"Ano pong nangyari sa inyo, Sir?"

"Just give me your first-aid kit and shut up," masungit nitong sabi at saka naglakad sa higaan na kasunod ng kamang kinaroroonan nila Savana. Halos mapamura si Davina nang makita niya ang ginawa nito. Halata kasing sinadya nitong umupo sa pwestong iyon, suot-suot pa ang ngisi sa labi.

"Una na ako," walang gana na paalam ni Davina nang bigyan siya nang masamang tingin ng lalaki. Nagtitigan naman silang dalawa, walang gustong magpatalo.

"Sir, 'eto na po ang kit." Agad namang tumalikod si Davina nang maputol ang pagtititigan nila dahil sa paglapit ng nurse.

"La Mis⁠—"

"Fine!" mabilis na sigaw ni Davina at dali-daling umupo sa mga upuan sa gilid na nagsisilbing waiting area. May tatlong upuan sa pagitan nila ni Grey na nakaupo rin.

"Not there. Beside me," utos nito. Walang ganang lumapit si Davina at napaupo sa tabi nito.

Why am I even following this bastard if I can just kill him right now? Tangina ano bang gusto niya mangyari?

Padabog niyang kinuha ang kit na kanina pa hawak ng nurse. Umalis din naman ito kaagad pagkatapos.

"Wala naman kasing pasa o kung ano, tsk," mahinang reklamo niya kaya naman sinamaan siya ng tingin ng lalaki. Ginantian din naman niya ito ng masamang tingin.

"Shut up, lady."

"Shut your mouth first, gentledog," she teased him. Binigyan naman siya ng lalaki ng masamang tingin. Hindi niya alam kung bakit pero natutuwa siyang inaasar ito. Gusto niya itong mapikon.

"Gentleman then," she said, hissing. Binuksan ng lalaki ang kit at saka inabot sa kanya. Binigyan siya nito ng tingin na tila ba nagsasabing 'you know what to do.'

"Sa tingin mo ba, may gagamutin ako sa'yo? Eh ni hindi ka naman napaano!" inis na saad ni Davina sa kanya. Sabay silang natigilan at napalingon sa nurse na uma-assist kay Savana na bigla na lang tumawa.

"What the heck is she laughing at?" tanong ng lalaking kasama niya bago sinamaan ng tingin ang nurse.

"Why the hell are you asking me that? Mukha bang ako yung tumatawa?" hindi makapaniwalang tanong din ni Davina sa lalaki. Mas lalo silang nagmukhang bata na nag-aaway dahil sa tinuran niya.

Umalis naman si Davina sa pagkakaupo sa tabi nito, at umupo sa tabi ni Grey. Okupado na kasi ang ibang upuan ng mga kaibigan ni Savana. Naiinis siya. Hindi na niya alam kung saan ibabaling ang inis na nararamdaman kaya mas minabuti niyang umalis sa harap ng lalaki at baka magkasuntukan lang silang dalawa.

"Awww, mukhang may love quarrel yung dalawa," mahinang tugon ng nurse kay Savana na tinarayan lang nito.

Tumahimik nang ilang segundo ang paligid at saka niya lang napansin na sila lang ang maingay sa loob ng clinic. Tumayo naman ang lalaking kasama niya at saka lumapit sa kanya. Hinila siya nito patayo.

"What the?" hindi makapaniwalang nasabi ni Davina nang hilain siya nito.

"Hey, easy, man! You're hurting her," awat ni Grey na may tono ng pagbabanta sa boses nito. Seryoso ang mukha nito at nakakunot ang noo habang nakatingin sa lalaking kasama niya na hindi naman siya binigyan ng atensyon. Diretso lang ang tingin ng lalaki kay Davina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Double-Edged DaggerWhere stories live. Discover now