Chapter Fourty Nine

Magsimula sa umpisa
                                    

"Grabe na talaga 'to. I'm so proud of you, beshy!" 
"Awwee thank you, besh!" 
Nang mag-ring na ang bell ay nagsibalikan na kami sa kanya-kanyang rooms. 

Si Chris, wala parin. Nasan na kaya yung kaboteng yun?

Class, class, class. Quiz, quiz, quiz. Assignment, assignment, assignment, bugbugan!

***

Nagpaalam na sila Jessa na uuwi na raw at may curfew sila. Ako rin pala.

"Dala ko motor ko, sabay ka na?" 

Ihahatid niya ako?

"Ano kasi... Trystan baka kasi may makakita sakin eh-- pagalitan ako ni Papa."
"Kinahihiya mo ba 'ko?" 

Hala! Di kaya! Sobrang proud nga 'ko sayo eh! 

"No! Of course not, Trystan. Baka kasi ano... delikado kasi pag nakita tayo, lalo na ni Kuya. Eh kung san-san pa naman yung nakatambay after class. O kaya ng mga nakakilala sakin tapos isumbong pa tayo." Bumuntong-hininga siya. . 
"Sayang. Kala ko sabay tayong uuwi araw-araw eh. Bukas, kotse ang dadalhin ko. Bawal parin ba?" 

"Trystan, sa Sunday. Sunday ang rest day ni Papa pati ni Mama so ipapakilala kita sa family ko. Okay lang?" 

Kinabahan ako bigla. Shoot, nasabi ko na eh. Alangan namang bawiin ko pa?

"Talaga? Aasahan ko yan, ah." Lumiwanag ang mukha niya tapos kinurot na naman ang pisngi ko. What he always does.

"Hihintayin ko muna ang sundo man para masigurado kong nakauwi ka na talaga." 
"San naman daw ako pupunta? Eh alam mo namang after class, uuwi na talaga 'ko diretso sa bahay eh." 
"Aysus. Galit ka na nyan?" Ginulo-gulo niya ang buhok ko. 
"Hindi, ini-inform lang kita."
"Tch. Baka nga ikaw pa may pinupuntahan lagi dyan eh." Tumawa siya. "Hala! Di kaya, diretso lang rin kaya ako agad sa bahay unless may gig o band practice."

Gusto ko ring sumama sa kanya paminsan. I mean, I'm already exposed to band practices pero I've always wanted to meet new musicians. Alam niyo na, same group of people. Gusto ko ring ma expose sa social gatherings.

"Weh." Asar ko sa kanya.
"Oo nga eh."
"Weeehhh?"
"Ang kulit neto. Sinabing oo eh."
"Di nga?"
"Oo nga."
"Weh parin."
"Kulit talaga!" Ginulo niya ulit ang buhok ko. "Eeehh kakaayos ko lang eh!"
"Eh di ayusin mo ulit! Hahahaha!"

"Excuse me." 

Napalingon kami pareho.
Aba!

Si ex-bestfriend!
Makikiraan!

Tahimik lang si Trystan, parang wala naman siyang pake at ibinaling ulit ang atensyon sakin.

Bumusina na ang sundo ko. 

"O, ayan na si Manong. Okay na po, boss?" Pinisil ko ang ilong niya.
"Good! Nakasunod lang ako sa inyo, ah."
"Eeehh? Kupal ka talaga. Ikaw bahala. Mag-iingat ka, okay?"
"Basta lagi mo lang akong tingnan sa side mirror ng kotse mo."
"Syempre naman, focus sa pag drive. Para kang baliw." 

Sumakay na 'ko sa kotse at sumunod naman siya na nakamaneho sa Raider niyang sobrang cool ng kulay at design! Gusto ko rin magkaroon ng motor. Gusto ko yung Lamborghini Motorcycle, yung bagong labas! Sh*t, magpapaturo ako next time.

Kala mo naman papayagan ng parents sa motor.

Nung paliko na kami sa kanto kung san naroroon ang bahay namin ay lumingon ako sa kanya at kumaway-kaway.

"Boyfriend mo, miss?" Natawa ako lalo sa tanong ni Manong. "Nako! Di po. Kaklase't kaibigan po."
"Dyan naman nagsisimula ang lahat eh."
"Yiiiee manong talaga, andaming alam! Hahaha! Thank you po. Pasok na po ako. Ingat ka, manong! "

Agad naman akong pumasok sa bahay at umakyat patungo sa kwarto ko. Ako pa lang pala naunang umuwi dito. Si Kuya kasi may night class eh. Si Mama naman, nasa mall at may inaasikaso for renovation. Oo, meron kaming isang mall dito. Hehe!

Namiss ko yung... nung mataba pa ako, diretso agad ako sa kusina para kumuha ng makakain tapos manonuod ng TV sa sala o di kaya maglalaro ng kung anong video games. Nagbago na ngayon. Balanced na, may self-control na 'ko eh. Tsaka hindi na sanay yung tyan kong kumain ng marami at nabubusog.

Kinuha ko ang laptop ko at nag-research ng mga assignment. Matapos kong magsulat, nag Facebook naman agad ako. 

Ano kayang magiging buhay ko this year? Ano na naman kayang mangyayari sakin? And Trystan... Is he even sincere? Totoo ba ang mga pinapakita niya sakin?

I couldn't help but doubt everyone around me. Ngayong pumayat na ako, nagbago na rin ang pakikitungo ng mga tao sa paligid ko. Kagaya nalang ng ginawa nila akong Muse sa class namin.

Kung mataba pa ako, hinding-hindi mangyayari sakin ang mga bagay na 'yon ngayon. For sure, hindi mapapalapit si Trystan sakin because everyone cares about the looks. If you're not pretty, talented, smart or famous, you're a nobody.

I'm having trust issues na talaga. I really need someone to talk about this. Yung hindi ko kaibigan, maybe a psychiatrist? Hahaha!

Si Kuya...

*bzzzzt!* 

Kinuha ko phone ko. 

From: Trystan c: 

Gala tayo sa park?

Hindi ko mapigilang ngumiti. Anong oras na ba?

5:34 PM

Okay, no pressure. Sa park lang naman ng village eh. Agad na nag-freshen up ako't nagbihis lang ng simpleng damit. I have to look presentable, of course.

Si kuya guard nga, tinanong pa 'ko kung san ako pupunta, sabi ko sa park lang. Strict parents and bantay-sarado sa guards. Ganun lagi ang buhay ko. Boring, right?

"Miss baka po sisantihin ako ni Sir."
"Akong bahala, Kuya. Tatawagan ko si Mama at magpaalam. Dyan lang naman sa park, eh. Hindi ako lalayo, I promise."
"Nako... Sige po. Basta po tumawag lang kayo agad kung may nangyari."
"Thank you, kuya! The best ka talaga!"

Di naman kalayuan ang park dito mula sa bahay namin. Nang nakarating ako ay nakita ko naman agad si Trystan na nakatayo sa may fountain.

"Bilis ah? Excited masyado? " 
"Eeehh! Pinapunta mo lang ba 'ko dito para inisin, ha?"
"Hala, di ah! Ikaw talaga, ang hirap mong mabiro." 

Umupo kami sa isang  bench malapit sa fish pond.

"Natapos mo na assignments mo?" Tanong ko. "Oo naman! Ako pa, good boy kaya 'to." 
"Sige ikaw na."
"Hahahaha!

"Tara nga, maglakad-lakad muna tayo." 

Nag-uusap kaminat kung anu-anong topic. Nagtanong siya tungkol sa mga kaibigan ko para alam niya raw kung pano sila pakisamahan starting tomorrow.

Naalala ko bigla si Russel...

Feeling ko lang ha. Feeling ko lumilipat yung feelings ko para kay Trystan. Alam niyo yun? Yung suddenly, yung ibang tao na ang nasa isip mo lagi?

Pero the fact na may past sila ni Melody... Natatakot ako eh. Natatakot ako sa possible consequences na mangyayari.

Gulo na naman ba?

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon