#Dreamers (FIRST CLASS WITH THEM)

Start from the beginning
                                    

Sa ginagawa nyang yun, Sa totoo lang diko mapigilan ang di matawa............Para kasi syang baliw na pinaglalaruan ang mga kilay nya hahaha Grabe! Sige na aaminin ko na Cute na sya :) cute lang hihi

"Tumigil ka nga ador" Ngingiti ngiting sabi ko.

Tumalikod na ulit ako sakanya "Ayieee....Ngumingiti na sya" Pang aasar nya habang kinikiliti ako sa baywang.

Pilit kong hinuhuli ang kamay nya "Ador! Tumigil ka nga!" Pinanlakihan ko sya ng mata.

Grabe! Ginagawa nya kong bata! "Aminin mo munang ngumingiti ka?" Sabi nya habang pilit pa rin akong kinikiliti.

Ehhhhhh.....Ador! Tumigil ka na please!!! Bwisiiiiiit nakikiliti ako.

"Ador hahaha ta haha ma na haha" Tawang tawang sabi ko.

Pinagtitinginan na tuloy kami dito, Kainis 'tong ador na 'to kung dipa dumating si ma'am tiyak di pa nya ako titigilan.

"Sorry I'm late!" Si maam dungao...Mabait naming teacher yan.

Binati at winelcome nya muna yung dalawa bago sya nag start ng lesson, pero Di naman as in lesson....May halo kasing kwento ang pagtuturo nya kaya di ako nabobored.

Napatingin ako sa pwesto ni Austin ng maramdaman ko ang mga titig nya, Anu naman kayang problema nito? Tumingin sya sa katabi ko kaya napatingin din ako....My ghad! Muntik na kong mapasigaw sa gulat, Panu ba naman kasi pagharap ko kay ador nakanguso syang nakatingin sakin.

Ghad! Nababaliw na nga ata talaga tong katabi ko "Aray!!" Reklamo nya pitikin ko ang nguso nya.

Anung bang problema ng mga lalaki ngayun? Para silang mga baliw! "Umayos ka nga! Nakakadiri ka!" Tila nandidiring sabi ko.

Nag iwas naman sya ng tingin "Grabe ka naman llian...Di ba pwedeng nagagandahan lang ako sayo" Nakasimangot na sabi nya.

Umirap ako "Tigil tigilan mo ko ador!" Inis na singhal ko.

Grabe! Buti nalang at di kami napapansin ni ma'am dahip kung nagkataon naku!  malalagot 'to sakin.

Tumingin ulit ako kay Austin na kunot noong nakatingin sakin ngayun "What!" I mouthed in annoying way.

Umiling iling lang sya saka na yumuko at nag iwas ng tingin!

Anu bang problema ng mga tao ngayun? Haaay! Naku, ang gulo gulo na talaga sa earth!

---***----

Mabilis natapos ang oras para sa tatlong subject, Dalawang subject nalang para sa araw na 'to at makakauwi na ko.

Mag isa akong pumunta sa canteen para hanapin sila bebs usapan kasi namin na dito nalang kami magkikita, Para madali.

Sila Austin at nicole naman ay sumama kay ador sa kung saan, Bahala na sila! Basta ako magmomove on nalang, Ayoko pang patayin ang sarili ko noh!

:( pero naisip ko, Tama bang mas pinili ko nalang ang mag move on at iwasan sya para sa ikabubuti ng lahat....Minsan kasi pakiramdam ko mali!

"Bebs!!" Nagpalinga linga ako sa paligid para hanapin ang maiingay na yun...Ayun!

Napangiti ako at agad lumapit sakanila, Infairness namiss ko rin sila haha.

"Musta mga bebs?" Ngiting tanong ko.

"Ayos na ayos" Si kyna habang naglalagay ng pagkain sa harap ko, Grabe! Alagang alaga ako dito hihi.

"Nga pala bebs, Kailangan ka ngayun sa theater" Sabi ni rose ann.

Kumagat muna ako ng mamon "Bakit daw?" Ngumunguyang tanong ko.

"Anung bakit? Di ba president ka" Sabi nito.

Napairap ako "Yeah! Yeah! Watever!"

Kaklase ko nga pala sila sa lahat ng subject, wala lang sila kanina dahil sa kadahilanang di ko rin alam haha

"Diba kaklase mo sila steve franco?" Biglang tanong ni kyna.

Muntik na kong mabulunan sa tanong nya, Isakto ba namang umiinom ako ng tubig! Naman eh!

"Don't say bad words!" Inis na sabi ko.

Bad words! Bad words talaga ang mga name nila!! Nakakainis pakinggan.....Haaay, Bakit ba ko nagagalit sakanila? Di dapat ako nagagalit sakanya.


Pagkatapos nun ay natahimik na kami, Alam kong nakuha na nila ang ibig sabihin ko na Ayoko munang pag usapan ang tungkol sa dalawa.

**Fastforward**

"Beb si jerome oh?" Tumingin ako sa tinuturo nila.

sila jerome at ang mga kateam mates nya, Papasok sila dito sa canteen....Mukhang di nya pa kami nakikita dahil nakikipag usap sya sa mga kasama nya.

Napatingin ako sa mga babaeng halos maglaway na sa kakatingin sa bestfriend ko....Hmm well gwapo naman kasi si jerome.

"Buti nakasali sya sa basketball?"Tanong ni rose ann.

"Oo nga eh" Malapit na rin kasi ang finals kaya kahit ako nagtaka at nakasali sya agad.....Ganun ba sya kagaling? para kahit sa mismong laro ay isali sya.

"Tawagin mo nga bebs, Maraming gwapong kasama eh" Si kyna habang nagniningning pa ang mga matang nakatingin sa grupo nila jerome.

Napailing ako "Wag na...Saka di ka pa ba nagsasawa sa mga gwapo" Ngingiti ngiting sabi ko.

"Aba! Kahit magunaw 'tong mundo mga gwapo pa rin ang hahanap hanapin ko" Proud nya pang sabi.

"Ewan ko sayo" Natatawang sabi ko, Ang cute nya kasing tingnan kung pano magningning ang mga mata nya hihihi.

"Sige na....Tawagin muna llian bebs, Naglalaway na dito si kyna oh" Natatawa ring sabat ni rose ann.

Tiningnan lang sya ng masama ni kyna "Shut up beb" Namumulang singhal nito.

Natawa kami, Basta talaga kalokohan......Umiling iling nalang ako saka ko ulit tiningnan ang grupo nila jerome na nasa counter na ngayun.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now