot na examinations muna ang haharapin ko.

Since, graduating students kami ay kelangan namin ng mahabang preparation for graduation at dahil din sa gaganapin na retreat namin ay napaaga ang final examinations namin.

3rd week of february ay ang final examinations namin. Since first week pa lang, kaya busy ang lahat ng graduating students sa lahat ng projects.

PROJECT ang pinaka-ayaw kong part ng panget na highschool life ko. Dito ko lalo nare realize gano ako ka-lonely sa buhay.

Katulad na lang ngayon, as usual nandito ako at naka-upo sa usual spot ko habang ina-announce ng teacher namin sa filipino ang final project namin.

" Ok class ipapaliwanag ko sa inyo ang ibibigay ko na panghuling proyekto. Kailangan nyong gawan ng isang presentasyon ang kabanata ng el filibusterismo na iaatas ko sa inyong grupo. Hahayaan ko na kayong mamili ng inyong ka-grupo, hanggang tatlong myembro lang ang pwede." Pagpapaliwanag sa amin ng teacher namin.

Only ExceptionWhere stories live. Discover now