Chapter Fourty Seven

ابدأ من البداية
                                    

Wait, musician din siya?! Eh anong connect ng paghihiwalay nila ni Melody?

"Tsaka past na yun. Nagbabago na 'ko."
"Anong kinalaman dun ni Melody?"
"Nalaman ng Mama niya, pinaghiwalay kami---" Natahimik siya bigla. "---yun ang nangyari. Sobrang gulo, ayoko na nga sanang maalala yun pero kailangan kong sabihin sayo ang totoo kasi.... Kaibigan kita."
"Hmmm..."

So posibleng may feelings parin sila sa isa't-isa. Ba't ang malas ko pagdating sa mga crush? Isinumpa ba ako? Ni wala pa akong boyfriend! Ewan ko ba. Ang malas-malas sa pag-ibig. Siguro pag-aaral nalang muna talaga ang aatupagin ko, hahahaha!

"Ngayon, naiintindihan mo na ba?"
"Oo. Sorry... Ayoko lang kasi sa mga taong naglilihim lalo na't napalapit na sakin."

Sasabihin ko ba ang sa amin ni Melody? Nevermind. Siguro dumistansya na muna 'ko sa kanya simula ngayon.
Baka ginagamit niya lang din ako tulad ng ginawa sakin ni Kenji. Parang familiar na sakin ang sitwasyong ito.

Ayoko nang ma-inlove.

Muntikan na kasi. Muntikan na sayo, Trystan. Ang bilis ko kasing mahulog. Nakakaasar!

"Huy, guys! Ililista ko na kayo pag di pa kayo pumasok dito!" Napalingon kami sa kaklase naming may dalang mini notebook.
"Tara na." Bumalik na kami sa loob. Nakita ko si Melody na nakatingin lang kay Trystan.

Keep distance, Mika. Dapat nga hindi kayo magkatabing umupo...

***

Nang makapasok kami sa room, saktong pumasok si Sir sa Araling Panlipunan. Terror daw 'to eh. Isama mo pa yung mala-Saitama niyang hitsura pero naka eyeglasses. Hahaha!

Hala... Ba' t nakatingin si sir saming dalawa?

"Both of you, stand up."
Nagkatinginan kami ni Trystan.
"Tayo ba?"
"Kayo kasi eh. Sinabing bawal lumabas pag class hours." Lumingon si Chris samin.
"Mashima, right? And who's the new student?"
Tumayo kaming dalawa ni Trystan.
"A-Ah, Trystan po sir."

Tae! Ba't kasi wala sa oras akong kausapin neting isang 'to.

"Hindi ba kayo na-inform na bawal ang lumabas tuwing class hours? Anong ginagawa niyo kanina sa may hagdan?"

Oh, shoot.

"Sir, may pinagusapan lang pong importante." Sagot ni Trystan. Wow, ang lakas ng loob ah.
"Mas importante pa kesa school rules na pwede kayong ma-detention?"

Nakayuko lang ako. Second day of school at ganito na!

"Hindi na po mauulit, Sir."
"Ito ang pangalawang klase natin sa Araling Panlipunan at pagkatapos ay may mga lumabag nang estudyante para sa harutan nila."
Nagsitawanan tuloy ang mga kaklase namin. Badtrip ka, sir! Talagang ipapahiya mo pa kaming dalawa?!

"Sir, baka nag quickie!"
Rinig kong asar ni Jonathan. Namumula na ako sa inis at gusto kong mag walk out!

"Mr. Santos, tumayo ka at pumunta dito sa harapan."
BLEH! Buti nga sayo!

"Pero sir---"
"Tumayo ka sa loob ng limang minuto!" Sumunod naman siya.
"Sir, pwedeng sa labas?"

Natawa sila.

"Anong sa labas? Gusto mo dun ka sa labas tumayo?"
"Hindi sir, sa labas po ng limang minuto."
"Sampung minuto!"
"Sir naman---"
"Kayong dalawa, ire-report niyo ang lesson natin ngayon."

ABA! SUMUSOBRA NA 'TONG SI SIR AH!

Menopause ka Sir?
May sayad ka?
Naririnig mo ba sinasabi mo? Aba! Papaano namin to marereport eh hindi pa nga namin to alam!

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن