Bakit naman ako susunod? Sa bahay nga konting gawin ko inaagaw na sa akin ng mga katulong. Hindi ba nila alam na pag may ginawa akong isang gawain sa mansion kahit na ang paglalagay lang ng kinainan ko sa sink ay tinatanggal na agad sa trabaho ni mommy yung katulong na hinayaan akong gawin yun? Tapos dito uutos utusan lang nila ako!

Tumaas ang kilay nila nang hindi pa rin ako kumikilos para sundin ang inuutos nila.

"Ano ba Krystal?! Inaantok na kami!! " sigaw ni Fritz. Halos napatalon ako sa gulat nang dahil sa sigaw nya na yun.

Ayoko nga!! Pero bakit hindi ko magawang tumutol sa gusto nilang gawin ko. Lalong kumabog yung dibdib ko nang sumigaw pati na rin si Paula.

"Ano ba Krystal? Ang tagal!!" Sigaw ni Paula. Pero parang napako na ako sa kinatatayuan ko at nag-umpisa nang manginig yung mga tuhod ko.

Hindi nyo ako katulong!! Ang gustong isigaw ng puso ko pero wala akong lakas na sabihin yun sa kanila dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon.

Pag nasa room hindi ako gaanong natatakot dahil madalas na may mga dumadaan na janitor na pumipigil sa mga ginagawa nila sa akin at may mga teacher naman kapag lessons.

Pero iba to ngayon. Andito ako sa isang room na walang ibang pwedeng tumulong sa akin. Ayokong isigaw na binubully ako dito, ayoko nang gawing kaawa awa ang sarili ko. Tama nang ako na lang naaawa sa sarili ko.

Tumayo bigla si Jenna at pasabunot na hinablot ang buhok ko. " Susunod ka ba o tatanggalin ko lahat ng buhok mo sa anit mo? SAGOT!!" sigaw nya malapit sa mukha ko.

Nakipagtitigan lang ako sa galit na mga mata nya.

Hindi ko magawang magsalita kaya lalo nyang hinigpitan ang pagkakasabunot sa akin. "Tama na Jenna" humihikbing sabi ko habang pilit na tinatanggal ang kamay nyang nakahawak sa buhok ko.

Tumayo na rin yung dalawa nyang kaibigan at hinawakan yung dalawang kamay ko. Nang mahawakan na nila ang dalawang kamay ko ay binitawan na ni Jenna ang pagkakahawak sa buhok ko at nilipat ito sa panga ko. " Sumunod ka na lang kasi ha? DALIAN MO!!" Sigaw nya sakin at pabalibag nila akong itinulak sa higaan.

Agad kong naramdaman ang sakit nang tumama yung balikat ko sa edge ng bed. Tumulo nang sunod sunod yung luha ko at hindi ko na rin mapigilan ang paghikbi.

Agad kong sinunod yung mga inutos nila sa takot na baka may gawin pa sila sa akin na mas malala. Habang nag-aayos ng damitan nila ay naalala ko na naman yung mga pinagdaanan ko nang nag home school pa lang ako.

Dahil sa home schooled ako dati ay wala akong naging kaibigan. Maging ang mga naging teacher ko ay hindi ako pwedeng hawakan. Yun ang rule na pinirmahan nila bago sila natanggap bilang home schooled teacher ko. Kapag nadadapa ako at nasusugatan ay walang tumutulong sa aking tumayo at gumamot ng mga pasa at sugat ko. Takot sila na mawalan ng trabaho kaya nung lumaki ako ay nasanay ako na hindi inaasahan ang tulong ng iba lalo na ng tulong mula sa parents ko.

Nang matapos ako sa lahat ng gagawin ko ay tulog na silang tatlo. Nilayo ko rin yung higaan ko mula sa bed nila. Agad akong nakatulog siguro dahil na din sa pagod at sobrang pag-iyak ko kanina.

Nang magising ako ay ako na lang mag-isang nasa kwarto. Agad akong lumabas at pumunta sa dining area ng bahay. Pumila na ako para makakuha ng pagkain at naghanap ng pwedeng maupuan.

Sakto naman na may isang table na dalawa pa lang ang nakaupo kaya lumapit na ako sa kanila. Tig-anim kasi ang bawat table dito at wala pang nakaupo sa harap nila kaya dun na ako tumungo.

"Pwedeng maki-share?" Lumingon sa akin yung dalawang classmate ko na nakaupo dun.

Alanganing tumango naman sila kaya umupo na rin ako agad sa table nila.

"Bilisan mo kumain girl! Tara na!"

"Pero gutom pa ko!"

"May baon akong snacks yun na lang muna , tara na" bulungan ng dalawang classmate ko na nasa harap ko.

Agad silang tumayo at umalis sa table. Napabuntong-hininga na lang ako sa inasta nila. Sanayan na rin siguro, madalas naman ay ganyan sila. Parang meron akong nakakahawang sakit kung ituring nila na kahit makasama, maka-usap at makatabi ay ayaw nila.

Tahimik na lang akong kumain nang mag-isa sa table ko. Wala na rin nagtangkang maki-share ng table sakin kaya nakikipag-siksikan sila sa table ng iba.

"Good morning my love!" Rinig ko ang pagsinghapan nang lahat ng tao na nasa dining area nang dahil sa pag-upo ng Baby Dave ng lahat sa tabi ko.

I just choose to ignore him dahil nasa kalapit lang na desk ang grupo nila Jenna. Binilisan ko na lang ang pagkain para na rin maka-alis na ako dito.

"How's your sleep my love? Did you dream of me?" Pagka-usap nya sa akin.

"I had a great dream last night because you're not there" mahina pero madiin kong sabi nang nakayuko pa rin ako.

"Attention everyone, pagkatapos ng breakfast nyo ay magu-umpisa na ang activity natin. Pagkatapos ay magtipon na sa receiving area" paga-announce ng adviser ng section C.

Tumayo na ako agad at katulad kahapon ay hindi ko pinansin ang pagtawag nya sakin.

Mga 10 am ay nagtipon na ang lahat sa receiving area para maipaliwanag yung rules ng game.

Meron daw kaming makukuha na paper na may apat na pictures. Parang katulad ng larong 4 pics one word ay huhulaan namin kung anong lugar sa farm ang tinutukoy ng mga pictures at kailangan namin iyong puntahan.

May makukuha kami doong papel ulit na nagsasabi ng challenge na gagawin namin at pag nagawa ang challenge ay makukuha namin ang next clue. Kung sinong grupo ang unang makarating sa end line ay ang grupo na may privilage na tumangging sumali sa isa sa mga susunod pang games.

Buti na lang ang pinaghalo na ang section B and C kaya naman hindi siguro nila ako malalayuan ngayon. Mabait naman sa akin yung mga taga-section C kaya sana maging maayos ang team up namin.

Tig-limang myembro ang bawat grupo at 11 ang groups na makakalaban namin.

Kami ang group 7.

"Ok guys! Lahat ng group 7 ay sa ilalim ng punong yun. Bibigyan namin kayong lahat ng 5 minutes para mag-usap at para pag-isipan ang first pic na ibibigay namin understand?" Agad akong tumungo sa ilalim nung punong sinabi ni maam at nakita ko ang mga ka-grupo ko.

Nakangising nakatingin sa akin si Jenna at isang alalay nya na si Fritz. Ka-grupo ko ba sila? Ang malas ko naman.

Nang malapit na ako sa kanila ay nagulat ako nang ngumiti ng matamis sa akin sila Jenna. Magiging mabait na ba sila sakin?

Biglang napawi ang mga ngiti nila at napalitan ng galit ang tingin sa akin. Teka! Hindi pala sila sakin nakatingin kanina kundi sa likod ko.

Lalong sumama yung tingin nila sakin nang maramdaman ko na may umakbay sa akin.

"Yun oh, ka-grupo kita my love. Hindi ako mabo-bore" rinig kong sabi ng kung sino mang naka akbay sa akin.

Gosh! Ka-grupo ko rin si hinayupak na Dave?!

Only ExceptionUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum