Chapter 30: Attack

Depuis le début
                                    

Ilang minuto ang lumipas pero hindi parin ako kumakalma. Alam kong hindi pa makakabalik si Zander sa mga oras na ito. Binuhay ko ang engine ng sasakyan at pinaandar ito. May mga orders na nagtangkang pigilan ang pag alis ko.

"Miss Laura, kailangang malaman ni alpha-"

"I need to go home." Sinabi ko mula sa nakabukas na bintana. "Tell Zander I'm heading to the mansion."

Tuluyan akong umalis. Kailangan kong malaman ang totoo. Kung hindi ito magmumula kay Zander, mabuti pang alamin ko ang gamit ang bagay na ito. Ito lang ang alam kong makakapag paliwanag ng lahat.

--

Habang nasa byahe unti unti akong nanghihina. This is why everyone wanted me to stay away. I could bring chaos in Van Zanth. Tears blurred my eyes. I tried to wipe it off. I almost lost control of steering wheel when I saw a person blocking my way. I cursed and stepped heavily on the break.

Halos tumama ang ulo ko sa manibela. Huminga ako ng malalim. Hinintay ko ang ilang segundo bago kumalma. Nang muli kong ibaling ang tingin sa labas, nanlamig ang aking katawan. He was standing there, with a light smile on his full lips. Hindi ko akalain na makikita ko siyang muli. The outsider.

Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Nanatili ako sa loob ng sasakyan. It was a de ja vu. Halos ganito din ang sitwasyon noong una kaming nagkita. Lumapit siya sa akin. Alam kong hindi niya ako sasaktan. I could see it in his eyes. Tila ba kilala niya ako maliban pa sa pagiging mate ng alpha.

Kumatok siya sa bintana ng driver's seat. I gripped the steering wheel tightly. What is he doing here? He can't be here.

Dahil sa frustration at pangamba, binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at bumaba. Napaatras siya. Nang tuluyan na akong nasa harap niya, ngumiti siya. A strangely genuine smile.

"Long time no see." Bati niya.

"Hindi ka dapat nandito." Sinabi ko. How can he even smile in this critical situation?

"Bakit hindi?" Balewalang tanong niya.

Wala akong makitang pangamba sa kanyang mukha. Maybe he's more dangerous than I thought. Napaatras ako.

"I-I have to go."

Akmang babalik na ako sa loob ng sasakyan nang hawakan niya ang aking braso. I flinched. Agad akong lumayo sa kanya. Pakiramdam ko nakuryente ako.

"Masyado ka ng naging malapit sa kanya."

Naging seryoso ang boses nito habang nakatitig sa akin. Tila hindi niya nagustuhan ang nalaman.

"Ano bang sinasabi-"

Natigilan ako. Tinitigan ko ang kwintas na suot niya. Isang familiar na bagay ang nakasabit dito. A bullet. Pareho ito ng sa akin. Bumalik ang tingin ko sa mukha ng lalake. My mouth went dry and my breathing suspended. Madaming tanong ang pumasok sa aking isip.

"Who are you?"

"Laura, kakampi mo ako."

Umiling ako. Hindi maaari. Impossible na may kinalaman siya sa aking pamilya.

"Nandito ako para balaan ka."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Laura, ang lahat ng ito, sa ayaw mo man at gusto ay may kinalaman sayo. Kaya nilang wasakin ang bayan na ito."

"Stop messing with me!" Halos singhal ko. "I don't even know you." Mariin kong sinabi.

For a second pain flashed in his eyes. Pero agad itong nawala nang muli niya akong balaan.

"You don't belong here, Laura. The earlier you realize it, the better."

Tinitigan niya ako at bahagyang ngumiti.

"Siguro nga hindi ito ang tamang pagkakataon. Kung handa ka ng harapin ang katotohanan, alam mo kung saan ako makikita."

Tuluyan siyang umatras palayo sa akin. Pero ramdam ko na maging siya ay nagdadalawang isip na hayaan akong umalis. Why was he so worried?

Gusto kong masagot ang aking mga tanong. Gusto ko siyang makausap. Ngunit nangangamba ako na baka mapahamak siya sa lugar na ito dahil sa akin.

--

Panay ang tingin ko sa side mirror habang nagmamaneho pabalik sa mansion. He stood there, carelessly, in the open. Walang takot na mababakas sa kanyang mukha maliban sa pangamba noong hinayaan niya akong umalis.

Noong tuluyan na akong nakapasok sa property ng mansion, pagsilip kong muli ay wala na siya. Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag o mas mangangamba. How can someone like him roam freely in Van Zanth?

Walang tao sa mansion noong dumating ako. Nasa ancestral house parin si Miss Loraine at Aunt Helga. Baka mamayang gabi pa sila makauwi. Umakyat ako sa aking kwarto. Sa second floor nadatnan ko ang pusang si Elvis na tila naramdaman ang pagdating ko. Bumalot ang kanyang mabalahibong katawan sa aking paanan. I have to usher him away.

Nagmadali akong pumunta sa aking kwarto. Pagpasok ko kinalkal ko ang aking drawer. Isang bagay lang ang kailangan kong makita. Nang mahanap ko ito at mahawakan, bigla akong kinabahan. Paano kung totoo ang lahat ng aking hinala? Makakaya ko bang tangapin? Tinitigan ko ang itim na kahon na nasa aking palad. Binuksan ko ito. Kumislap ang metal na nasa loob nito. The bullet.

Kinapa ko sa aking bulsa ang isa pa. Dumikit ang bahid ng dugo sa panyo kung saan ko ito binalot. Palihim ko itong kinuha mula sa tray na may kasamang medical instrument bago ako umalis sa gymnasium kanina. Hawak ang metal sa magkabilang palad, pinagkompara ko ang mga ito. Same copper bullet. Mine was engraved with cursive words. The bullet tainted with blood has a single letter on its base. A.

Napaupo ako sa aking kama. The bullets were almost identical. Tila isa lamang ang pinagmulan nito. Bumalik muli sa aking isip ang sinabi ng outsider.

You don't belong here. The earlier you realize, the better.

Sila ba ang may kagagawan nito? Dapat ko bang ipaalam kay Zander ang lahat ng nalaman ko?

--

Nagkaroon ng meeting ang natitirang orders matapos ang insidente. Nangyari ito sa mansion at nasaksihan ko ang lahat. Kung paano nagalit si Zander at kung paano siya bumalik sa pagiging nakakatakot na leader.

"They would pay for this."

Tahimik akong nakinig habang nasa paanan ng hagdan sa second floor. Hindi ko gustong malaman niya na nakikinig ako at nakikita ko kung paano siya magalit. Zander, when it comes to protecting this town, could be heartless.

"Hunt them down. Kill them. I don't want to see any human hunter breathing in my territory."

Nakasandal ako sa pader habang naririnig ang kanyang command sa living room. Napahawak ako sa aking dibdib. May kung anong sakit ang bumalot dito.

How about me, Zander? Can you really keep me if both of our worlds collide like this?

***

Living with a Half BloodOù les histoires vivent. Découvrez maintenant