Sa picture ay may isang glass ng tubig na walang laman, may bee sa next pic. At isang rose bud yung ikatlong picture at bahay naman sa ika-apat.

"Alam ko yan! Yung rose statue" sabi ni Jenna. Yung rose statue ay makikita na parang mark kung ano yung nasa loob nung specific na lugar dito.

"Yun yung pwedeng clue natin. Ang mga statue" mahinang sabi ko. Nang maglibot kasi ako mag-isa kahapon ay napansin ko na bawat section ng farm ay may mga statues sa entrance na nagsasabi kung ano yung section ng farm na nandoon.

"Ano yun my love?" Mahinang tanong din sa akin ni Dave.

Tumingin muna ako kanila Jenna at nung hindi sila nakatingin ay sumagot ako kay Dave " Bawat section ng farm ay may statues sa entrance kaya pwede natin iyong maging clue" mahinang sabi ko

"Ok tara na guys! Dun tayo sa rose statue" feeling leader na sabi ni Jenna. Wala na rin kaming nagawa kundi sumunod sa kanilang dalawa ni Paula.

Pero parang wala dun yung clue eh. Kasi kung dun nila nilagay yun, ano namang challenge na tungkol sa farming ang gagawin namin?

"A penny for your thougts?" Tanong sakin ni Dave. Sasabihin ko ba sa kanya? Inis nga ako dba?

Pero kung ako naman yung magsa-suggest di naman nila pakikinggan eh. Baka naman pag sya nagsabi i-consider nila.

"Feeling ko iba yung lugar na sinasabi nung first clue eh. Naalala mo yung glass house kahapon?"

Napaharap sya sakin nang may nagtatakang mukha " Oo naman, sa tingin mo yun yung sabi sa clue?" Tumango lang ako at napa-isip sya sandali.

"Pero wag mong sasabihin na ako ang nagsuggest ah" nagtataka man ay tumango na lang sya sakin at nginitian ako.

Tinawag nya yung mga nauna naming groupmates at sinabi sa kanila yung naisip ko.

Agad namang sumang-ayon ang lahat lalo na sila Jenna na pinuri pa ang katalinuhan nya.

Nang makarating kami sa glass garden ay tama nga ang hula ko dahil nang makapasok kami sa loob ng glass house ay makikita agad yung clue box sa gitna nung garden.

"Galing mo talaga my love. Beauty and brains, kaya love kita eh" lumayo layo ako ng konti nang mapansin ko na lumalapit na naman sakin si hinayupak na Dave.

Hindi ko na lang papansinin yung mga ginagawa nya, para naman ma-realize nya na hindi ako yung babaeng dapat nyang paglaanan ng pansin. Dahil alam ko naman in the first place na laro lang sa kanya ang lahat.

Tsaka love?! Tss, ano yun?

Kinuha nila agad yung first challenge na kailangan naming gawin para makuha namin yung clue para sa next na challenge.

Nang makuha namin ang challenge card number 7 ay agad itong ipinasa sa leader namin. "Farm life challenge 1" pagbasa nya sa card.

"Isa sa pinakamahirap pero masayang feeling ang magtanim at mag-alaga ng isang bulaklak. Ang inyong challenge ay hanapin ang isang bulaklak na naiiba sa lahat ng nasa loob ang glass house na ito. Ang espesyal na bulaklak na yun ang nagtataglay ng inyong hinahanap para malampasan ang pagsubok na ito."

"May mga gamit na makakatulong sa inyo sa paghahanap. Kunin lamang ang mga gamit na nagtataglay ng numero ng inyong grupo. Goodluck!" Pagtatapos nya. Para naman pa lang riddles yung clue na yun.

Kailangan pa pala namin itong ma-analyze para malaman namin kung ano yung gagawin namin.

"Guys look!" Agad kaming pumunta sa sinasabi ni Dave. Nandun yung mga gamit na sinasabi sa challenge card namin.

"Gloves at shovel?" Takang sabi nila Jen

Obviously ang clue namin ay nasa ilalim ng lupa. Isa-isa na kaming binigyan ng gloves at maliit na shovel. Binigyan na rin kami ng area na paghahanapan ng clue.

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Sep 08, 2022 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

Only ExceptionUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum