MSVL - 50 "I Feel Protected"

3.9K 172 1
                                    

Angelo's POV

Tumingin ako kay marcus na tila nagtatanong kung paano nya nalaman ang tungkol kay rey.

Mukang nakuha naman niya ang gusto ko sabihin at ngumiti ito.

"Actually, hinulaan ko lang yun. At dahil sa reaksyon mo, that means... I was right". Paliwanag nito sabay inom ng alak.

Umiwas ako ng tingin. Dobleng-guilty ang nararamdaman ko ngayon.

"Mapapahamak ka lang sa kanya". Pagkuwa'y wika nito.

Saglit akong napalingon sa kanya. Alam kong sinabi nya lang iyon dahil nakikita nyang mahirap ang sitwasyon ngayon.

"Ilang beses na ako naging mahina. I think this time kailangan ko na lumaban para samin". Alam kong pwede yun makasakit kay marcus pero gusto kong maging totoo sa kanya. Kahit dun man lang eh makabawi ako sa pagiging totoo nya sakin.

"You didn't get me. You know nothing about him". Seryoso itong tumingin sakin.

Hindi agad ako nakasagot. Tama sya. Wala akong alam tungkol kay rey bukod sa pagiging bampira nito. Maraming tanong sa isip ko na hindi nabibigyan ng kasagutan tungkol sa kanya. Pero alam ko sa sarili ko na dapat ko sya pagkatiwalaan. At yung panghahawakan ko.

"I don't have to know everything. I just have to trust him. And I do. I really do". Sagot ko na hindi lumilingon sa kanya.

"Naging mabuti naman ako sayo di ba?" Tanong nito at muli ako napalingon sa kanya.

"Ngayon..." Ininom nito ang huling laman ng baso at ibinaba iyon sa lamesa.

"Gusto ko naman maging selfish". Sa isang iglap ay ibinagsak ni marcus ang katawan niya sakin kaya napahiga ako sa sofa.

Sinusubukan ko syang ilayo. Nakata-gilid ang mukha upang hindi magtama ang mga labi namin.

"Sorry, pero hindi ako papayag na mapahamak ka. Gagawin ko ang lahat para makuha kita sa kanya". Seryoso niyang sabi sa tenga ko.

Hindi ko magawang magalit kay marcus. Hindi ko man maintindihan ang dahilan nya, alam kong iniisip nya lang ang ikabubuti ko.

Nakaharang pa rin ang dalawa kong braso kay marcus ng maramdaman kong nakapasok nasa loob ng damit ko ang isa niyang kamay.

"M-marcus... please w-wag mong gawin..." Pakiusap ko.
Hindi ako makakilos dahil nakadagan sakin ang katawan ni marcus.

Wala na ako nagawa ng hawakan ni marcus ang likod ng ulo ko at pinilit iyon iharap sa kanya. And he kisses me.

Hindi ko mailayo ang mukha ko dahil nakasuporta ang kamay nito.

Bigla ay nakarinig na lang ako ng malakas na ingay na nagpahinto kay marcus. Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan niyon at nakita naming nakatayo doon si rey.

Hindi ako nakakilos sa pagkabigla.

Tumayo si marcus at sa isang iglap ay nawala sila sa paningin ko. Narinig ko ang nagbagsakang gamit sa bandang likuran ko kaya napalingon ako doon.

Saka lang ako napatayo ng makitang naka-angat si marcus na nakasandal sa pader habang sakal ito ni rey sa leeg.

"Rey?" Agad ako lumapit sa kanila at hinawakan si rey sa braso nito upang ibaba.

My Seductive Vampire Lover (BoyXBoy)Where stories live. Discover now