Chapter 5

23 2 0
                                        

Maaga pa lang ay nasa byahe na kami papuntang school. Madilim pa sa labas dahil 4 am pa lang nang umalis kami sa mansion ni tatay Jun.

Sya ang maghahatid sa akin dahil as usual tulog pa sila mommy at wala silang pakielam kung anong gagawin ko.

Nagpaliwanag si mommy kagabi na kaya hindi sya nakapunta ay inaya sya ng kanyang mga amiga na magpa-parlor. Well, I know na nakalimutan nya naman talaga na nakapangako sya sa akin.

Habang nasa byahe papuntang school ay panay pa rin ang bilin at payo sa akin ni tatay sa mga maaari kong gawin at matutunan sa farm. Kaya naman naging masaya yung paghatid nya sa akin.

Nang makarating na kami sa school ay muli na naman akong kinabahan. Kagabi nga hindi ako masyadong nakatulog dahil sa kaba na baka may balak na prank yung mga classmates ko sakin.

"Ms. Krystal naibaba ko na po lahat ng mga gamit nyo" magalang na sabi sa akin ni tatay Jun na nasa likod ko.

Agad akong humarap sa kanya at nagpasalamat. Nakapagpaalam na ako sa kanya sa loob ng kotse, baka kasi may makakita at tanggalin sya ni mommy sa trabaho nya.

"Dadalhin ko na po ito sa bus na sasakyan nyo" nakayukong sabi nya at isa-isa nang itinulak ang mga bagahe ko papunta sa bus.

Hightech yung bus na sasakyan namin dahil sa laki nun ay sampu lang ang pwedeng sumakay.

Malaki ang mga seat na parang first class seat sa airplane ang style. Meron din itong mga double deck beds na pwedeng tulugan habang nagba-byahe pero medyo maliit talaga. May Cr, ref at may wifi ang bus. Malakas din ang aircon and tinted ang mga bintana.

Talagang sinigurado nilang comfy yung bus kasi mukhang eto na yung last taste of fortune namin for a week.

Dahil sa wala na rin naman akong magagawa dahil hindi nga sumipot si mommy sa school ay dapat ko nang gamitin ang fame na meron sila.

Kahit na maraming pinadalang comfy na damit si tatay ay nagdala na rin ako ng mga natitira ko pang branded clothes and bags.

My luggage is the Louis Vuitton's Leather Luggage that costs $60,000, and I brought 3 of them.

Well, lahat ata ng bags na bigay sakin ni mommy ay from louis Vuitton, why not use this things since I found out that they've been bullying me because they think that Im a nobody, when in fact I am way richer than them.

I just seated in my place and decided to feel this peace. I put on my earphones and just wanted to be in my own world.

"How many luggages that you make bitbit girl?" Rinig kong tanong nang matapos ang kanta sa phone ko.

I turn down the music and eavesdropped to them. Im just curious on what Jenna would answer to them. And yeah, I know that they are the ones talking from my back based on their perfumes. Masyadong matapang for a girl.

" I bought four luggages with me" rinig kong tanong ng isa mga mga friends slash alalay nya.

"But, we are only allowed to bring 3 luggages dba?" Tanong naman ng isa pa nyang alalay.

"Yeah, but you know naman ang lakas ng mommy ko dito kaya pinayagan akong magdala ng isa pang luggage. Hindi naman talaga kasi enough yung three luggages for my branded clothes, my chanel shoes and my make ups" mayabang na sabi nya. Tsk.. Kelangan talaga sinasabi pa na branded yung gamit nya?

Well, just wait and be mesmerized sa mga expensive things na dinala ko.

" Can I seat beside you?" Napamulat ako nang biglang may magsalita sa gilid ko.

"What are you doing here?" Inis kong tanong sa pesteng lalaki na nakatayo sa may gilid ko.

Parang wala syang narinig at tuloy pa ring umupo sa vacant seat sa tabi ko. Dalawa lang talaga ang seat at may limang tig-dalawa pa na pwedeng upuan ng mga students.

Only ExceptionWhere stories live. Discover now