❤CHAPTER 3

158K 4.4K 172
                                    

HERA'S POV


"Hindi tayo matutulungan ngayon ni Steban na makagawa ng Portal kaya ako na Ang gagawa. Aabutin to ng tatlong Oras dahil Hindi ko field ang gumawa ng portal. Huwag ka muna maraming tanong. Kumuha ka ng makakain natin at dalhin mo dito. Sumulat ka na lang sa mga magulang mo ng gusto mong sabihin sa kanila dahil wala na tayong oras para magpa-alam ka ng personal sa kanila.Huwag ka na rin mag-abalang mag-empake, Hindi mo magagamit ang mga damit na ganyan doon." Sa hinaba haba ng sinabi niya Napatanga nalang ako. Anong una kong gagawin sa dami ng utos niya? "Kumilos ka na hera!" Natauhan naman ako kaya agad. akong lumabas. Natatarantang bumaba ako ng hagdan. isinara ko din lahat ng pinto at ibinaba ang mga kurtina.

"Manang! Manang!" Sigaw habang pababa ng hagdan.

"Bakit po Ms. Hera?" Salubong sa akin ng 3 kasambahay.

"Pahanda naman po ng pagkain. Mediyo damihan niyo po. Iwan niyo nalang po sa Labas Ng kwarto.Salamat." di ko na sila hinintay na sumagot at umakyat na pabalik ng kwarto ko. Agad akong kumuha ng Papel at ballpen At nagsulat Habang Busy parin si Lyra sa Ginagawa. Palaki na ng Palaki ang ginagawa niyang Portal. Sinlaki na ng Bola ng basketball.

Hindi ko malaman kung paano ko uumpisahan ang sulat na gagawin ko. Bahala na!

Mom And Dad,

Sorry if I didn't bid my goodbye personaly. Thank you for Taking care of since whe I was a baby. Thank you po talaga sa lahat lahat. Sana maintindihan niyo kung bakit ko nagawang umalis. I want to know myself more. I want to Find my Parent. Goodbye Mom and Dad. I'll Be back Soon. I promise. I love you.

-Hera

Pagkatapos ko magsulat ay Bumababa ako at dumiretso sa study room. Inipit ko ang sulat sa Flower vase ng center table. I sighed. Ito na ang huli beses na masisilayan ko ang kabuuan ng Study room na ito.Paglabas ko ng study room ay Nagikot-ikot pa ako sa ibang parte ng Mansion. Pinagmasdan ko Ang mga Servants na Busy. Ngumiti sila ng makita ako kaya nginitian ko din sila.

Bumalik na ako sa Kwarto matapos ang isang oras. Mas malaki na ang puting liwanag na ginagawa ni Lyra Kumpara kanina.

"Saan ka ba nanggaling?" Tanong niya na hindi patin inaalis ang konsentrasyon sa ginagawa. "Wag ka lalabas ng bahay, Delikado. At isa..... Yung buhok mo, Nagiging Asul." Napatingin ako sa buhok ko. Blue nga ang Dulo ganitong ganito rin kagabi. Tumakbo ako papunta sa CR at humarap sa Salamin.

"Ano to? Bakit ganito?" Tanong ko sa sarili ko. Narinig ko ang malakas na kulog. Lumabas ako ng CR at dumiretso sa may veranda. Hinawi ko ang Kurtina.

"Bakit umuulan? Ang dilim ng langit." sabi ko. Ang init init naman kanina. Tsk. Tinignan ko ang Wrist watch ko. 5pm na pala.

"Malungkot siguro ang Water Elemental User." Sabi niya.

"Ha!? Ano naman yun?" Tanong ko.

"Saka ko na ie-explain pag uwi natin. Anyways, Kanina pa may kumakatok sa pinto." Hindi na ako nagtanong pa at lumapit sa pinto. Hindi ko na pinasok ang Push Cart na may lamang pagkain sa mga servants. Ako na ang nagtulak papasok ng kwarto matapos ko silang pasalamatan. "Tara kain na muna tayo." Yaya ko sa kanya. Tumango naman siya. Hindi ko alam kung ano ang mga binanggit niyang salita. Latin yata ewan. Pagkatapos niya banggitin ang mga salitang yun ay tumabi na siya sa akin sa kama at nag umpisang kumain.

GENOVIA ACADEMY Where stories live. Discover now