❤CHAPTER 41

82K 2.6K 179
                                    


HERA'S POV

Kanina pa ako nakatingin sa tatlong Ball gown na nakalutang sa Loob ng Walk-in Closet Ng Kwarto ko. Isang Silver, gold and Royal blue. Hindi o maintindihan, magaganda naman ang mga ipinahandang susuotin ko pero hindi ako masaya. Kinakabahan ako sa di ko maintindihang dahilan. Pakiramdam ko ay may mali.

Kung anu-ano na lang ang naiisip ko dahil sa takot kong may mangyari mamaya lalo pa't isang malaking pagtitipon ang manyayari. Don't get me wrong, I'm happy.

Masaya ako na Kasama ko si Dad sa pinaka mahalagang kaarawan na mangyayari sa buhay ko. I'm happy to have this celebration with my real father. Nandito si Dad. Nandito din kasi si Clyde at papunta lahat ng mga kaibigan ko. Ngunit, behind those happy thoughts there is my agony, my doubts, my overthinking.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Natatakot ako Na baka Magkagulo. This is my 18th birthday, Pero ito rin ang ika-Labinwalong taon mula ng Mangayari ang Ika-anim na Digmaan. Ang naging puno't dulo ng Gulong hanggang ngayon ay hindi matapos. Ito yung ika-labing taon ng pagkawala ko rito, ang dahilan kung bakit ako lumaking iba ang kinikilalang magulang.

Lumabas ako ng Kwarto ko at Bumaba. Lalo kong na-appreciate ang ganda na ng palasyo. Lahat ng bahagi ng palasyo ay hindi boring and ambiance, it's lively compared the past couple of days lalo na nung kararating ko pa lang dito. Ang ganda ng Ball room dahil punong puno ito ng disenyo. Abala ang lahat para sa paghahanda. Hindi ko lubos na Maisip na Ganitong klaseng Celebration ang mararanasan ko. Siguro magical, Pero Buhay ko palang ay magical na.

Lumapit ako sa May Lamesa. Handang handa na lahat. Hinawakan ko ang mala porselanang mga Plato Ng Biglang May Tumabi sa akin.

"Ay Tikbalang!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagkaghulat.

"Excited?'' Tanong niya at kinuha ang kamay ko.

Nakangiting tumango ako. Sinong hindi magiging Excited? Kung ganito ka-gwapo ang Escort ko. Mahal mo mismo ang magiging escort mo.

"Kinakabahan ako." Sabi ko at nagsimulang maglakad. Hawak ko lang ang kamay niya. Kahit papano ay nakaramdam ako ng kapayapaan sa magulo kong nararamdaman kanina. Kung ano0ano ang naiisip ko pero ngayong nandito siya sa tabi ko at magkahawak kamay kami ay biglang nawala lahat ng panganmba ko. Nawala ang takot ko at lahat ng nasa isip ko kanina.

"Don't be. Whatever happens I will be right here." He gave me an assurance that I can hold to. Nilingon ko siya. Maaliwalas ang mukha niya ngayon kahit seryoso siya. Alam ko naman na Lagi akong ligtas kapag nasa tabi ko siya. Ewan ko ba kung bakit pero parang ang peaceful ng pakiramdam ko kapag malapit siya sa akin.

"Thank you Clyde." Bigla nalang ay nabanggit ko.

He looked at me with a devilish smile.Ano naman? Nag thank you na nga ako.

"Naalala mo dati? Sabi Ko Wag kanmag thank you, Because thank you is not enough to me." Then he grinned. uh-oh.

"Ha? Hindi ko alam ang sinasabi mo ah. Yang mga ngiting yan, Naku Clyde Tigilan mo na." I said at binitawan siya. Nasa Garden na pala kami, Hindi ko napansin na nakarating na kami dito. Tumakbo ako palayo dahil ang creepy ng ngiti niya. Pero eto siya, mas lumawak amg ngiti.

"Run." Sabi niya habang may nakakalokong ngiti. Waaahhh!!! Mommy!!

Tumakbo ako ng tumakbo. Halos maikot namin ang Buong Garden. Nagtatago na nga ako sa mga puno at halaman. Mukha kaming bata na naglalaro. Tawa ako ng tawa ng masilip ko siya na palingon lingon sa paligid. Hindi niya siguro ako makita. Humagikhik ako kaya naplaingon siya sa direksiyon na pinagtataguan ko in just a blink of an eye wala na siya sa kitatayuan niya. Napatuwid ako ng tayo.

GENOVIA ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon