Chapter 6

204 28 0
                                    

Mabilis na nagkagulo ang mga tao nang makita nila ang bangkay ni Jerron. Dahil na rin sa putukan ng mga baril, maraming tao ang nagambala. At dahil inasahan ni Davina ang pagdami ng mga tao, hindi niya na nagawang habulin pa ang batang babae na siyang huling nakasaksi sa mga nangyari. Mukhang nasa early high school pa lang ang edadan nito.

She slid her hands inside the pocket of her jacket as she felt the cold wind welcoming her in every step she makes. Alam niyang sa kabila ng pagiging tahimik ng lugar, laging may ingay sa likod nito. Nakaramdam din si Davina ng presensya na sumusunod sa kanya kaya binilisan niya ang paglalakad.

Maraming eskinita sa lugar na dinaraanan niya, at lumiko siya sa isang maliwanag na eskinita. Mayroon kasing nakakabit na mga ilaw sa labas ng iilang tahanan. Mariin siyang napapikit. She's still blaming herself. Pakiramdam niya, siya ang dahilan ng pagkamatay ng inosenteng binata.

It is my fault.

Nang makatiyempo ay tumigil si Davina sa paglalakad bago nagsalita. "Lumabas na kayo riyan," she said coldly. Pagkalingon ni Davina, nakangisi ang mga lalaki sa kanya.

"One... two... three... four... five..." bilang niya sa mga lalaki na nagsisulputan habang itinuturo ang mga ito isa-isa.

"Text your families. Inform them kung gaano kalaki ang babudgetin nila sa lamay ninyo. Ibigay niyo na mga password ng accounts niyo para naman 'di mabutas ang mga bulsa nila," she said, smiling.

"Miss, ganyan ang gusto ko... palabiro at pilyo. Ang lalim na ng gabi, babe. Anong ginagawa mo at gumagala-gala ka pa?" napaikot ang mga mata ni Davina sa tinuran nito, lalo na nang tignan siya sa malagkit na paraan ng mga lalaki. Maraming tattoo sa katawan ang mga ito na kitang-kita dahil sa mga sandong suot nila. Nakatali rin ang mga buhok nito sa iba't ibang paraan.

Bastards. Bakit ba sobrang lapitin ako ng disgrasya't kapahamakan?

"Oo nga love, baka gusto mo munang maglaro?" tanong ng isang lalaking may hikaw sa ilong na sinundan ng malakas na tawanan.

She continuously shook her head, iniisip kung gaano kawalang kwentang nilalang ang mga ito. Nagsimulang maglakad si Davina papaalis dahil ayaw niyang inaaksaya ang oras niya sa mga ganitong klase ng tao. Nilagpasan niya na ang mga ito dahil pumalibot sila sa kanya.

"Wait lang miss, maglaro muna tayo." Naramdaman ni Davina na sinundan siya ng mga ito pero nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad habang nakasutsot ang mga kamay sa bulsa.

"Miss-" Mabilis na hinawakan ni Davina ang braso ng isa at inikot ito, dahilan para makarinig siya ng bali ng buto.

"Putanginang anak ng tinola!" sigaw nito. Napangisi siya habang nakikitang naluluha ito at para bang hindi makapaniwala sa ginawa niya.

"Don't. Touch. Me. If. You. Don't. Want. To. Die," pagbabanta niya sa mga ito. Nagulat naman ang ibang kasamahan nito, ngunit agad din silang nakabawi matapos makita ang nangyari sa kanilang kasama. Moments later and they all laughed as if she just said something unbelievable.

"Aba't matapang ka huh!" sabi ng isa sa kanila, bago sila isa-isang naglabasan ng mga kutsilyo. Natawa naman si Davina sa inasta ng mga ito.

5 versus 1? How great!

Natatawang napasandal si Davina sa pader habang naka-cross arm niyang binigyan ng tingin ang mga ito. Agad silang sumugod nang sabay-sabay, ngunit hindi pa sila nakakalapit sa kanya ay nagtatatalon na ang isa sa kanila na ikinatigil ng lahat.

The Double-Edged DaggerWhere stories live. Discover now