Tahimik lang akong nakikinig sa mga suggestions ng mga ka-group ko tungkol sa strategy na gagamitin namin sa game.
Nahihiya akong magsalita at tsaka kanina pa rin masama ang tingin sa kin nila Jenna kasi naman hindi lumalayo sa tabi ko tong Dave na to.
"Ako na ang maghahawak ng mga pictures" sabi ng group leader namin na galing sa section C na si Justine, wala na rin namang tumutol kasi matalino rin naman sya.
"Nalibot natin yung farm kahapon, so sino yung nakakatanda nung mga place na pinuntahan natin?" Tanong nya sa amin.
"Alam ni my love!" Nanlaki yung mata ko nang hawakan ni Dave yung braso ko at itaas ito.
Napatingin ako agad kay Jenna at sa alalay nya na agad na sumama ang tingin sa akin. Agad-agad ko namang pilit binaba yung kamay ko.
"H-hindi ko po alam" nahihiyang sabi ko at pilit na tinanggal ang pagkakahawak nya sa akin. Nagtagumpay naman ako at agad na yumuko.
Natatakot ako sa pwedeng gawin sakin ng grupo nila Jenna mamaya sa room namin.
"I volunteer" nakangiting sabi ni Jenna habang nakatingin kay Dave " Sigurado ka ba sis? Dba hindi tayo sumama sa tour kahapon?" Mahinang tanong ng alalay nya sa kanya.
Agad na sinang-ayunan nang lahat si Jenna na mag-turo ng daan papunta sa mga destinations na nasa clues.
"Wag ka ngang epal Paula. Ginagawa ko to para kay Baby Dave, just watch" mahinang bulong nya sa alalay nya. Tsk, di naman pala alam ang kapal pa mag-volunteer.
Mukhang mapapariwara yung grupo namin ah.
"Okay guys!! Time's up. The first clue are hidden on that tree beside you. Get ready, because we're starting in three...
Two....
One.. Go!"
Agad kaming naghanap ng kahit na anong papel na nasa punong malapit samin. "Ang mga girls ang maghahanap sa body at root ng tree. At kaming boys sa taas ng puno,ok? Hurry up!" sigaw ng isa kong classmate.
Agad na umakyat si leader Justine sa taas ng puno maliban sa panget na lalaking nasa tabi ko. "Hoy, dun daw kayo sa taas ng puno bingi ka ba?"
"Basta ba pag nahulog ako sasaluhin mo ko ah!" Nakangising sabi nya sakin.
"May topak ka talaga eh noh! Kumapit ka nang mabuti para di ka malaglag" sabi ko habang itinutulak sya palapit sa puno.
"Masarap kaya ma-fall my love, masakit lang talaga kapag walang sumalo. Kaya saluhin mo ko ah" sabi nya sabay kindat sakin.
Napa-iling na lang ako nang mag-umpisa na syang umakyat ng puno na yun.
"Dave is mine Krystal. Always remember that" napalingon ako nang magsalita sa likod ko si Jenna at agad akong napayuko.
Lumayo agad ako sa kanilang dalawa at nag-patuloy sa paghahanap ng first clue. Pinapahamak talaga ako nang pagpansin sakin ng Dave na yun eh.
"Found it!" Napatingin kaming lahat nang isigaw iyon ni Paula. Agad kaming lumapit sa kanya para malaman kung ano ang laman ng clue.
"Ako ang titingin!" Ibinigay namin ang clue kay leader Justine para sya ang mag-analyze ng picture.
Nabigla naman ako nang biglang umakbay sa akin si Dave. "Di mo naman ako sinalo my love eh. Nasaktan ako ah"
Agad kong tinanggal ang pagkaka-akbay nya habang hindi pa nakatingin si Jenna.
"Guys lapit kayo. Eto yung sinasabi ng first clue" lumapit kaming lahat at pinakita sa amin ni Leader yung pic.
YOU ARE READING
Only Exception
RomanceI don't believe in any kind of love.. A love for a friend? Love from a family? Love for your pets? and most especially a LOVE FROM A PERSON that is not even related to you.. but there is this one boy who keeps on sneaking inside my life and my he...
