❤CHAPTER 38

79.6K 2.3K 97
                                    


HERA'S POV

"You'll be dead soon. I'll kill you the way I killed your mother."

Hindi mawala sa Isip ko ang mga salitang yan. Pag-gising ko kasi kanina ay May nakita akong itim na ibon at sigirado akong uwak yun na nakadapo sa Veranda ng kwarto ko. Nagtaka pa nga ako dahil kahit minsan ay hindi pa ako nakita ng gumagalang uwak dito sa loob ng campus. Sa Wizard's City lang kasi sila nakikita. Pag alis ng ibon ay iniwan niya ang isang Puting papel at yan ang nakasulat doon. Hindi ko pa nga nababanggit kay clyde ang tungkol diyan. Saka na siguro.

Kumatok ako ng tatlong beses. Nandito na kami ni Clyde sa Labas ng Office ng dad niya. Pagkatapos ko kumatok ay kusang bumukas ang pintuan. Nagpatuloy ako sa loob at nakasunod naman siya sa akin. Naka yuko lang siya at nakapamulsa. Ano ba yan! Ang Tamad talaga nito! Kung hindi ko pa nga yan pinilit at kinaladkad dito hindi yan pupunta. Nakakahiya kaya para sa Dad niya.

"Kanina ko pa kayo hinihintay." Pambungad ni King Lyrox.

"Anak niyo po kasi. Tamad,, " Sabi ko at saka inirapan si Clyde. Ngumiti naman ako kay King Lyrox.

"Alam mo na yun kahit noon pa." Natatawang sabi ni king lyrox. Tama! Kahit noon pa tamad na yan.

Tawanan kami ng tawanan tapos si Clyde akala mo eh pinagsakluban na ng langit at lupa. Alam ko na alam ni tito na bumalik na ang alaala ko.

"Teka, Nakabalik na ba lahat ng alaala mo?" Napatigil ako sa pagtawa ng magtanong siya.

"Oo naman po ,,, tito.'' Nanlaki ang mata niya sa gulat pero agad din ngumiti. Tinawag ko na ulit siya as tito, Sineyasan niya ako na lumapit. In-spred niya ang kanyang mga braso para Yakapin ako.

"Welcome back Princess." He said. At niyakap ako ng mahigpit.

"Tss. Dad." Clyde call his father in a warning tone.

"Napaka seloso mo naman." Tito said and Patted his son's shoulder. "Para niyakap lang."

Okay? Di ako maka-relate. =__= Sila lang nagkaintindihan.

"Anyway, Humihingi ako ng tawad sa ginawa naming pagtatago ng ala-ala mo Princess. Ginawa lang naman namin yun para protektahan ka and at the same time to prepare you for the throne." Sabi ni tito saka umupo sa upuan niya.

Naupo na din si Clyde sa sofa, ako naman sa upuan na nasa unahan ng office table ni tito.

"Ano po ba pag-uusapan tito? Mukhang importante ang pag-uusapan tito." I said. Pinasadahan ko nga tingin ang expression ng mukha niya. Naging seryoso ang kanina ay nakangiti.

"You're going home." Sabi niya.

Matagal bago tanggapin ng sitema ko ang narinig ko. Bakit nila ako pauuwiin? Akala ko ba Hindi na ako pwede bumalik sa Mortal world? May nagawa ba akong hindi nila nagustuhan? Hindi kaya hindi naman talaga ako ang heiress? Paano kung panaginip lang pala ang lahat at kailangan ng matapos? Ay ano ba tong iniisip ko!? Hindi naman siguro.

*Knock*knock*

Natigil ako sa pag-iisip ng biglang may kumatok sa pinto. Bumukas ito at iniluwa ang dalawang Hindi ko inasahang pupunta. Mom, Dad.

Nag bow sila Bago lumapit. Mas lalo akong kinbahan. Tama nga ang iniisip ko. Babalik na kami sa Mortal World. Pero bakit? Naguguluhan talaga ako.

"Mom? Dad?" Kusang Bumuka ang bibig ko at tinawag sila.

Tumayo ako para salubungin sila ng yakap pero Nag bow lang sila at umatras ng isang hakbang. Huh? Bawal na ba ako lumapit sa kanila.

"Princess. We are not you're parents. Please." Sabi ni Mom ng naka yuko. Nagulat ako sa narinig ko. Hindi ko akalaing sa kanila pa nanggaling ang mga salitang yun. Ayaw na nila ako maging anak?

GENOVIA ACADEMY Where stories live. Discover now