"Ano?! Sinisindihan ito tay? Eh baka naman mapaso ako nyan kapag nilagay ko sa ilalim ng kama. Hindi ba masusunog yung higaan ko?" Sunod sunod na tanong ko kay tatay nang sabihin nya na sindihan ko daw ang dulo nun pag gabi at ilagay sa ilalim ng kama ko.
Nagulat naman ako nang tumawa si tatay sa tanong ko. "Ganito yan anak, dadampian mo lang naman ng apoy ang dulo ng katol. Kapag nagbaga o naging pula na yung maliit na bahagi ay ayos na yun" nakangiti pa ring sabi ni tatay.
Binilhan nya rin ako ng lighter at matchstick at tinuro nya rin sa akin kung paano at kelan ko ito magagamit. Ang dami naming nabili na mga bagay na ngayon ko lang nalaman na meron pala at na magagamit ko dahil may pagkakataon daw na brownout sa farm.
" Alam mo ba anak, nung bata ako ay tumutulong din ako sa bukid ng aking tiyahin kaya alam ko na ang mga kakailanganin mo dun" masayang kwento ni tatay.
"Mahirap po ba yung mga trabaho dun tay? " tanong ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng department store at bitbit nya lahat ng pinamili namin dun.
"Mahirap talaga sa una ang lahat ng bagay anak. Kaya ang kelangan ay bukas ka sa mga bagong matututunan mo dun para madali kang maka-adjust. At wag ka mag-alala dahil bibigyan kita ng mga tip para madalian ka sa ilang mga ginagawa sa farm" sabi sa akin ni tatay.
Sunod naman naming pinuntahan ay yung mga bilihan ng mga damit na gagamitin ko sa farm. Binilhan ako ni tatay ng mga comfy at hindi mainit na mga damit na kakailanganin ko daw lalo na kapag nasa arawan kami pinatrabaho.
Sunod ay binilhan din ako ni tatay ng bota na plastic. May ganito pala, leather kasi yung mga boots ko sa bahay at kadalasan ay may heels.
Nang matapos kaming mag-shopping ay nagpaalam muna si tatay na ilalagay nya muna ang mga napamili namin sa sasakyan at babalikan nya ako sa italian restaurant na ito.
Agad akong binigyan ng seat at naupo muna ako dun habang hinihintay si tatay.
"Sh*t bakit nandito yang babaeng yan? " rinig kong sabi ng lalaking nakatayo malapit sa akin. Binalewala ko lang yun at napagpasyahan kong tumingin at mamili na ng pagkain sa menu.
"Miss can I take a seat just for a while? Thanks" sabi ng lalaki na narinig kong nagsalita kanina at agad din nyang kinuha yung menu at tinakip sa mukha nya.
What the hell? That seat is for my tatay.
Nakakunot noo ko syang tinignan nang pasilip silip sya mula sa pagkakatago sa menu.
"Excuse me, Mr. I-dont-know-who-you-are, can you please choose another seat because that seat is already taken--"
"Hindi na darating yung ka-date mo kaya paupo muna miss" pagputol nya sa sinasabi ko.
"Eh sira--"
"Dave!!! Oh, is that you babe?" Pagputol naman ng babaeng biglang sumulpot sa tabi ko.
Nang akmang titignan ko na kung sino sya ay may biglang umakbay sa akin. Nang lingunin ko ay yung walanghiyang lalaki pala na naki-upo sa table ko.
"Hi Charlotte! It's nice to see you here. By the way this is my girlfriend, the lady that made me fall" malanding sabi nya sa babaeng nasa harapan namin.
Tumaas yung kilay ko ng 10,000 feet nang ma-gets ko yung sinabi nya. Pasimple kong inapakan yung paa nya " Aww.... " malakas na sigaw nya nang apakan ko sya.
"It's Cara babe, by the way what happened to my babe?" Agad na sabi ni Cara na to at akmang lalapit kay hinayupak na dave.
"Awww!" pagsigaw nito nang mahina ko syang sikuhin para lumayo sa akin. Agad namang napatingin ng mabuti sa amin yung babae nang mapasigaw syang muli nang mas lakasan ko ang pagsiko sa kanya.
"Aww-awesome ang my loves ko dba? Maganda na matalino pa!" Waley na pagpapalusot nya. Pero mukha namang uto-uto yung Cara na to at agad na naniwala sa sinabi ni hinayupak na dave.
"Dont try to do that again my loves or else I will hunt you for the rest of your precious life" pabulong na sabi sa akin ni hinayupak na dave.
Agad naman akong humarap sa kanya at nanlilisik na tumingin sa mga mata nya.
"Well try me mister." Mapang-asar na sabi ko sa kanya.
Naputol yung matalim naming titigan nang magpaka-O.A yung Cara nya at parang batang naagawan ng candy dito. Fine dining restaurant pa naman to, eww such a disgrace.
"But you do not do relationships and commitments to anyone babe!" Nagmamaktol na sabi Cara habang pumapadyak sa kanyang tinatayuan. Bakas na bakas sa mukha nito ang gulat sa mga narinig mula sa lalaking katabi ko.
Naramdaman ko na lalong humigpit ang akbay sa akin ni hinayupak na Dave. I'll just go with the flow, mamaya sya sakin.
"But this girl changed me in every way. So please Carmee, you're disturbing us" sabi nya sa babaeng ito.
Lalong pumangit yung mukha ni Cara at parang batang nagpa-padyak ng paa and mukhang paiyak na rin sya. Poor girl and an evil boy.
"Its Cara babe!! I cant belive this! Ughh!! I hate you!" Pasigaw na sabi ni Cara at nagmamadaling umalis na ng restaurant.
Napatingin ako sa mga paligid at napansin na nakatingin na pala ang lahat ng tao sa amin kaya naman pabalibag kong tinanggal ang pagkaka-akbay nya sa akin.
"Whoa! Easy my love. By the way thanks for the help. But I need to go bye!" Mabilis na sabi nya at agad na tumayo.
Napatayo ako nang mabilis syang lumakad palayo. " Hey you evil guy!! You better pay for this!! " sigaw ko nang palabas na sya ng restaurant.
"Bye my love!! See you soon!" Pasigaw din nyang sabi at nag-flying kiss pa bago tumakbo paalis.
Argghh!! How dare he take me in his mess!
I'm here trying to chill and suddenly he grabs me into his mess!! Someday you'll pay for ruining my day hinayupak na Dave!!
Nakakunot noo kong kinuha yung bag ko at agad na lumabas sa restaurant. Hindi pa ako nakakalayo sa restaurant ay nasalubong ko naman si tatay Jun.
Nagmamadali din sya at mukhang hinahanap na ako. " Anak, tara na at sa mansion ka na kumain. Pinapauwi ka na ng mga magulang mo eh. May bisita ata kayo" medyo hinihingal pang sabi nya.
"Sige po tay" badmood ko pa ring sabi.
"Wag ka nang magtampo anak. Sa susunod na lang tayo kumain sa labas" malungkot na sabi ni tatay Jun.
Na-guilty naman ako bigla dahil sa lungkot ng boses ni tatay. " Sorry tay. Hindi naman ako nagtatampo eh. May nangyari lang kasing nakaka-inis dun sa restaurant" kalmado ko nang sabi sa kanya.
"Salamat naman at hindi ka nagtampo sa akin. Pero ikwento mo sa akin mamaya yung nagpa-inis sayo ah" nakangiti nang sabi ni tatay.
Kinwento ko sa kanya yung nagyari kanina na nagpagaan ng sobra at nagpawala ng galit na naramdaman ko kanina. Ganito pala ang pakiramdam kapag may napagsa-sabihan ka ng mga bagay bagay.
Nakaka-gaan pala talaga sa pakiramdam. Natawa din ako nang sabihin nya na ipakita ko daw sa kanya si Dave at papagalitan nya ito.
Ngayon ko lang naramdaman na may tatay na nagtatanggol sa akin. Madalas kasi ay palaging ako ang mali sa paningin ni daddy.
Kahit na binabastos na ako ng mga anak ng business partner nya ay ako pa rin ang mali sa paningin nila.
Masaya ako na naranasan ang pagmamahal ng isang tatay sa unang pagkakataon
YOU ARE READING
Only Exception
RomanceI don't believe in any kind of love.. A love for a friend? Love from a family? Love for your pets? and most especially a LOVE FROM A PERSON that is not even related to you.. but there is this one boy who keeps on sneaking inside my life and my he...
Chapter 4
Start from the beginning
