"Bring out your books and turn to page 18."

Nasan na ba yung tumbler ko? Wala sa bag, wala sa gilid ng table o seat. Wala talaga----

Napaubo ako dahil nabulunan ako at nakatingin ang lahat sakin.

"Are you okay, Miss Mashima?"
"Mika, napano ka?" Nag panic na si Joyce at lumapit sakin.
Hindi ako makapagsalita at nawawalan na ako ng hininga.

TUBIG!

Biglang may nag abot sakin ng tubig at nakita kong si Chris ito. Agad ko namang ininom at dahan-dahang hinahabol ang hininga ko.

What is happening to me?! Ba't parang... Parang minamalas ako lagi? Did Melody put a curse on me?

"O-Okay na po ako, Sir. I'm sorry."
"Are you sure you don't want to visit the clinic?"
"No, no sir. I'm fine. Nabulunan lang po ako sa sarili kong laway."
"Oh, okay. You may go out if you're really not feeling well. Okay class, settle down."

Ano bang nanyayari sakin?
Sa canteen kanina tapos ngayon naman, ganito?

"Mika, may tubig pa ako dito."

Meron naman pala, ba't di mo inabot sakin nung una? Jusko.

Pinakita ko na sa kanya ang may laman pang binigay ni Chris at nginitian siya. Kinuha ko na ang libro ko't nag focus sa class.

***

Masama parin ang loob ko sa nakita ko kanina. Naalala ko na naman.

Magkakilala na pala sila. Ba't parang wala namang naikwento si Melody tungkol sa kanya sakin? There's something going on eh. Yung sinabi ni Chris na sa net shop? Ah, gamer rin siguro.

Hmmm... I have to find out. Kakausapin ko si Chris mamaya.

Ano bang nangyayari sa mundong 'to. Pumayat lang ako nagkaganito na? Charot. Tahimik parin kaming hinihintay ang next teacher. Kinuha ko na nga lang ang cellphone ko para mag scroll sa news feed.

Tanging cellphone lang naman kasi ang makakapag save sayo sa tuwing nao-awkward o nao-OP ka eh. Diba? Hahaha!

"Ehemm." Narinig ko si Trystan.
"Ang tahimik niyo naman."
Tumawa siya. Magkaharap lang pala kami ni Chris. Naubos ko na ang mga muffin dahil gutom na gutom na talaga ako kanina.
"Grabe naman. Nakakabingi yung sobrang tahimik eh."

Ewan ko sayo, Trystan.

"Ang boring ng next class talaga. Ayoko sa TLE eh." Sabi ni Chris.
"Basta favorite part ko yung magluluto."
Sabi ko naman. Siya lang ang kinakausap ko at tahimik lang si Trystan, nakikinig lang sa usapan namin.

"Good morning, class!"

Ayan na nga si Ma'am.

***

"Well, well, well. Dahil nga wala na sila Kenji at Eazer dito school, ang kapatid ko na naman ang target mo, Musika?"

Napatingin ako kay Christine nang patayo na sana ako for lunch break.

"Wala ako sa mood. Tabi nga."
"Hahahaha! Pumayat ka lang, lumakas na yung loob mo. Ilang bottles of diet pills ba ininom mo? O baka naman nagpa-lypo ka. Saan? Sa Korea?"

Tumawa yung squad niyang mukhang mga alipin. Nakisali pa si Melody. Mga hayop.

"Tin, pwede bang lubayan mo na si Mika? Wala naman siyang ginagawa sayo."
"Talagang seryoso ka sa mga pinagsasabi mo, Chris? Eh parang lumalapit ka lang naman sa kanya simula nung gumanda siya, ah."
"Tumigil ka kung ayaw mong isumbong ko kay Mommy't Daddy mga pinaggagawa mo."

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora