"WALANGYA KA TALAGANG LALAKI KA...." ang aga-aga bunganga na agad ng mama ko ang alarm clock ko.
Ganyan lagi sila araw-araw, maya-maya at gabi-gabi. Parang pagkain na sa kanila ang paga-away, may breakfast, lunch, dinner at minsan midnight snack na rin.
" NAPUPUNO NA KO SAYO AH!!.. " sabi naman ni papa sa kanya. Kabisado ko na nga minsan ang mga sinasabi nila.
Sa araw araw ba naman kasi hindi sila nakakapag-move on sa away nila. Mula nang magka-isip ako ay ganyan na sila.
Kaya siguro ako lumaking ganito. Hindi naniniwala sa LOVE. Since birth kasi siguro wala akong love na nakagisnan.
LOVE FROM MY PARENTS? Di ko yan naranasan, obvious naman siguro dba? Madalas sila mom and dad na nasa sarili nilang mga kompanya. Tama, may sarili silang mga kompanya na pinamamahalaan kaya ang yaman ko sa materyal.
Pag umuuwi naman sila dito, ganyan sila lagi.. Naga-away lang. Ayaw kasi nila malaman ng ibang tao na sira ang pamilya naming ito. Sirang-sira.
Paano nga naman kasi sila magmamahalan eh arrange marriage lang naman ang nagbuklod sa kanila.
LOVE FROM RELATIVES? Ano ba yung relative? Hindi ko alam ang meaning nyan dahil wala namang ganyang word na nage-exist sa angkan namin. Ang turingan ng bawat isa ay parang bussiness partner lang na kelangan nilang utakan at gamitin. Kaya siguro pati sa mga pinsan ko hindi ako pinapalapit nila mom.
LOVE FROM FRIENDS? 13 years old ako nang payagan ako nila mom na mag-aral sa ordinaryong school. Since childhood kasi ay home schooled ako. Walang ibang nakikita kundi ang mga yaya at ang mga teachers ko na pumupunta sa bahay namin.
I tried many times na makipag-kaibigan sa mga teachers ko and even our housemaids pero pag nalalaman nila dad na kinakausap ko sila the other day ay fired na sila agad.
Kaya since then I chose to isolate myself from everyone. Mapapahamak ko lang sila at mawawala lang din naman sila sa buhay ko, so why bother getting close to them?
I also tried to gain friends when I entered into normal schooling. Pero since hindi ako mahilig sa mga mamahalin at branded na mga gamit, my classmates started bullying me. This is my last year in highschool, and by this year I am thinking on getting back to homeschooling.
Pero sana this time may isang bagay ang pipigil sakin sa tuluyang paglayo sa mga tao.
And oh, last three months na lang at ganun pa rin ang naiisip ko. Sana talaga sa loob ng 3 months na ito ay may makapagpabago ng isip ko.
"Mom, Dad alis na po ako" pagpapaalam ko pero wala namang pumansin sa akin, patuloy pa rin sila sa pagbabangayan nila.
And before I forgot, I am Krystal Jade Quiro and I am a highschool student at Freen Academy. A loveless person.
Maya-maya ay dumating na rin ako sa school gamit yung kotse na niregalo sa akin ni dad, pero since minor pa ako ay naghire sila ng driver.. AKO pala kasi niregaluhan ako ni dad pero di nya naisip na minor pa ako at walang license kung di ko pa sinabi sa kanya. Cool dad, right? No.
As usual walang pumapansin sa akin dito sa school. Di ako katulad ng iba na famous, at honestly walang GUSTONG pumansin sa akin.
Akala kasi nila hindi nila ako ka-level. Poor girl kung tratuhin dito kahit na mas mayaman pa ako sa karamihan sa students dito.
Hindi na rin bago sakin, sa bahay invisible ako.. At pati dito sa school invisible din.
Pagkarating ko ng classroom ay umupo na ako agad sa pinakadulong upuan sa pinakahuli ding row.
Ganito ako tuwing di pa nag-uumpisa ang klase.Tahimik na nagmamasid sa mga classmates ko na excited pumasok sa araw-araw, di ko na tina-try na lumapit pa sa kanila. I just chose to isolate myself from everyone since napapansin ko na lumalayo sila sakin, why not helping them right?
YOU ARE READING
Only Exception
RomanceI don't believe in any kind of love.. A love for a friend? Love from a family? Love for your pets? and most especially a LOVE FROM A PERSON that is not even related to you.. but there is this one boy who keeps on sneaking inside my life and my he...
