Bukas na yung retreat namin at simula kagabi ay hindi ko pa rin pinapansin o kinakausap man lang sila mommy at daddy.
And as usual din, wala silang pakialam kung hindi ko sila pansinin forever.
Hindi na rin ako nanghihingi ng kahit na ano sa kanila. Tutal pinagpapaguran naman nila yung pera at mas pinaglalaanan nila yun nang oras kaya dapat lang na sa kanila na din yun.
Iyon na lang yung gawin nilang anak.
May naipon naman ako mula sa mga kung ano-anong bagay at pera na binigay nila sa akin kaya naman iyon na yung ginagamit ko na pang-gastos.
Binenta ko yung mga designer bags, killer heels, and branded clothes na mga binigay nila na kelan man ay hindi ko balak suotin.
Di bale nang magmukha akong katulong pag papasok ako sa school dahil sa payabangan at pamahalan nilang OOTD's ayos na rin sa akin.
Matapos kong makapag-ayos ay agad na akong bumaba para makapamili na ako ng mga dadalhin ko sa retreat namin. Bilin sa amin ng adviser namin na wag kaming magdadala ng mga pagkain dahil may hinanda daw yung may-ari ng farm na kakainin namin.
"Goodmorning Ms. Krystal" nakayukong bati sa akin ni Tatay Jun.
Agad naman akong sumakay sa backseat ng kotse at mabilis din itong pinaandar ni Tatay Jun.
Nang medyo makalayo na kami sa mansion ay nag-umpisa na kaming mag-kwentuhan. Iyon ang plano namin ni tatay, na ang trato nya sa akin sa bahay ay iba kapag nasa labas na kami. Pwede ko daw syang maging kaibigan at maging tatay na rin na sobrang ikinatuwa ko.
"Hay naku anak, isang linggo ka pa lang mawawala dito sa mansion ano? Mami-miss kita panigurado, kahit na ngayon lang tayo nakapag-usap nang ganito" medyo madamdaming sabi ni tatay.
Napatawa naman ako nang makita kong punasan nya ang nakatakas na luha sa kanyang isang mata. " Grabe naman po kayo tay, sandali lang naman po yun. And promise ko po sa inyo na pagkabalik ko galing retreat ay pupunta po tayo kay nanay para makilala ko na po sya" sabi ko.
Agad na nagliwanag ang mukha ni tatay at ngumiti sya. " Ay naku anak, sabik na sabik na nga iyong makilala ka eh. Kinwento kasi kita sa kanya kagabi at kaninang umaga. At tuwang tuwa sya sayo at napakabait mo daw na bata" sabi nya sa akin
"Talaga po? Gusto ko na rin po sya makita pakisabi po na pagbalik ko ay pupuntahan ko na po sya" nakangiting sabi ko sa kanya. Sa kwento pa lamang ni tatay ay alam ko na, na malambing, maasikaso at napakamapagmahal ng asawa nya. Kaya excited ako na makilala si nanay.
"Ay naku, matutuwa talaga yun. Nagpupumilit nga kagabi na ipakilala kita ngayong araw sa kanya. Buti na lamang ay naintindihan nya na kelangan mo ng paghinga dahil may retreat kayo bukas" masiglang sabi ni tatay.
"Excited na nga po ako na maramdaman yung alagang nanay. Ayoko naman po talagang sumama dito eh, kung tumutupad lang talaga nang pangako si mommy" pagsu-sumbong ko kay tatay.
"Baka naman busy lang anak. Para naman sa ikabubuti mo ang pagta-trabaho nila eh" pagtatanggol nito.
"Para sa ikabubuti ko o para may maipagyabang sila sa mga fake friends nila?" Pabulong ko lang na sagot kay tatay.
Maya-maya ay nakarating na kaming mall at agad kaming dumiretso ni tatay sa department store. Sabi nya ay sasamahan at tutulungan daw nya akong bumili ng mga gamit na makakatulong sa akin sa farm.
Marami-rami din kaming napamili tulad na lang ng mga ointment na magagamit ko daw kapag napagod ako sa farm o kaya may kumagat sa aking lamok o langgam.
Binilhan din nya ako ng mosquito repellant daw. Kulay violet ito tapos paikot ang style. Katol daw yun sabi ni tatay, mas effective daw yun kesa sa mga pinapahid na insect repellant, tinuruan din nya ako kung pano ito gamitin.
YOU ARE READING
Only Exception
RomanceI don't believe in any kind of love.. A love for a friend? Love from a family? Love for your pets? and most especially a LOVE FROM A PERSON that is not even related to you.. but there is this one boy who keeps on sneaking inside my life and my he...
