"Joke lang." Ngumiti siya nang matamis. "Pero umayos ka talaga. Itigil mo 'yang cutting-cutting mo na 'yan."

"Oo na nga. Ang higpit mo sa'kin. Hindi naman ako babagsak kahit na mag-cutting ako. Ang dali-dali sa course ko. Hindi 'yon katulad ng Nursing na dapat araw-araw nag-aaral."

"Ang course ko na naman ang nakita mo? Ga-graduate na lang ako, hindi ka pa rin natapos-tapos diyan. O, nag-aral ka na ba? Malapit na ang prelim exams."

Napakamot ito ng ulo. "H'wag mo 'kong i-pressure. Busy na nga ako sa practice, pinapa-alala mo pa 'yang prelim. Malayo pa naman, tsaka na ako mag-aaral."

Hay, napailing-iling siya. Mas importante talaga rito ang basketball kaysa sa academics.

"Bahala ka," sabi niya na lang. "Sige, hintayin mo ako, wala ka naman na pa lang klase. Mag-aaral lang ako saglit tapos aalis na tayo. Ililibre mo ako ng ice cream tapos ihahatid mo na ako pauwi."

Hindi naman sa makapal ang mukha niya. Dati kasi, ganoon na talaga ang ginagawa nila ni Pierre. Natigil lang 'yon noong mag-umpisa na ang regular practice nito. Naghahanda kasi ang team nito sa nalalapit na intercollegiate competition.

Natawa na lang naman si Pierre sa sinabi niya. "Oo na lang. Makakahindi ba ako sa'yo?"

Ngumiti ulit siya tapos napansin bigla ang buhok nito. "Ayusin mo nga 'yan. Ang gulo-gulo na naman. Hindi talaga uso sa'yo ang suklay."

"Ang tawag diyan, messy hair."

She chuckled. May pa-messy hair-messy hair pa itong nalalaman. Binalik niya na lang ulit ang atensiyon niya sa inaaral niya.

"Sige na, tapusin mo na 'yan. Dito lang ako," sabi naman nito. "Mukhang stress na stress ka. May sakit ka ba? O pagod lang ulit sa duty?"

"Nagka-sinat lang ako. Naabutan kasi ako ng ulan kagabi, tapos hindi pa ako nakatulog nang maayos."

Bigla naman itong napatuwid ng upo. Dumikit ito sa kanya at sinilip ang mukha niya na tutok na tutok sa tapat ng libro. "Tsk, naulanan ka? Sana hinintay mo ako para naihatid kita." Kinapa pa nito ang noo pati leeg niya.

Sus. Dinaig pa yata siya nito sa pagiging Nursing student.

"Uminom ka na ba ng gamot?" sumunod pa nitong tanong. "Dapat umabsent ka muna."

Umiling siya. "Alam mo namang hindi ko ugaling uminom ng gamot. Nakaka-immune kapag sinasanay mo ang sariling mong mag-gamot. Sinat lang naman 'to. Okay lang ako."

Pero ang totoo talaga, parang biglang bumalik ang sama ng pakiramdam niya. Nilalamig siya kahit na may suot naman siyang jacket. Kanina pa 'yon pagkalabas niya ng cafeteria, e. Siguro nakadagdag din 'yong ginawa ni Jett.

Nagulat na lang naman siya ngayon nang biglang isara ni Pierre ang librong binabasa niya at kinuha iyon.

"U-uy teka, hindi pa ako tapos," pigil niya.

"Bukas ka na lang mag-aral," sabi nito. "Tara na, ihahatid na kita."

"Hindi pwede. May short quiz ako bukas." Sinubukan niyang agawin ang libro mula rito pero iniwas lang agad 'yon ni Pierre. Wala siyang laban sa tangkad nito.

Mending Fina [COMPLETED]Where stories live. Discover now