Natawa siya. Malambing niya itong pinalo ng clutch bag sa dibdib. "Hindi pwede, ano ka ba. Pagagalitan ako ng clinical instructor ko 'pag hindi ako nag-pusod ng buhok."

"E 'di kapag kasama mo lang ako. Mag-ganyan ka ng buhok kapag magkasama tayo."

She just smiled. Ibig sabihin pala posibleng maraming beses pa silang magkakasama.

Pumasok na sila sa kotse.

Nagkabit agad siya ng seatbelt, tapos tinanong si Jett nang makapasok na rin ito sa loob. "Saan tayo pupunta?"

"May alam akong magandang restaurant. Malayo-layo lang pero sulit."

Ngumiti siya. "Okay. Basta hindi ako pwede masyadong gabihin, ha? May pasok ako bukas eh."

Tumango ito. "Ako ang bahala." Tapos binuhay na nito ang makina ng kotse.

***

TAMA NGA SI Jett. Malayo-layo nga ang kakainan nila.

Siguro mag-iisang oras din bago sila nakarating. Bigla ngang bumalik ang tensyon sa mga kamay niya. Kinakabahan na naman siya.

The place is a Filipino restaurant. Hindi ito kalakihan pero napaka-elegante ng disenyo.

May mga nakasabit na lanterns sa mga puno sa labas, at may dalawang porch swings din malapit sa entrance ng mismong restaurant. Bukas halos lahat ng mga full glass windows, kaya ramdam na ramdam ang malamig na hangin galing sa labas. Hindi na kailangan ng aircon.

Pumwesto sila sa pang-dalawahang mesa sa bandang likuran. Mula sa pwesto nila ay tanaw na tanaw niya ang medium-sized pool sa labas.

Hinila ni Jett ang upuan para paupuin siya. "Make yourself comfortable."

What a gentleman. Napangiti tuloy siya. "Salamat. Parang mamahalin naman dito."

"May pang-bayad naman ako, ah." Umupo ito sa katapat na upuan.

Natawa na lang siya. "Wala naman akong sinasabing wala kang pang-bayad."

Mukha naman kasi itong may kaya sa buhay. Halata sa pananamit nito at sa mga gamit nito. Not to mention he has his own car.

"Ayaw mo ba rito?" Bigla nitong tanong.

"Gusto ko, kaso—"

"Good. 'Yan lang gusto kong marinig." Tumawag na ito ng waitress para umorder ng pagkain.

Si Jett na ang pinapili niya kasi nahihiya siyang magturo. Nakita niya ang presyo ng mga pagkain, diyos ko ang mahal nga talaga! Ang isang ulam lang e katumbas na ng allowance niya for one week!

Wala pang bente minutos ang hinintay nila bago nai-serve ang mga pagkain na inorder ni Jett.

Medyo nalula nga siya sa dami ng pinili nito. Apat na main courses, at isang bowl ng salad bilang appetizer. E da-dalawa lang naman sila.

Bahala na nga lang. Sana lang maubos nila. Parang hindi pa naman siya makakakain nang marami dahil sa kaba niya.

Inumpisahan niyang tikman 'yung salad. Tapos sinunod niya 'yung Kare-Kare. In fairness, bumagay sa presyo ang lasa. Masarap. Aminado siyang mas masarap ito kaysa sa Kare-Kare ng ate Martha niya.

Medyo tahimik sila habang kumakain kaya naisip niyang kulitin si Jett. "Uy, magkwento ka naman."

Napahinto ito saglit sa pag-nguya. "Anong iki-kwento ko?"

"Uhm, kahit ano. Tungkol sa'yo?"

He smirked. "Akala ko ba hindi ka interisado sa'kin?"

Napanganga siya. "Grabe ka naman. Gusto ko lang na may mapag-usapan tayo."

Mending Fina [COMPLETED]Where stories live. Discover now