#Dreamers (IS HE STILL LOVE ME?)

Start from the beginning
                                    

Grabe! Di ko pa pala nalilinis tong mga sugat ko, Haist! Maya na nga lang magpapaka sweet loving girlfriend muna ako haha echos lang.

Knock! Knock!

Knock! Knock!

Ilang beses akong kumatok sa pinto ng kwarto nya bago ko napagpasyahang pumasok nalang...Aba! Mahirap na noh? Malay mo nagbibihis pala yun :-* Makita ko pa abs nya...Baka matukso pa ko at marape ko sya hihihihi

"Austin...." Tawag ko sakanya ng makita ko syang over kung magtalukbong ng kumot "Austin?" Napakunot ako ng noo nang mapansin kong tila nanginginig sya.

Ibinaba ko muna ang tray ng pagkaing dala ko bago ako lumapit sakanya "Austin?" Sinubukan kung tangin ang kumot nya ng mapatigil ako..... Jusko! Bakit? "Ghad!! Inaapoy ka nang lagnat ah!" Gulat na bulalas ko.

Bat diko napansin kanina na masama ang pakiramdam nya? My ghad!! Kanina pa kaya sya ganito? Nanginginig na at sobrang init na ng balat? Syete! Kasalanan ko ba to?

Tanga llian!! Wala ka namang powers para mabigyan mo sya ng lagnat!

"Austin wait lang...." Natatarantang sabi ko sabay lipad este takbo papunta sa kusina.

Ang alam ko kapag nilalagnat ako, pinapainitan ako ng tubig ni mana saka ako pinupunasan....Haist! Bakit ba ngayun pa? Kung kelan di ako train maging doctor!

Pagkabalik ko sa kwarto nya ay agad ko na syang pinunasan ng bimpo, Kahit masakit ang mga paso at sugat ko dahil kakapiga ay tiniis ko talaga, Para sakanya.

"Austin inumin mo muna 'tong gamot" Sabi ko.

Inalalayan ko syang makaupo sa kama saka ko itinapat sa bibig nya ang gamot na agad nya rin namang ininom.

"Salamat" Nakapikit at tila nanghihinang sabi nya.

Tumango tango ako "Magpahinga ka na muna, Para bumaba kahit kunti man lang yang lagnat mo" Grabe! Bat ba 'to nagkasakit? Saka sobra naman ata ang init ng balat nya.....Alien ata 'to eh hihi

Kinumutan ko ito ng maayos ng makatulog na sya, Hindi na sya nanginginig ngayun pero sobrang init nya pa rin.

"Austin..." Hinaplos ko sya sa pisngi "Are you still love me? K-Kasi ako...........OO" Halos pabulong na sabi ko.

Is he really love me? O Pinapaasa ko lang ang sarili ko sa wala....pero kahit ganun, kahit magmukha akong tanga basta mahal ko sya sapat na yun sakin.

Lumabas muna ako ng kwarto nya para iligpit lahat ng nagamit ko kanina, Kunti lang naman ang liligpitin ko kaya for sure makakabalik agad ako sakanya.

15 mins past......

Saktong paakyat na ko ng hagdan ng biglang mag ring ang telepono namin.

Kring!Kring!

Kring! Kring!

"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.

"Hello!!" Medyo naiinis na sabi ko, Ang tagal ko na kasing naghihintay na magsalita kung sino man 'tong tumawag.

Haist! Anu ba naman 'to! Patawag tawag di naman pala sasagutin! Sh*t si Austin pa pala!

"Tsk! Kung di ka rin lang naman po magsasalita mas mabuti pang ibababa ko nalang 'to!" Grabe! Pati ba naman sa telepono may mga naglalakas pa rin ng loob tumawag.

Ng akmang ilalayo ko na sana ang telepono sa tenga ko nang bigla kong marinig ang isang pamilyar na buntong hininga....Parati syang nagbubuntong hininga kapag kinakabahan sya.

"Hey sweetie....." Napapikit ako ng marinig ko ulit ang boses nya sa telepono, Bakit pa ba sya tumatawag?! "*Sigh* Hindi naging maganda ang naging usapan natin noong huling punta ko dyan, Miss na miss na k-kita anak.....Sana madalaw mo ko minsan dito" Malungkot na sabi nito.

Umirap lang ako, Grabe! Ang sakit nyang magsalita! In a soft way ! Bwisit! I really really hate him "Tingin mo ba masisikmura kong umapak sa bahay ninyo ng kabit mo!" Ni makita nga lang na magkasama sila nasusuka na 'ko.

"Im sorry llian anak....but believe diko ginustong masira ang pamilya natin....Diko g-ginustong mahiwalay sayo"

Agad kong pinunasan ang mga luhang nakatakas sa mga mata ko "Your a liar! Pinili mo sya! At Iniwan mo kami! Maliwanag na saakin ang lahat mr. Guevarra! Kaya please leave us alone!....hayaan mo nalang kami ni mama" Nanggaliiting sigaw ko.

"A-Anak--"

Diko na hinintay ang susunod nya pang sasabihin, Padabog ko nang ibinaba ang telepono.

Sh*t! Sunod sunod kong pinunasan ang mga luhang sunod sunod ring naglalandas sa pisngi ko.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now