Chapter 3

248 34 0
                                    

Pagpasok na pagpasok pa lang ni Davina sa Dolce Panna Cotta'y naagaw na kaagad ang atensiyon niya ng isang babaeng nakaupo sa lamesang nasa sulok. Kahit nakatalikod ito sa gawi niya'y kilalang-kilala niya ito.

Malakas ang pandama nito kaya't kahit dalawang metro pa ang layo ni Davina mula rito'y nagsalita na agad ito, "You're thirty six minutes late." Davina rolled her eyes, and sat in front of her.

This bitch...

"E di ikaw na magaling sa Math. As if I can't tell 'di ba?" Napansin niyang may nakalatag nang mga pagkain sa table. Inorderan din nito si Davina.

Baka may lason pa 'yan.

Naiinip na gumuwa ng ingay ang mga kamay ni Davina. Tinapik-tapik niya ang lamesa gamit ang mga daliri niya.

"What?" she asked, raising her eyebrow. She rolled her eyes and crossed her arms.

"Did you know that he followed you yesterday?"

Alam ni Davina na iyon ang dahilan kung bakit niya ito nakitang pinagtutulungan ng mga kalalakihan sa parking lot. Bigla tuloy itong napaisip kung ano ang pinagkainitan ng mga ito.

Kilala niya si Grey. Or so she thinks she does.

Hindi mahanap ni Davina ang dahilan kung bakit siya sinundan ni Grey kahapon. Maging sa San Augusto, Wardal, at Magdangal Street, iniisip niyang baka sinusundan din siya nito. Pumasok din sa isipan ni Davina na maaaring ito ang bumaril kay Dindo, ngunit wala namang dahilan si Grey para gawin iyon.

Napakaraming hinala ni Davina ngunit ni isa'y wala ritong sigurado siya.

"No," she lied, "At hindi naman masyadong halata na sinusundan mo ang lahat ng galaw niya."

Alam ni Davina na kayang patumbahin ni Grey ang mga nambugbog sa kanya. She just really don't get him sometimes.

Binigyan lang siya ng tingin ng kausap kaya napairap si Davina. Alam niyang sinusubukan nitong basahin ang iniisip niya. Napatingin si Davina sa wristwatch niya at napansing 9:38 A.M. na. She has three minutes left.

Limang minuto -- iyon lang ang halaga mo sa'kin.

"Is that all?" tanong nito habang bagot na bagot na nakatingin sa kausap.

Gosh, this thot is wasting my time.

"I want you to stay away from him."

"Stay away from him? Seriously?" Davina raised her eyebrow while laughing. Napansin ni Davina na nainis ito kaya't mas lalo siyang sarkastikong tumawa.

"Siya ang pagsabihan mo, Savana. 'Wag ako. You know, stop your insecurities. I know you like him. Funny thing is... ayaw niya 'sayo. 'Di mo ba nakikita? You're trying to chase someone who doesn't even like you." mapanuyang sabi ni Davina.

Her time is up.

Bago pa siya makalayo'y nagsalitang muli ang kausap niya, "Kapag nasaktan siya ulit nang dahil sa'yo..." Napalingon si Davina nang magsalita ito. This time, she can see the seriousness in her eyes. Nakatayo na ito kaya't mas lalo niyang nakikita ang pagiging pursigido nito, "Best friend or not, I'll kill you."

The Double-Edged DaggerWhere stories live. Discover now