MSVL - 38 "Guilty"

4.5K 195 2
                                    

Author's POV

"Salamat" maigsi sabi ni aelo kay rey habang naglalakad pabalik ng valley.

Ngumiti lang si rey.

"Babawi ako sayo next time". Dugtong ni aelo.

"Hindi na kailangan". Sagot ni rey.

"Basta babawi ako. Promise". Pangungulit ni aelo.

Huminto si rey kaya napahinto din si aelo.

"Makulit ka talaga noh? Sige, tutal mapilit ka. Maniningil ako sa susunod, ako ang magsasabi kung panu at kung kelan" wika ni rey.

"Anu naman sisingilin mo?"

"Hindi ko pa alam, basta maghanda ka na lang". Nagpatuloy sa paglalakad si rey at sumunod si aelo.

~~~

"Aray!" Sigaw ni aelo at rey ng dumapo sa kamay nila ang matigas na pamalo ni eurecka.

"Anong problema mo?!" Inis na tanong ni rey.

"Hoy! Mga batugan" Dinuro pa ni eurecka ang hawak na pamalo kina rey at aelo.

"Saan kayo nanggaling at ngayon lang kayo? Nasan ang mga dala nyong kahoy? Di ba kasama sa Do's ang pangunguha ng kahoy sa umaga para sa mga gagamitin natin? Tumakas pa kayo sa mga gawain nyo ha" Sita ni eurecka.

"Kanina ko pa dinala yung mga yun nung tumutuloy pa ang laway mo". Inis na sabi ni rey habang nakaturo sa mga kumpol na kahoy panggatong. Inirapan lang ito ng babae.

"Ikaw aelo?" Baling ni eurecka.

"A-ah... nakalimutan ko. Pasensya na". Sagot nito sabay kamot sa ulo.

"Nakalimutan? Hindi pwede yan Mr. Woo, bumalik ka sa gubat at gawin mo ang dapat mo gawin". Utos ni eurecka.

"Sige". Sagot ni aelo saka umalis ang babae.

Pagdating ng tanghali ay nagsimula ang aktibidad nila, bakas ang pagka-enjoy ng mga estudyante sa kanilang bakasyon. Pagsapit ng hapon ay sama-sama silang naligo sa ilog.

~~~

Angelo's POV

"OMG! Kay rey tumapat". Excited na sabi ng isang babae.

Si rey ang tinapatan ng kabilang dulo ng patpat na inihagis ng estudyanteng katatapos gawin ang dare nya. Nakapalibot kami sa bonfire.

"Truth or dare?" Tanong ng 3rd year student na halata ang pagkagusto kay rey dahil ito ang tinapatan ng kabilang dulo.

My Seductive Vampire Lover (BoyXBoy)Where stories live. Discover now