❤CHAPTER 39

75.4K 2.5K 151
                                    


THIRD PERSON'S POV

Napamura sa isip Si Clyde ng Mapansin sa bintana ng sasakyan ang mabibilis na Lipad ng mga mangkukulam sakay ng mga walis nito.

"Dark wizards." Sabi niya sa isipan niya.

"Sasama ka?" Nalipat ang atensiyon niya when Hera asked Him. Gusto sana sabihin ni Clyde na oo.

"Hindi." Sabi niya at hindi mapakali sa paligid. Kinabahan siya para kay Hera dahil Wala itong kaalam alam na Maraming kalaban sa likuran.

mabuti nalang at nasa kanya ang atensiyon ni Hera at sa kanya ito nakaharap dahil tanging ang bintana lng sa Tabi ni hera Dumaanang isang Batalyon ng Dark Wizards.

"Ang gulo mo naman!! Eh bakit ka nandito??" Sabi nito na ikinangiti ni Clyde ng Lihim. Kahit nakasimangot kasi ang dalaga at kung masaya ay Napakaganda parin nito.

"Kasi hindi mo ako hinintay. Lumipad pa ako para habulin ka." Pansin niya ang pagkamot ni Hera sa batok at ang nahihiyang pagngiti. Halos tumalon ang puso niya dahil sa ngiting iyon.

"Hehe Sorry na Hubby." Then niyakap siya ni Hera.

Pagyakap sa kanya ni hera ay nakita niya na nakatutok ang wand ng isang Dark Wizard sa likod ni Hera. Naging Alerto siya at Binato agad ng Fireball ang kalaban. Maingat niya iyong ginawa dahil kabilin- bilinan ng Kanyang ama na maayos at walang kahit anong galos si Hera na makarating sa Aither.

"I have to go." Gustuhin man ni Clyde na samahan ang mahal niya patungo sa Aither ay mas kailangan niyang unahin ang kaligtasan nito. Mabigat sa loob na Lumabas siya ng sasakyan at bumaba "Iisipin nanaman nun galit ako. Bahala na nga." Sabi niya sa isip niya.

Paglabas na paglabas niya ay naabutan niyang Lumilipad na si Ariona at Reed. Sobrang daming kalaban sa himpapawid at Halos Wasak na ang sasakyan ng mag-asawang Williams. Nakuha ng Atensiyon niya ang isang Archer na Inaasinta ang bintana ng sasakyan ni Hera kaya agad niya itong tinira pero nahuli siya ng kilos dahil nabitawan na nito ang arrow. Narinig niya ang sigaw ni Hera mula sa loob kaya Hindi siya nagdalawang isip na sumugod.

Habang abala sa pakikipaglaban ay sinenyasan niya ang Kawal na nagmamaneho sa Sasakyan ng dalaga. Tumalima ito at Binilisan ang lipad. , Naiwan silang nakikipaglaban at tinanAw nalang niya ang Tuluyang paglipad patungo sa makakapal na ulap ang karwahe.

HERA'S POV

"What is Happening Outside!? Sagutin Niyo na po mga kuya." Pangungulit ko dahil dobrang bilis na ng lipad namin. May naririnig akong mga Daing at Mahihinang sigaw. May mga mahinang pagsabog.

"Your majesty, Nasundan po tayo ng mga Dark Wizards." Nanlaki ang mata ko. Paanong-

"Si Clyde po? Bumalik tayo Kuya! Si Clyde."

"Princess, Mahigpit pong ipinagbilin ng Hari ng fire kingdom na Ihatid kayo ng ligtas at Maayos sa Inyong kaharian. Ang Fire Prince narin po ang nagsabi na mauna na tayo." Sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako at Tinanaw ang Academy mula sa bintana. Wala na ako ibang makita kundi puro puting makakapal na ulap.

Sana walang masamang mangyari kay Clyde at Kila Mr. and Mrs. Williams. Haaay... Bakit kaya hindi matapos tapos ang mga Problema? Minsan iniisip ko kung Hindi nalang kaya ako Sumama dito kay Lyra At steban simula pa noong una? Baka hanggang ngayon normal lang ang buhay ko sa Mortal World. Walang kapangyarihan, Walang gulo, Walang digmaan, Walang Prinsesa, Walang namatay na mahal ko sa buhay, Walang Mga Nakatakdang mangyari at walang banta sa buhay ko. Lahat yan iniisip ko. Yung mga What ifs na Alam ko namang impossible. How?

GENOVIA ACADEMY Where stories live. Discover now