Pinakilala ako ni mommy sa mga business partners nya. And as usual, may nirereto na naman sa akin yung business partner nya. Ganito na siguro talaga ang buhay ng mga anak mayaman, hindi lang produkto ang binebenta kundi pati ang buhay at kasiyahan ng mga anak nila.
Nasanay na akong mag-isa, and being lonely is what makes me happy. Dahil kapag mag-isa ako ay ako lang ang kumokontrol sa lahat ng mga gagawin ko. I am free, I can do whatever I want without thinking of bringing a disgrace to our family's name.
Kaya naman mas gusto ko na ako lang mag-isa kesa naman may kasama ako pero kailangan kong magpanggap na graceful or mahinhin when in reality I just want to move carefree.
Pauwi na kami ngayon ni mommy at habang magkatabi kami pauwi ay panay pa rin ang text at tawag nya sa kung sino sino. Siguro ngayon ko na dapat sabihin sa kanya yung favor ko. Amiga nya kasi ang asawa ng may-ari ng school namin, kaya siguro naman papayagan akong hindi sumama kung sya ang makiki-usap sa kanila.
Nang ibaba nya sa wakas ang phone ay agad ko nang sinabi ang favor ko sa kanya.
"Ahmm.. Mommy can I ask you a favor?" Tanong ko sa kanya. Agad naman sya humarap sa akin.
" Sure Krystal, what is it?" Sagot nya habang busy pa din sa kanyang phone.
"Ah.. Mommy kasi meron po kaming retreat. I just wanna ask you if you could speak to our principal to exemp--" naputol ang pagsasalita ko nang tumunog ulit ang kanyang phone at agad nya naman itong sinagot.
"Oh amiga?!" Puno ng energy nyang bungad sa kausap. Kung hindi ko pa sasabihin sa kanya ngayon baka hindi ko na talaga masabi sa kanya. Sa sobrang busy nila ni daddy ay baka retreat na namin ay hindi ko pa sila ulit nakikita.
So, kinausap ko sya habang may kausap sya sa telepono. "Mommy.. Can you go to my school and ask the principal to exempt me on that retreat?" Tanong ko sa kanya. Naghintay ako ng sagot pero parang wala syang narinig dahil patuloy pa rin sya sa pagkausap sa phone nya.
"Mommy please!" This time ay may kasama nang kalabit ito.
"Mommy hear me out!"
"Mom!"
"Gosh Krystal! Will you behave?! Im talking to an important investor!" Pasigaw nyang sabi sa akin. Ano ba yan? Ayoko talagang sumama sa retreat, I will surely be bullied there.
So, I decided on pissing her off para pumayag sya.
"Mommy!!"
"Mommy please, listen to me!"
"Okay!! okay!! Gosh! Just stop disturbing me!" Pagpayag nya rin kalaunan.
"Yes! Thanks! I'll expect you tommorrow at school. That is the last day of payments and giving of waivers" masayang sabi ko sa kanya.
Ngayon lang kasi pumayag si mom na sundin yung mga hinihiling ko. Nakawala din ako sa supposed to be nightmare na yun.
Dahil sa pagpayag ni mommy ay masaya akong natulog nang araw na yun.
Maaga ang klase ko ngayong araw at maaga rin ang dissmisal dahil huling araw na ng final examination naming mga graduating students.
Hanggang 11 am lang ang lahat ng mga graduating students para na rin makapag-prepare kami sa gaganaping retreat sa susunod na araw. Ginawa kasi ng school na rest day bukas para mapahinga na namin ang katawan namin, dahil for sure ay magbabanat kami-- I mean sila pala para sa gaganapin na retreat.
Nang matapos ang lahat ng klase ko ay agad akong dumiretso sa may guard ng entrance ng school. Tatanungin ko lang kung dumating na si mommy para kausapin yung principal namin at i-excuse ako.
YOU ARE READING
Only Exception
RomanceI don't believe in any kind of love.. A love for a friend? Love from a family? Love for your pets? and most especially a LOVE FROM A PERSON that is not even related to you.. but there is this one boy who keeps on sneaking inside my life and my he...
