As expected ay walang tumabi sa akin kahit sino sa mga classmates ko. " Bakit ka nandito? Di naman kita classmate ah" pagalit kong sabi sa kanya.
Napansin ko na agad na napalingon sa amin yung mga classmates ko na kasama din namin sa bus, lalo na sila Jenna.
"Oh my gosh sis Jenna. Anong ginagawa ni baby Dave sa tabi ni Nobody?"
"My God, baka naman ginayuma nya yan!"
"Baka magtatanong lang sya kung saan yung trash can?" Rinig kong sabi ng grupo nila Jenna, habang yung iba pa ay masama lang ang tingin samin. Nagtawanan sila na nagpa-inis sakin.
Since childhood wala nang tumutulong sakin, kaya naman natutunan ko nang ipagtanggol ang sarili ko. Di ko lang alam kung bakit sa loob ng apat na taon ko sa highschool ay biglang nawala yung tapang ko na yun. Siguro dahil gusto kong maki-fit in sa kanila.
Nagpakabait na ako pero ganito pa rin yung trato nila sakin. " Umalis ka na nga dito. Wag ka sakin tumabi!" Mahinang sigaw ko kay hinayupak na Dave habang tinutulak-tulak sya.
"Woah! Gusto mo lang atang mahawakan yung biceps ko eh. " malakas na sabi nya.
"Eww.. Such a desperate bitch"
"Para-paraan din tong trash na to!"
"Kapal naman ng mukha nya" sabi na naman ng grupo ni Jenna.
Ako na lang ang aalis para wala na lang gulo. " Kung ayaw mo umalis edi dyan ka na. Sayo na yang seat na yan ah, kainin mo!!" Mahinang sabi ko at tumayo.
Hindi na ako lumingon at patuloy na naglakad papunta sa mga bed dito sa bus. Isasara ko na sana yung pinto ng cabin nang may humarang na kamay dito.
"Wait lang my love. Gusto lang naman kita makasama eh." Sabi nya sabay kindat sakin.
Rinig na rinig sa buong bus ang pagsinghap ng mga classmates ko.
"Lubayan mo nga ako!" Sigaw ko sabay sara ng door ng cabin. Naihilamos ko na lang ang mga kamay ko sa mukha ko.
Badtrip! Badtrip! Badtrip! Nakakainis na talaga sya! Bat ba ayaw nya kong tigilan? Di pa ba sya kontento sa pagdamay nya sakin sa gulo nya?
Ano na mangyayari sakin neto?! Sikat pala yung hinayupak na yun sa school namin. Bakit ba kasi hindi ko sya kilala? Siguro kung alam ko lang na dito rin sya nag-aaral baka nung nakita ko sya sa restaurant tumakbo na agad ako palayo.
Humiga na lang ako sa isa sa mga bed dito at natulog. Mas gusto kong mag-isa dito kesa salubungin yung mga judgemental eyes ng lahat ng classmates ko na kasabay ko sa bus.
Maya-maya ay naalimpungatan ako nang maramdaman ko na parang may nakatingin sa kin. Di ko alam kung bakit pero ramdam ko talaga eh. Wala naman sigurong tititig sakin habang natutulog, ni tabihan at kausapin nga ayaw ng mga classmates ko eh.
"Hi my love!" Agad akong napamulat ng mata nang marinig ko yung panget na boses na yun.
"Goodmorning!" Nakangiting sabi nya sa akin. Napatayo ako agad at agad na itinakip yung kumot sa katawan ko.
" A-anong ginagawa mo dito? P-pano ka nakapasok? Ni-lock ko yun ah" sunod sunod kong tanong sa kanya.
Lalo lang napakunot yung noo ko nang bigla syang tumawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Hahaha your so cute my love. Don't worry I won't and did not do anything to you unless you beg me to" natatawa pa ring sabi nya.
" Ang kapal ng mukha mong hinayupak ka!" Sigaw ko sa kanya at agad na tumayo.
"Wait my love. Where are you going?" Natatawa pa rin nyang tanong sakin. Ganun? Masarap akong pag-tripan?
"Go to hell!" Sigaw ko at pabagsak na isinara yung pinto.
" What a flirty trash!" Rinig kong sabi mula sa likod ko. Kahit hindi ako humarap alam ko na, na nasa hell na ko. At talagang naunahan ko pa yung Dave na yun papuntang hell ah.
Dahan dahan akong humarap sa kanila nang may awkward na ngiti. " Hello Jenna and alalay-- este friends"
"What did you call us?" Agad na sigaw ng isa sa mga alalay ni Jenna. Totoo naman yung sinabi ko ah, di naman sila itinuturing na kaibigan ni Jenna kundi mga alalay with free services. Napipikon na nga ako sa hinayupak na lalaki na yon sa labas tapos may dadagdag pa dito. Talagang uminit na yung ulo ko at di ko na mapigilang sumagot.
"Quit it Fritz." Sabi nya sa alalay nya habang nakatingin sa akin.
" And you, flirty trash stay away from Dave. I am warning you, he is mine! Understand?" Nagbabantang sabi nya sa akin.
Sabay sabay silang tumalikod sa akin, eto na naman ako walang masabi para ipagtanggol ang sarili ko. Dba sabi mo Krystal ipagtatanggol mo na ang sarili mo? Ano to?
"And one more thing" sabi Jenna habang nakatalikod pa rin sa akin.
"Pag nakita pa kitang kasama sya... Prepare for the worst and Im not kidding" dugtong nya at nagpatuloy sa paglakad.
Ano ba tong gulo na to?! Kung kelan naman ga-graduate na ako ng highschool tsaka naman naging magulo ang invisible highschool life ko.
"My love, bakit iniwan mo ko dun?"
But first, anong gagawin ko para mapatigil tong lalaking to sa pangungulit sakin. At para mabuhay pa ko ng matagal.
CITEȘTI
Only Exception
DragosteI don't believe in any kind of love.. A love for a friend? Love from a family? Love for your pets? and most especially a LOVE FROM A PERSON that is not even related to you.. but there is this one boy who keeps on sneaking inside my life and my he...
Chapter 5
Începe de la început
