❤CHAPTER 27

105K 2.9K 95
                                    

HERA'S POV

  
 
  
"Teka lang naman diba!?"  Angal ko ng pinagtutulak na ako ni Clyde Sa Gitna Ng Training hall. This is the 12th day na Nag-te-training kami. Tapos heto siya at madaling madali, akala mo naman may lakad.

 
"Ang Bagal! Paano mo kami matatalo niyan? Tsk. Tapos sasali ka pa sa tournament." Sabi niya at Talagang tinutulak ako. Tinatamad kasi ako ngayon. At ayaw ko rin maging Training partner siya ngayong araw. Bukod sa inis pa rin ako sa kanya eh Ayoko talagang nakikita ang mukha niya ngayon.
  

"Oo na! Oo na!" Tsk! Tapos naglakad na ako sa pinaka center ng training hall. May Bilog kasi Doon At May Malaking Disenyo ng Apat na naka-intersect na Star. Sumalampak ako na para bang nag-yo-yoga. "Teka nga. Kailangan ba ngayon na Talaga Kausapin ang Gods and Goddesses? Eh Sabi ng Tatay mo sa takdang panahon diba?" Sabi ko.
  
  

"This will be the perfect time." He said at nag-simulang paglakad sa labas ng side na mga guhit, na akala mo ay teacher na pinapangaralan ang kanyang estudyante. "Dahil bukod sa Kaya mo nang palabasin ang apat na Elememt, It would be easy for you to Call them. And when you able to summon  them It Will be just a piece of a cake for us to talked to them Anytime, Anywhere and in Any Situation." 
  

Siguro naguguluhan kayo kung bakit kami nagtatalo? At kung ano ang pinagtatalunan namin Yung tungkol sa pagtawag ko sa Mga Gods and Goddesses. Eh pano, Kailangan ko na daw Makausap sila at kahit si King Lyrox din Sinabihan na ako. Pati itong Apat na ito Eh kinukulit na ako. Gusto na rin kasi nila makausap ang God and Goddess ng Element na hawak nila. Nabanggit nila sa akin na Isang beses lang sa isang taon nila Makita at makausap ang mga ito. Hirap na hirap daw silang tawagin ang mga ito dahil Kailangan ng pahintulot mula sa Light Goddess na makipagusap sila sa User ng Element. Pero Kung matatawag ko sila ngayon Ay Matatawag nila Clyde ang mga ito anytime. Dahil sa Pagkakataong Ito , ay Mabubuksan ko ang pinto sa pagitan ng Mundo Ng Mga diyos /diyosa at mundo naming Lima. 
  

  
Isa rin sa dahilan kaya pinipilit nila ako na Tawagin ang Gods and Goddesses dahil kapalit nun ay Ang Mga Elemental Dragons na makukuha namin at makatutulong sa amin sa darating na Tournament sa Ikatlong Cresent moon. In Short—Ako ang Susi sa lahat at sagot sa problema. ANG KASO!!! Ayan! Meron tayong tinatawag "ang kaso" at "kaya lang''. Hindi ganun kadali ang tawagin sila, Bukod sa Kailangan mo ng matinding Konsentrasyion at dadaan ka sa Napakaraming Pagsubok sa Loob ng Kaharian nila.
 

  
  
"Hera, Sige na Gawin mo na. Para makontrol mo na ng maayos lahat ng Element na hawak mo." Pakiusap ni Eris Na naka-upo sa Left side Ng Training hall kasama yung dalawa. 
  

  
"At Para Hindi na mauulit ang nangyari kagabi.'' Dugtong ni akira. =__= Pinaalala nanaman niya. Pinilit ko na ngang kalimutan tapos pinaalala niya.
  
  
  
"Yeah. I Agree." Pagsang-ayon ni Sirene at tumango tango pa. Ganun ba sila katakot sa nagyari kagabi? Hindi ko naman kasi sinasadya eh.

  
  
Ganito kasi Ang Nangyari.
  

  
*FLASHBACK*
 
  
Dito na kami dumiretso sa Office ni Headmaster Rhea. Pag-uusapan daw ang tungkol sa gaganaping tournament. Wengya! Palpak kasi itong Dwendeng ito eh.  
  
  
"Gandalf." Tawag ni Headmaster kay Gandalf na Kasalukuyang nakikipagharutan kay Eris. "Gandalf" Tawag ulit ni Headmaster Rhea pero parang walang naririnig si Gandalf. 
  
  
  
  
  
Lahat kami ay nakatingin na dun sa dalawa. Lahat nakaupo sa sofa,. Wengya! Tibay nila. Di parin nila maramdaman na ang sama na ng tingin ni Master kay Gandalf. Si Akira nagpipigil na ng tawa. At kami ay nakatingin lang sa dalawang nag babato-bato pik =__=
 

GENOVIA ACADEMY Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora